Pinisil niya ang kanang pisngi ko. "Totoo naman, 'di ba? Aminin mo, alam mong mananalo tayo dahil sakin!" tumawa pa ng malakas si Xander pagkatapos nun. 'yung klase ng tawa na parang villain sa pelikula.

Natahimik ang lahat habang naiiling na nakatingin ako sa kanya. Napansin ko ang tingin ng tatlo kaya natigilan din ako. Mayamaya, nakita ko pang nangingilid ang luha ng Mama niya.

"Bakit?" tanong ni Xander nang mapansin ang tingin ng pamilya niya sa kanya.

Sandaling tahimik na nakangiti ang tatlo. Ang Ate ni Xander ang unang nagsalita.

"Ngayon ka na lang ulit tumawa ng ganyan," sabi nito.

Nagtataka pa ring tumitig lang si Xander sa Ate niya.

"Natutuwa kaming makita kang ganyan," sabi naman ng Papa niya.

Ang Mama niya naman, tahimik lang pero magiliw na nakatitig sa kanya.

Napa-iling na lang si Xander. "Ang da-drama niyo! Kumain na nga lang tayo!" natatawa pa ring sabi niya.


~*~


Nakatitig pa rin ako sa paper bag na hawak ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-get-over. Hindi ako makapaniwalang binigay talaga sakin ng Ate ni Xander 'to.

Oo, kaya ko namang bumili ng ganitong klase ng sapatos pero iba pa rin kasi talaga pag ibinigay sayo. Nag-iiba ang halaga nun.

"Baka naman matunaw na 'yan ha," sabi ni Xander.

Inirapan ko siya. Panira talaga ng moment kahit kelan. Ninanamnam ko pa 'yung feeling eh!

"Natutuwa lang ako! Ang KJ mo talaga!" sabi ko.

Niyakap niya naman ako gamit ang kamay niyang naka-akbay na sa akin kanina pa. "Ito naman, hindi na mabiro."

Narito na kami ngayon sa park. Pinapanood lang namin ang mga taong dumaraan. Pati ang mga batang naglalaro sa tapat namin. Parang ang saya-saya nila. Nakakatuwang pagmasdan.

"Nasubukan mo na bang maglaro n'yan?" tanong ni Xander sabay turo sa mga bata.

Umiling ako. Ni wala nga akong idea kung anong nilalaro nila. Hawak nila 'yung mga tsinelas nila at binabato 'yung lata. Hindi ko naman kasi naranasang maglaro sa labas. Palaging mga laruang bili ni Mama ang hawak ko at kung hindi sa kwarto, sa garden lang lagi ako.

"Gusto mong masubukan?" tanong ni Xander.

"Huh? Paano naman?" tanong ko. Sa totoo lang, nae-excite ako. Gusto ko naman kasi talagang masubukan.

"Sasali tayo."

Pagkasabi nun ay hinila niya agad ako patayo. Iniwan ko na muna ang paper bag sa bench na kita naman namin.

"Pwedeng sumali?" tanong ni Xander sa mga bata nang maka-lapit kami.

Nagtinginan ang mga ito saka nagkibit ng balikat. Mukhang nag-isip pa sila hanggang sa magsalita ang isang bata.

"O, sige. Basta kayo taya," sabi nito.

"Ako na lang ang taya," ani Xander saka bumaling sa akin. "Doon ka na sa pwesto nila. Gayahin mo na lang ang ginagawa nila."

Tumango na lang ako saka pumwesto sa tabi ng mga bata. Gaya ng sabi ni Xander, kinopya ko na lang kung anong ginagawa ng mga ito. Nag-tanggal ako ng tsinelas at naghandang magbato.

"Ikaw na, Ate!" sabi ng bata sa tabi ko.

"O-okay," kabadong sabi ko.

Inasinta ko 'yung lata. Pero hindi ko pa rin maibato. Hindi ako makuntento sa pwesto ko eh. Narinig ko nang nagrereklamo 'yung mga bata na ang tagal ko raw kaya naman pumwesto na lang ako ng isa pang beses saka ibinato.

Derederetsto 'yung lumipad at ni hindi man lang dumaplis sa lata. Oo na, ang totoo, malayo 'yun sa lata. Ewan ko ba kung bakit ang taas-taas ng pagkakabato ko ay 'yung lata ang pinapatamaan ko. Ugh!

Gumaya ulit ako sa mga bata. Binantayan ko ang tsinelas ko.

"Psst!" tawag ko sa batang pinakamalapit sakin. Tumingin naman siya. "Anong gagawin pagkatapos?" tanong ko.

Halatang iritable 'yung bata pero sumagot naman. "Pag may nakatama sa lata at tumumba, tumakbo ka! Wag kang papahuli!"

Saktong pagkasabi nun ng bata ay narinig ko ang pagkalampag ng lata sa semento. Kasabay naman ng mabilis na paghablot ng mga bata sa tsinelas nila at pagtakbo. Nataranta ako kaya nakatingin pa ako sa kanila.

Nang matauhan ako ay dinampot ko ang tsinelas ko at humabol sa pagtakbo. Pero hindi pa man ako nakakalapit sa isa sa kanila ay may mga braso nang pumigil sa beywang ko.

"I love you!" narinig kong bulong ni Xander kasunod ang pagsigaw ng, "huli ka!"

Nag-init an gpisngi ko hindi lang dahil sa pagbulong ni Xander na 'yun, kung 'di dahil yakap-yakap niya ako habang nandito kami sa park at maraming tao.

Nagtawanan ang mga bata sabay turo sa akin. "Ikaw na ang taya, Ate!" sabi nila.

Wala na akong nagawa kundi ang maging taya. Nakailang ulit na kami pero ako pa rin ang taya. Ugh! This game is so frustrating! Nakakainis! Bakit ba ang bibilis nila tumakbo?

Pagkatapos ng ilan pang ulit, may nataya na rin akong bata sa pagkatuwa ko.

Hindi sa tumbang preso (nalaman kong tawag sa larong 'yun) nagtapos ang pagsali namin. Naglaro din kami ng piko, patintero at luksong tinik.

Sa bawat beses na mapapalapit sa akin si Xander, lalo na pag nayayakap niya ako ay bumubulong siya sa akin ng "I love you". Alam kong namumula ako sa bawat beses kaya tumutungo na lang ako. Mukha namang walang nakapansin sa mga bata, o wala lang talaga silang pakialam dahil ang gusto lang nila ay ang maglaro.

Sa ngayon, taguan naman ang laro namin. Si Xander ang taya dahil siya lang ang naiba sa 'maiba-taya'. Lahat kami nakaharap ang kamay at siya lang ang nakataob.

Nagbibilang na siya ng sampu habang nakasubsob sa may puno. Nagpa-panic na ako dahil wala akong mataguan. Sa laki ko ba naman, mahihirapan talaga akong makapagtago. Kumpara naman sa mga bubwit na kalaro namin na ngayon ay may pinagtataguan nang lahat.

Matatapos na ang bilang ni Xander kaya naman nagtago na lang ako sa likod ng may kalakihang basurahan.

Sandali pa lang ako dun pero nagsisi na agad ako. Ang baho! Aish! Bakit ba naman kasi sa lahat ng lugar dito ko pa naisipang magtago?

Nasa kalagitnaan ako ng pagrereklamo sa utak ko nang biglang may humila sa akin patayo. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin at halikan sa mga labi. Saglit lang 'yun at umakbay agad siya.

"I love you," sabi niya ulit habang naglalakad kami.

Napangiti na naman ako. Ilang beses niya na bang sinabi yan ngayong araw?

"I love you, too," sabi ko. "Nakarami ka ng sabi ah?" sabi ko saka tumingala sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin saka humalik sa noo ko.

"Para hindi mo makaimutan," aniya.

Napansin kong bitbit niya na ang paper bag sa kabilang kamay niya. Nangingiti pa ako nang may maalala. "Teka, 'yung mga bata!" sabi ko napatingin pa ako sa pinanggalingan namin.

"Uwian na! Salamat sa pagpapasali samin!" sigaw ni Xander. Hindi siya tumingin sa likod namin pero kumaway siya.

Narinig ko pa ang pag-aaayy ng mga bata hanggang sa makalayo kami ng tuluyan.

Tumingin ako kay Xander habang naglalakad kami.

Oo, hindi ko makakalimutan ang pauilit-ulit na sinasabi niya kanina. Hindi ko rin makakalimutang ganun din ang nararamdaman ko. At sa ngayon, ipinapangako ko, ako ang magiging pinaka-understanding na girlfriend sa buong mundo!

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon