Pumasok na kami ni Xander at dumeretso sa kusina. Nagsisimula nang kumain dun si Betty kaya pinaningkitan ko ng mata si Kuya. Sabi ko naman kasi sa kanya, ayokong kasabay sa mesa ang anak niya. Hindi niya pinansin ang tingin ko at nagpatuloy lang sa pagkain.

Mayamaya, tumingin siya sa amin saka nagsalita.

"Hindi ba kayo na-inform na may bahay sa likod niyo?" tanong niya.

"Huh?" tanong ko.

"Talagang sa labas pa kayo natulog. Parang wala kayong mga bahay," aniya.

Pinaikot ko ang mata ko saka tumingin sa kanya. "Kuya, hindi namin sinadyang matulog dun. Nakatulog lang."

"Pareho lang 'yun."

"Magkaiba. Iba ang sinadya sa hindi."

"Tss. Whatever. May lakad ba kayong dalawa?" tanong niya ulit.

Tumingin ako kay Xander. Hind ko kasi alam kung may aasikasuhin na naman siya ngayong araw. Lagi naman kasi eh. Kahit Sabado't Linggo busy siya.

"Gusto mong pumunta sa park?" tanong niya.

Ngumiti agad ako saka tumango. Matagal na rin kaming hindi nakaka-gala ni Xander. Kahit sa impyerno pa yan sasama ako.

"Okay, may lakad kami, Kuya," sabi ni Xander.


~*~

Sa bahay nina Xander kami dumertso galing sa bahay. Maliligo at magbbihis daw muna kasi siya bago kami maggala. Nasa kwarto niya siya at ako naman, kasama ang Mama niya sa kusina at naghahanda ng pananghalian.

Ilang beses na rin kaming nakapag-kwentuhan ng Mama ni Xander. Sobrang cool niya at ang dami naming nagpagkakasunduan. Pati sa pagluluto, tinuturuan niya rin ako. Tulad ngayon, ako ang nagluto at sinasabi niya lang ang mga kailangan gawin.

"Aba, ang galing mo na a," aniya.

"Naku 'Ma, wala pa rin akong panama sa'yo 'no!" sabi ko.

Mama na rin ang tawag ko sa kanya dahil 'yun ang gusto niya. Hindi kasi close sa kanya ang Ate ni Xander kahit na napatawad na siya nito. Kaya ayun, sa akin niya na lang binubuhos 'yung atensyon niya para sa babaeng anak.

"Siguradong lalo kang magugustuhan ni Xander."

Tumawa ako. "Pata na patay kaya sakin 'yun. Kahit hindi ako magaling magluto magkakandarapa pa rin 'yun sakin," sabi ko.

Natawa na din ang Mama ni Xander. Nasa ganung ayos kami nang may magsalita sa likod namin.

"So, ganun? Patay na patay pala ha? Ikaw kaya ang patay na patay d'yan sakin," sabi ni Xander.

"Ay, oo na. Patay na patay na kayo sa isa't-isa," sabi ni Mama. "Hala't maupo na kayo. Tatawagin ko na si Alex at Sandra."

Ilang sandali pa at kumpleto na kami sa hapag. Magkatabi kami ni Xander habang nasa tapat namin ang Mama at Ate niya. Si Papa Alex (gusto niya ring 'yun na ang itawag ko sa kanya) nasa kabisera ng mesa.

"Malapit na ang graduation niyo, ano?" sabi ni Papa.

Ngumiti ako at tumango kasabay ng pagsagot ni Xander ng "opo".

"Natutuwa ako't makakatapos na kayo. Ano nga palang nangyari dun sa sinalihan niyo kahapon?"

Nagkatinginan kami ni Xander saka ngumiti ng malapad.

"Well, as expected, panalo," sabi ni Xander.

Nahampas ko siya bigla dahil sa pagkakasabi niya. "Yabang!" sabi ko.

My Poker-Faced GuyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt