Pangapat.

46 0 0
                                    

"Isang babae patay matapos makagat ng ahas sa loob ng tren."

Headline. Iyan ang pangyayaring nagpabago sa buhay ni Christina. Hindi sukat akalain ng impaktitang ito na sisikat sya dahil lang sa isang hindi pagkakaintindihan.

Hindi niya akalain na mangyayari man kahit sa panaginip ang mga nagaganap ngayon sa kanyang harapan. Ang mga ilaw na sumisilaw sa kanyang mga matang nilapatan ng kung ano-anong kolorete. Patuloy ang pagkislap ng mga ilaw mula sa camera ng mga paparazzi.

Bullshit! Impit niyang sambit sa sarili.

Kulang na lang ay bulyawan niya ang mga hinayupak na dayuhan sa pagkairita. Ipinagdarasal niya na tumigil na ang mga taong ito. Pilit niyang tinatakpan ang kanyang mukha.

Langya! Ayokong kung sino-sino ang tumingin sa maganda kong mukha.

Alam niyang ipopostura ang kanyang mukha sa pahayagan, magasin o kung ano mang internet site o publications. Kawawa ang mga makikita nito baka masiraan sila ng loob at hindi na magpatuloy sa buhay kapag nalaman nilang may diyosang katulad niya.

"Christina, umayos ka!" Saway ng isang pagkagwapo-gwapong nilalang sa kanyang tabi kay Anastasia na nakabusangot niyang mukha. Tinangka pa rin niyang iwasan ang bawat click ng camerang nag-uunahan sa pagkuha ng kanyang larawan.

Bakas pa rin sa mga salita ng lalaki ang British accent sa kanyang tabi. Buti na lang marunong siyang magtagalog kahit papaano kung hindi paniguradong ubos ang dugo niya.

"Shut up! Rafael, it's my first time." Pigil na sigaw habang pinandidilatan niya ang lalaking dayuhan.

"Okay, just try your best." Mahinahon niyang sinambit ang mga salita. Umurong yata ang buntot. Natakot yata sa mga mata ni Christina na halos lumuwa na.

Aminado siya na kailangan niyang ayusin ang pakikiharap sa mga paparazzi-ng ito. Ang madlang people ng buong mundo ay siguradong inaabangan ang bawat kilos ni Rafael at nagkataon namang nasabit siya sa buhay ng estrangherong ito.

Pinilit niyang ipakita kung ano mang composure at grace ang meron sa kanyang pagkababae. Ang isang boyish na katulad niya, magkakaroon noon. How I wish! Ang hirap kaya iachieve.

Habang pasimple nilang iniiwasan ang mga paparazzi ay walang ano-anong siya ay kanyang hinila papasok sa limosine na kanina pa nagaabang sa paglabas mula sa kanyang hotel. VIP lang ang peg. Taray talaga, naalala ko tuloy yung kanta ni Lorde na Royals.

We'll never be royals, royals.

Boom panes! ang kanta ni Lorde.

Sino may sabing she can never be royals, royals? Haha! Sabeh!

Yun nga lang, it don't run in her blood kaya pang temporary lang ang pagiging royal niya. She doesn't have the right to brag. Alam niyang may katapusan itong nagsisimula niyang swerte o baka kalbaryo sa buhay niya. Si God talaga maraming hinandang surpresa sa kanyang buhay.

Author's Note:

I would love to here what you think about my story, love it, hate it, comment it. >_< Do whatever you want. Just do it.

Onegai!

Arigatou!

All rights reserved. Plagiarism is a crime.

Si ChristinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon