Una.

66 0 0
                                    

Isa lang siyang ordinaryong babae, simple and plain kumbaga, walang arte sa katawan. Napapagkamalan pa ngang lalaki dahil sa maton niyang paglalakad at flat na hinaharap. Tanggap niya na iyon, kailan man hindi na lalaki pa ang kanyang dibdib. Sa edad ba namang 24 daig pa niya ang nagdadalagang teenager na pinamumukulan ng dibdib. She is used to it. She didn't want to get into a fight just because she's flat-chested.

"Sir, saan po pwedeng mag-cr?" Tanong ng isang pesteng bata. Pero ibang usapan ngayon badtrip siya at gusto niyang ilabas iyon.

Sir? Mukha ba talaga akong lalaki, short hair ako, oo. Flat-chested ako, confirmed. Siga ako maglakad, guilty. But for someone's sake, I'm just girl waiting for a man to love her.

Mga banat niyang monolouge. Gasgas na siguro sa sobrang tagal ng kaniyang paghihintay kay Mr. Right o kung sino mang Hudas Eskariote ang nakalaan para sa puso niyang tigang.

Nilingon niya ang pesteng estudyante.

Letse kang bata ka. Huwag na huwag lang kitang magiging estudyante siguradong gagawin kong impyerno ang buhay mo.

Kung makikita lang siguro ng batang lalaki ang nanggagalaiti niyang pagmumukha sa kanyang isip. Siguradong hindi niya na gugustuhin pang makasalamuha ito.

Bitter. Ang salitang bumabalot sa kanyang katauhan. Mapait ang tingin niya sa buhay. Kailanman ay hindi siya naging kuntento sa kung anong meron siya. Lagi na lamang siyang naghahanap. Naghahanap ng bagay na hindi niya kailanman maipaliwanag.

Enough of this melodramatic plot, going back sa batang kausap niya.

"Sir ba kamo?" Tanong niya habang halos lumuwa na ang mga mata sa panlilisik letseng batang.

"Ah. Ma'am so... so... rry po. A... a... kala ko po." Halos magkandautal-utal ang batang lalaki sa paghingi ng pasensya. Natakot siguro sa mga mata niyang muntik ng lumuwa.

"Doon ang cr!" Singhal niya sa kawawang bata sabay turo sa kabilang building. Kahit alam niyang may cr sa kinatatayuan nilang building wala siyang intensyon na padaliin ang paghihirap ng kanyang pantog.

Magdusa siya! Haha!

Sambit niya habang tumatawa na paranga mangkukulam sa kanyang isip.

Nanakbong tinungo ng batang lalaki ang kabilang gusali. Mukhang sasabog na ang kanyang pantog sa sobrang pagpipigil.

Huh! He deserves that for calling me Sir. How dare he?

Pero infairness, may itsura si boylet ha. He must a senior but sadly he is still a student.

Sayang ne! Tapos sinungitan mo pa. Tsk!

Panghihinayang niya sa kanyang sarili.

Pinagmasdan niya lang ang batang lalaki habang nilalandas nito ang mahabang pasilyo ng gusaling kinatatayuan niya. May kakaiba sa batang ito, halos mamilipit ito sa sakit. Nagpipigil lang ba talaga siya ng ihi o may iba pang dahilan?

Sinundan niya ng tingin ang bata. Mukhang malayong daan ang tinatahak. Hindi na siguro naisip na mas malapit sa kabilang hagdan dumaan papunta sa kabilang gusali.

Nagkataong recess na at nagsisimula ng lumabas ang mga estudyante upang magtungo sa canteen. Tila bumubugso ang dami ng tao sa pasilyong tinatahak ng batang lalaki. Unti-unti papalapit na siya sa palingkuran ngunit isang pangyayari ang hindi dapat kailanman nangyari.

Si ChristinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon