II

95 28 2
                                    

Sa pagsapit ng ika-labing anim na kaarawan ni Isay o mas kilala ngayon bilang Ka Ising, nagsimula ng mangyari ang mga kababalaghan sa kanyang katawan.

Sa tuwing sasapit ang hatinggabi nagigising sya mula sa kanyang masarap na pagtulog at pagsapit ng alas kwatro ng hapon ay nakakaramdam sya ng matinding antok. Sa di maipaliwanag na pangyayaring yaon ay hindi nya alam o hindi nya maalala ang kanyang ginagawa o ginawa. Ayon sa kanyang ina ay normal sya ng mga panahon na yon. Ngunit alam ni Ising sa sarili na mayroong mali.

Sa pagsapit ng ikalabing walo niyang kaarawan, doon na nagkaroon ng kasagutan ang kanyang mga tanong. Ibang nilalang ang nakakasalamuha nya. Ibang mga elemento. Hindi tao.

Noong una ay ayos lang dahil hindi sya inaano ng mga ito. Ngunit sa paglipas ng buwan, alam nyang nagbabago na ang mga ito. Lumalabas na ang tunay nitong ugali, tunay niyong mithi.


"Diyos ko po."

Hindi isa o dalawa. Hindi mabilang sa loob ng kwartong ito ang mga nilalang na matagal nya ng tinatakbuhan.

Lalo syang nanginig sa takot ng unti unti syang ngitian ng mga ito. Sinulyapan nya ang binata na dahilan kung bakit sya narito ngayon. At kagaya nya nanginginig na rin ito sa takot. Hindi dahil sa nakikita nito ang nakikita nya kundi dahil sa walang buhay na katawan ng kanyang ina at...



Sa kanyang kapatid na mukhang tinakasan na ng katinuan habang hawak ang anak nitong binabalian nito ng buto at niyuyupi na parang isang papel.

Napaiyak na lang ng malakas ang binata sa eksenang naabutan nila habang si Ising ay gusto na ring maiyak dahil sa matinding takot lalo na at....  unti-unting lumalapit ang mga ito sa pwesto nila.

Mga demonyo.

Pilit nyang hinagilap ang kamay ng binata upang kahit papaano ay iparating na hindi ito nag iisa ngunit lalo lang nanlaki ang mata ni Ising ng hawakan siya nito ng napakahigpit sa kanyang braso na parang nais na rin nito iyong baliin habang may isang nakakapangilabot na ngiti sa labi.

Mukhang hindi nya na rin maililigtas ang binatang ito. Hindi nya na nga rin alam kung makakalabas pa ba sya ng buhay sa bahay na ito.


Lahat ng mga ito ay nasa kanya ng harapan, pawang mga nakangiti na tila ba sabik na sabik na makita at mahawakan syang muli. Halos panawan na sya ng ulirat dahil sa matinding takot lalo na at nasimula ng magpatay sindi ang ilaw sa kabahayan kasabay ng malakas na ulan na naghatid ng matinding kulog at kidlat.


"Kamusta ka babae?" alam nyang hindi na ang binata ang kausap niya. Wala na ang binata, sapagkat alam nyang kinain na ng demonyo ang kaluluwa nito upang maangkin ang katawang lupa nito pansamantala.



Walang mahagilap si Ising na kahit anong salita. Alam nya, sya ang sinisisi ng mga ito sa unti unting pagkaubos ng lahi ng mga demonyo. Engkantong mangingibig? Sana nga engkanto na lang kesa naman demonyo. Nais nyang mapangiti ng mapait ngunit hindi nya maipaliwanag ang kakaibang nangyayari sa katawan nya ngayon.

Masakit, parang pinupunit ang bawat hibla ng
kanyang laman sa loob ng kanyang katawan.

Unti unti ng napapaluhod si Ising dala ng sakit.

"Mamatay ka na"

"Magbabayad ka"

"Kasalanan mo to"

Naririnig nya ang lahat ng sisi ng mga ito. At sa bawat salita na lalabas sa bibig ng mga ito ay lalong tumitindi ang sakit na nararamdaman nya.


"HAHAHAHAHAHAHAHA," ang tawang mukhang hinugot pa sa lupa ang lalong nagpasidhi ng sakit na iyon.



"Patayin nyo na lang ako," nais sabihin ni Ising. Alam nya hindi nya na kaya.

Ngunit bago pa pumikit ang kanyang mata nakita nya ang unti unting pagluhod ng binata at ang mga salitang binitawan nito na hindi man nya naintindihan ay alam nyang magdadala ng matinding kapahamakan.


"La adalah kesalahan anda, anda perlu membayarnya. Anda akan membawa kita keselamatan kita."













AN: Let me hear your thoughts folks.

The New Era of BloodsWhere stories live. Discover now