Pagpasok ko sa bahay nila, halata ang lungkot sa buong paligid. At para bang walang nakatira dito? Ang laki-laki ng bahay nila, pero iilang tao lang nakikita mo dito.

Nakarating kami sa kwarto ni Je na agad naman siyang pinahiga ng driver nila sa kama nito, saka nagpaalam na lumabas na.

Napatingin lang ako kay Kate, habang pinupunasan si Je sa mukha at sa mga kamay nito, gamit ang basang towel na pinakuha niya kanina sa isa sa mga katulong nito. Matagal na silang magkasama, kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganun nalang ang trato nila sa isat-isa. At hindi na rin ako nagtataka kung bakit madali nalang sila awayin at bullyhin ay dahil mahina sila. Mahina ang loob nila para sa ganung bagay. At hindi nila kayang ipagtanggol ang sarili nila.

" Aalis na muna ako, Kate. " pagpapaalam ko sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin saka itinabi muna yung basang towel na ginamit niya at saka lumapit sa akin. Bahagya pa ako nagulat ng yakapin niya ako.

" Thank you sa pagtulong sa amin, Kris. Kung wala ka, baka hindi ko na alam ang gagawin ko. " sabi nito.

Napangiti naman ako at niyakap siya pabalik. Hindi ko alam na ganito pala ang feeling na may kaibigan kang babae. Ang sarap at ang gaan pala sa pakiramdam. Nasanay kasi ako na puro lalake yung mga kaibigan ko. Sina Sam at Nuel, sila lang ang naging kaibigan ko mula noon hanggang ngayon. At kahit kailan, wala pa ako naging kaibigan na babae. Dahil doon sa amin, yung mga babae doon. Hindi naman sa mahinhin sila, pero shit lang! Ayaw ko ng ganung klaseng babae na para bang hindi makabasag pinggan?

Dahil sa tingin ng iba, nagmumukha kang mahina. At doon sila kumukuha ng pagkakataon para saktan ka at abusuhin ang pagiging mabait at mahinhin mo. At isa sa mga dahilan kung bakit wala akong naging kaibigang babae sa amin, ay dahil naiiba ako sa kanilang lahat. Ako lang yung tanging babae sa amin na kayang makipagsabayan sa mga lalake, lalo na sa mga tarantado. Ayaw ko kasi yung minamaliit ako at sinasaktan ako.

Lumabas na ako ng kwarto ni Je, matapos kung magpaalam kay Kate.

Sa pagbaba ko ng hagdan, nakasalubong ko ang isang matandang may edad na, nasa palagay ko at ama ni Je.

" Who are you? " seryuso nitong tanong sa akin at halata sa boses niya na may sinabi ito sa lipunan.

" Good evening, Sir. Kaibigan po ako ni Je. " magalang na sabi ko sa kanya.

Nagsalubong naman yung kilay niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Saka nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa lampasan ako nito. Pero hindi pa man siya nakakadalawang hakbang ng magsalita ko para tumigil ito sa paglalakad.

" Kung ako po sa inyo, tanggapin niyo nalang po kung ano si Je ngayon. Dahil baka darating ang araw na umalis nalang ito at bigla kayong iwan. Katulad nalang ang biglang pagkawala ng asawa mo. " sabi ko sa kanya.

Aalis na sana ako ng marinig ko siyang magsalita.

" Sino kaba? At anong pakialam mo sa pamilya namin? " galit nitong sabi.

" Maaring wala akong pakialam sa inyo. Pero sa anak niyo meron. Sa ginagawa niyo, sinasaktan niyo lang ang sarili mo at ang anak niyo. Kayong dalawa nalang ang naiwan, at siguro naman hindi hahayaan ng isang ama na mawala pa sa kanya ang anak niya... Kaya kung ako sa inyo, tanggapin niyo nalang kung ano ang anak niyo ngayon. Dahil baka magsisi kayo sa huli. " sabi ko sa kanya.

Umalis na ako don at minaneho ang kotse ni Kuya Red pabalik sa bahay namin.

Agad akong napapreno ng may bigla mataaman akong dalawang grupo na hindi kalayuan sa akin na nag-aaway at nagrarambulan. Tiningnan ko ng mabuti kung ano ang nangyayari. Pero ganun nalang ang pagkagulat ko ng makilala ko ang isa sa mga grupo na nandon.

" Shit! " mura ko ng makitang mukhang sugatan na sila at nahihirapan dahil mas marami ang kalaban nila, kaysa sa kanila.

Agad kung pinihit ang sasakyan at minaneho ito ng mabilis papunta sa kanila. Sinasagasaan ko yung mga kalaban na nakapalibot sa kanila pero yung iba ay tumatakbo papalayo dito.

" Sakay na! Bilis! " sigaw ko sa kanila ng ihinto ko yung sasakyan ko sa harapan nila.

Nagulat pa sila ng makita ako, lalo na si Sandoval na mukhang takot at nag-alalang napatingin sa akin.

" Magpapakamatay ba kayo? " inis kung sigaw sa kanilang lahat.

Kumilos naman silang apat at agad na sumakay sa loob ng sasakyan. Hindi ako nag-alala sa sitwasyon namin ngayon. Nag-alala ako sa sasakyan ni Kuya Red, na pinagbabaril na ngayon. Paniguradong makakatikim na naman ako nito sa kanya.

Ang Probinsyanang PalabanWhere stories live. Discover now