Ibang Teyorya

603 6 0
                                    

Kung sa science ang tao ay nag-umpisa sa uri ng unggoy

- ito ang para sa akin - puwedeng pag basehan iyon.

Pero paano kung ang isang uri ng nilalang na halos kasing tulad ng tao at unggoy ay isa rin sa mga nilalang ng diyos na maagang nawala sa mundo dahil sa sila ang unang uri na natutong mabuhay na parang tao at nangamatay din agad dahil sa sakit, sa paraan ng pamumuhay nila? At posible rin na dahil marami pang mabangis na hayop noon na nakakasalamuha nila sa araw-araw at pati ang paraan ng pagpili ng bungang pagkain.

At sa mga pag-aaral ng mga siyantipiko at archeologists karamihan sa mga lugar na pinuntahan nila at nakatuklas ng mga tinawag na taong java ay sa lugar na tropical, pero mayroon din naman sa lugar na nasa yelo pero hindi nila isinama.

Kahalintulad ng pamumuhay ni Eva at Adam iyon nga lang ay inosente silang uri hindi katulad ng dalawa na ginabayan ang naging lahi nila.

Ang ginawang pagsasaliksik ng mga siyantipiko noon sa mga taong java ay hinati-hati nila at pinangalanan ayon sa uri nito.

Subalit paano kung katulad ng tao may kani-kaniya itong nationality dahil karamihan sa mga ito ay natuklasan sa Asya at Australia. At nabuhay sila kasabay sina Adam at Eva subalit maaga rin nawala.

Matatandaan din sa biblia nagkaroon nang malakas na ulan na naging sanhi ng malaking pagbaha na tumagal ng apat na pung gabi at araw na tumapos sa lahat ng buhay na mayroon sa lupa at piling uri ng nilalang ang iniligtas na isinakay sa mala-higanteng bangka o tinawag na arko.

At posibleng dahil din sa malawakang pagbaha kaya nawala sa mundo ang mga tinaguriang dinosaurs na isa sa mga likha ng panginoon. (At higante.)

At baka isa sa mga dahilan ng panginoon ang lipulin ito dahil sa nakita Niyang masyadong malaki at mapanganib ang uri ng karamihan sa mga hayop na ito. Hindi lang dahil sa galit Siya sa mga taong nilikha Niya na hindi na nagiging masunurin sa Kanya bilang taga-likha, ayon sa nakasulat sa biblia.

Sa aking panuri, sa lahat ng planeta na nakapalibot sa araw, sa kalawakan tanging ang mundo (na may nakatirang tao) ang may tubig.

At ayon din sa pag-aaral, wala pang natuklasang kahit anong uri na katulad ng tubig sa mundo natin ang nakakalat sa kalawakan.

Kung iisipin at uunawain mabuti lahat halos ng planeta ay may kani-kaniyang katangian tulad ng Jupiter at Saturn ring na maganda tingnan sa malayo pero pag nilapitan ay di mahahawakan dahil ito ay composition of different gases, iyong Mars buhangin na kulay kalawang at maliliit na bato, na sa tingin ko kapag nilagyan ng tubig ay magbabago ang texture. Kahit na marami din itong bundok katulad ng earth iba pa rin ang katangian nito dahil sa kabuoang kulay nila.

Ang mundong ito sa palagay ko ay tubig muna, bago nilatagan ng tipak ng kalupaan ng taga-paglikha, ang diyos. Dahil ito ang napili Niya sa lahat ng planeta. Bago Niya naisipang lumikha ng tao na kawangis Niya.

The Secrets of The BibleWhere stories live. Discover now