Boring Wednesday

92 11 22
                                    

Wesley's POV

Sobrang boring talaga pag wednesday, dadalawa lang ang subject namin ni Spencer. Ang masaklap pa ay ang schedule ng aming mga subject. Isa sa umaga at isa sa hapon sobrang layo ng time gap ng subject namin.

Buti na lang nagyaya pa itong sila Ryle na maglaro na lang muna ng basketball pamatay oras. At as usual panalo kami.

Teka asan na ba yun si Spencer?

Hinanap ko siya, pero di ko siya makita. Nasa paligid lang siya kanina e. Ano ba yan uuwi na nga kami e naglaho na naman.

Pumunta ako sa pinakamalapit na C.R. pero wala din siya dun. Nag try din ako pumunta sa canteen kasi yun ang may malaking posibilidad na puntahan niya, pero wala din! Napapakamot na lang ako sa batok ko.

"Asan na bang lupalop yun loko lokong iyon?" Naiwika ko na lang sa sarili ko.

Palabas na ako sa gate ng school na pinapasukan namin ng matanaw ko siya sa di kalayuan. May kasama siya, hindi, may kausap siya na lalaki din tila ba parang may sinasabi siya dito o parang nanghihingi ng sorry kasi nakita ko na nayuko siya ng bahagya ng paulit ulit.

Nakangiti naman ang may kaederan ng lalaki na tila nalilito. Nakita ko pa ng tapik tapikin si Spencer ng lalaki sa balikat at bahagyang ginulo ang buhok. Di ko makita ng maayos ang reaksyon ni Spencer dahil bahagya itong nakatagilid na halos nakatalikod na talaga e.

Lalapit na sana ako kaso biglang may mga librong biglang nagbagsakan sa harap ko. Pag tingin ko ay isang babae ang nadapa sa harapan ko at nagkalat ang gamit.

Agad ko naman itong nilapitan at tinulungan isa isang kuhanin ang mga gamit nito na nagkalat na sa semento.

"S-salamat." Wika ng babae ng matapos na namin maiayos ang gamit niya. Nakita ko pa ang gulat sa expression ng mukha nito at biglang pamumula ng pisngi. "Wesley?"

Di ko naman napansin ang naturang reaksyon nito dahil muli kong tinignan ang kinaroroonan ni Spencer at nun lalaki pero wala na ang mga ito sa pwesto nila.

"Wow! Nawala lang ako may chicks ka na naman?!" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Spencer na katabi ko na ngayon. "Iba ka talaga Wesley! Pano mo nagagawa yun?"

Binigyan ko siya ng reaksyon na nagtataka at di ko magets yun sinasabi niya. Pasimple naman siyang ngumuso.

Pag lingon ko, yung babae na tinulungan ko kanina na ngayon ay may kasama ng apat pang mga babae. At halatang para bang kinikilig ang mga ito sa kung ano.

Sinimangutan ko si Spencer at sumenyas na tara na.

"U-uhm Wesley s-salamat." Napansin ko na di makatingin yun babaeng tinulungan ko sa akin at namumula pa rin.

Pansin na pansin din na ang iba a niyang kasama ay kinikilig. Di ko alam bakit sila ganyan, mga babae talaga paobvious na kulang na lang ibigay na agad agad ang sarili.

"Wala yun." I just smile then naglakad na kami palayo.

"Di ko talaga ma-analyze Wesley e! O sige ilatag natin." Napalingon ako ng biglang nagsalita si Spencer habang sakay sakay kami sa jeep.

"O sige given matalino ka, hmmm.., magaling ka mag basketball, g-gwapo ka." Bigla siyang tumigil sa pag sasalita at tila nagiisip. "Hindi e mas gwapo ako sayo e o sige let's just say gwapo ka pumapangalawa sa akin." Lalong napakunot ang nuo niya sabay kamot sa nuo niya. "Pero bat ganun madaming chika babes ang kinikilig sayo? Like kanina tignan mo kung ako yun tumulong dun ngingiti lang mga yun! "

Napaawang ang bibig ko kasi nahihiya ako sa mga kasakay namin sa jeep. Natatawa na nga yung babaeng katabi niya na alam kong taga school din kasi yun suot niyang uniform e uniform ng school namin iba lang course siguro.

"Alam mo gutom lang yan, kain na lang tayo gutom na rin kasi ako." Pag iiba ko ng topic. "Masarap ang pares ngayon tingin mo?"

"Pares lang ba? Lalayo pa ba tayo? Pinaka masarap ang luto ni borgs!"

Nakangiting wika ni Spencer sa akin.

Grabe talaga toh, ipagpapalit talaga niya ang lahat basta sa pagkain.

"O yun naman pala! Dun na tayo senyo tapos movie marathon."

Tapos ang usapan diba?

"Pero..." Mahinang wika niya. "Napakasaklap talaga bakit lapitin ka ng chicks! Anak ng tokwa talaga!!" Umarte pa si Spencer na tila pinagsakluban ng siya ng lupa at langit sa kamalasang dinaranas.

Sabay lingon sa akin na may blangkong expression sa mukha niya. Ilang segundo lang din ang lumipas at napahaglpak na kami ng tawa. Di na rin napigilan ng mga iba sa mga kasama namin pasahero ang matawa.

Wew, Adik talaga toh si Spencer!

('_____________________')

Ayt!!! Done my second update =))

Hope you like it...

yung photo na nasa multimedia is one of my main character WESLEY JOHN SARMIENTO

READ, VOTE, COMMENT

Enjoy !!! (^___^)

#GT

My Bestfriend's CASEWhere stories live. Discover now