Isang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus

4.5K 3 0
                                    

Kung tatanawin mo sa malayong pook,
ako’y tila isang nakadipang kurus,
sa napakatagal na pagkakaluhod,
parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

Organong sa loob ng isang simbahan
ay nananalangin sa kapighatian
habang ang kandila ng sariling buhay,
magdamag na tanod sa aking libingan…

Sa aking paanan ay may isang batis,
maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
sa mga sanga ko ay nangakasabit
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
at saka ang buwang tila nagdarasal,
ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,
ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,
batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

MGA PANITIKANG FILIPINOWhere stories live. Discover now