"MILIMINAS : TAONG 0069"

9.8K 15 0
                                    

"MILIMINAS : TAONG 0069" 
(Sanaysay / Hiligaynon)
Salin ni Ruby V. Gamboa-Alcantara mula sa
"Miliminas : Tuig 0069" ni Nilo Par. Pamonag

Miliminas, ito ang pangkat ng mga pulo na matatagpuan sa kalagitnaan ng Dagat Pasipiko bago pa nagkaroon ng malaking pagbaha. Ang pangkat na ito ng mga pulo ay binubuo ng higit sa pitong libo at dalawang daang mga pulo.

Ang Miliminas, ito ang tawag sa mga mamamayan ng nasabing kapuluan, ay katulad rin natin ang mga balat at hitsura. Ang kanilang pananalita ay tulad rin sa atin. Ngunit dahilan sa nahuhuli sila sa sibilisasyon may mga pag-uugali sila at pagsasalita na kabila rin sa atin.

Mik ang tawag sa kanilang pera. At ang tawag nila sa isang taong mayroong isang milyon na mik, o sobra pa, ay mikinaryo. Sa pagbibihis, malaki ang pagkakaiba natin sa kanila. Ang kanilang tawag sa pormal na damit para sa mga babae ay ang katumbas sa atin ngayon ng bathing suit at kamiseta at korto para naman sa mga lalaki.

Para mapangalagaan ang kanilang moralidad sa pagbibihis, may batas silang ipinapatupad na hulihin ang sinumang magdaramit ng mahaba pa sa mini-skirt at micro-mini-skirt.

Ang upuan sa kanilang mga sasakyan ay nilalagyan ng kiluhan upang masukat ang timbang ng mga pasahero dahil ito ang pagbabatayan ng kanilang pamasahe. Ito ang tinatawag ng kanilang Public Diservice Commission na equality before the kilo.

Tungkol naman sa pamamalakad ng trapiko ay may ordinansa sila na nagpaparusa sa mabagal magpatakbo. Ang kasalanan ng mabagal magpatakbo ay tinatawag na not overspeeding.

Mayroon din silang serbisyo sa tubig na tinatawag nanawasdak. Ang ahensyang ito ay may tatlong uri ng tubo. Ang una ay nilalabasan ng malinis na tubig; ang ikalawa ay nilalabasan ng maruming tubig; at ang ikatlo, walang tubig kundi hangin lamang. Nakapagtataka? Ito ang pag-uuri ng quatwasdak *, ang gripo na may malinis na tubig ay mahal ang bayad, para sa mayaman lamang; ang may maruming tubig, para sa lahat ng marunong magtrabaho o kung mayaman naman, gustong magtrabaho; at ang pangatlo, para sa mga mahirap at ito ay walang bayad.


Mayroon ding nagmomonopolyo ng koryente. Ito ang Patay Electric Company. Tatlo rin ang ang uri ng serbisyo nito sa publiko. Ito ang light service, brown out service at black out service. Ang light service ay magbibigay ng ilaw sa araw at gabi. Ang brown out service ay nagbibigay ng ilaw kung hindi mo kailangan at mawawala kung kailangan mo ng ilaw sa pagkain ng hapunan at pagbabasa kung gabi. Kung gusto mo lang ng pangdekorasyon, ang dapat mong ipakabit ay iyong black out service.

Ang mga sidewalk sa kanilang lungsod ay higit na malalapad kaysa sa atin. Bakit nga ba? Ang dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang siyang umuukupa ng mga kuwartu-kuwarto na kung sa atin ngayon ng mga bazaar sa mga bazaar. At sabihin pa, ang mga may-ari ng mga bazaar ang hinuhuli ng mga pulis sa kanilang pagtitinda sa mga sidewalk.

Ang mga opisyal sa bansa na tumaba habang sila ay nasa serbisyo ay pinapatawan ng sala o akusasyon sa kanilang mga resolution,genuine na mga batas, at iba pa.Upang mapagkatiwalaan ang mga mataas na opisyal ng bansa, itinatag ang anti-genuine commission para sa paghuli ng mga nagpaparami ng pag-aari o tumatanggap ng mga lagay na genuine, tulad ng genuine na resolutions, genuine na pera, genuine na batas, at iba pa.

Ang pinakamalaking tindahan ay tinatawag na super blackmarket. May pintura itong itim. Dito ipinagbibili ang mga bagay na ngayon ay ipinagbabawal tulad ng blusil na sigarilyo, apyan, mga bagay na ninakaw, at mga ipinagbibiling pekeng bagay. Ang mga genuine na bagay ay ipinagbibili nang patago at tigkakaunti lamang dahil laging hinuhuli ng mga alagad ng katiwalian ang nagbebenta ng mga ito at kinukumpiska pa ang kanilang mga paninda.

MGA PANITIKANG FILIPINOUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum