Part 5 - Massacre (SPG Language )

23K 169 0
                                    


Part 5 - Massacre (SPG Language)

"I want her badly... So badly...  "
Bulong ng isang lalaki habang tinititigan ang picture niya.

"I want to do this as soon as possible.... Tomorrow will be perfect.." Muling bulong nito habang inaayos ang mga plano niya..

" A MASSACRE."

==============================

OMG This is it!

Shaynee Yanna Perez

Naalimpungatan ako sa ingay na nagmumula sa ibaba. Pagtingin ko sa orasan ay nanlaki ang mga mata ko.

8:45 na ng gabi?! Nagulat ako. Pagtingin ko kasi sa bintana ay Madilim na.

Nagugutom ako. Pagtingin ko sa tabi ko ay may pagkain.

Hmm... Sino kaya nagdala nito dito?

Kinain ko 'yun. Pagkatapos ay nagtaka ako dahil may nakita akong white dress na nakahanger sa malapit sa bintana, Nakasabit ito malapit sa cabinet.

Naligo muna ako at saka nagtoothbrush, Di pa kasi ako nakakaligo eh. Nag-ayos narin ako at sinuot ko yung white dress ko.

Ano kayang meron?

Pagbukas ko ng pinto ay nagtaka ako kasi walang maririnig sa bahay, Pagbaba ko ay nagulat ako.

Nakakatakot ang mga itsura nila...

Unti-unting pumatak yung luha ko.

Sina Marco...

Nakahiga sa sahig habang dumadaloy ang mga masaganang dugo.

Nakita ko si Marco na nakahiga sa sahig at may kutsilyo sa dibdib... Si Kurt na may lubid sa leeg... Si isha na may dugo sa ulo na parang hinampas ng matigas na bagay...

Si Arianne, ay may saksak sa likod... Si Mitchie naman ay hinampas rin ng ng isang matigas na bagay. 

At si Anne.... Nakahiga sa sopa at may hawak na unan, Nakakatakot ang itsura niya... Nakatirik ang mga mata at nakanganga, May saksak din ang dibdib nito. Si nicole naman ay maraming saksak sa likod.

Napaupo ako. Bakit ba 'to nangyari samin? Sana... Hindi na lang kami pumunta dito.

"Shaynee..." Naramdaman kong may lumapit sakin.

Dahan-dahan ko syang nilingon.

Nagulat ako dahil punong-puno ng dugo ang mga gloves niya... May gloves kasi siya.

S-siya ba ang gumawa nito??

Napatayo ako.. Nanginginig ako at pati na ang mga mata ko.

Lumapit sya sakin. Tinulak ko siya at tumakbo papunta sa pinto pero hinablot niya ang buhok ko.

"Ouchh!!" Daing ko.

Pagharap ko sa kanya ay may hawak siyang panyo...

Mabilis na nilagay niya sa ilong at bibig ko ang panyo... Ilang sadali pa ay may kakaibang amoy akong nasinghot... At dahan-dahan ng pumikit ang mga mata ko...

Pero bago yan, Nagsalita siya.

"I Miss You.... Baby.."

==============================

Next Part: SPG

Stalker (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon