Part 3.2 - The Barkada's Trip 2

16.8K 159 2
                                    

Part 3.2 - The Barkada's Trip 2

Shaynee Yanna Perez

Pagmulat ko ng mga mata ay nagising ako sa isang di-pamilyar na silid.

Napabangon ako bigla, Parang bigla akong kinabahan at sumikip ang dibdib ko.

Saktong napahawak ako sa dibdib kk ng biglang bumukas ang pintuan ng kwartong iyon.

"Gising ka na pala, Magbihis kana at bumaba kana, Kakain na tayo. Buti na lang at dinala ka niya dito."

Nakangiting sabi ni Anne.

Napabuntong-hininga ako. Akala ko naman kung sino. Pero di ko nadinig yung huling sabi niya.

Kumunot ang noo nito. "Okay ka lang ba?" Tanong nito.

Tumango lang ako at ngumiti.

"O-okay lang ako, Sige bababa na lang ako pagkatapos kong magbihis." Sabi ko.

Bumaba na si anne, Nagbihis ako ng t-shirt na puti, plain lang at nagpajama na lang.

Pagbaba ko nakahanda na ang mga pagkain.

Pero nagulat ako ng may makitang lalaki na parang pamilyar sakin ang mga ngiti niya.

Kinilabutan agad ako. Tumaas ang mga balahibo ko.

"Oh nandyan kana pala girl, Mabuti na lang at binuhat ka kanina ni Hanzelle papunta sa magiging kwarto mo, Nakatulog ka kask at hindi kita kayang buhatin eh." Sabi ni Marco.

Nag-aalinlangan man ay nagpasalamat pa rin ako sa kanya.

"A-ah, Ganun ba? Salamat.. Hehe."

Awkward pero tumawa na lang ako.

Ngumiti ito, At tila napakainosente ang ngiti nito.

"Ang pangalan ko ay Hanzelle, But you can call me Hanz.."

Kinilabutan ako ng marinig ko ang boses niya. P-parang pamilyar..

Ngumiti na lang ako ng alanganin at naupo sa tabi ni Arianne. Katapat ko siya, Wala akong magagawa kasi yun na lang yung bakanteng upuan.

Mestisuhin siya. Namumula ang pisngi niya at pati na ang balat niya, Sigurado ako matangkad siya kasi kahit nakaupo siya ay siya parin ang. pinakamatangkad samin. Dark Brown ang mga mata niya, Matangos ang ilong niya at bumagay yun sa mapula-pula niyang labi.

Nagsimula na rin kaming kumain. At saktong kinuha ko yung serving spoon sa adobo, Ay saktong nahawakan ko ang kamay niya dahil kukuha rin siya.

Nakaramdam ako ng kakaiba, Parang may kilabot na dumaloy sa katawan ko.

Tiningnan ko siya...

Nagulat ako ng Ngumisi siya at hinaplos ang kamay ko.

Agad ko itong binawi at nakita ko ang mga kaibigan kong busy magkwentuhan.

Napayuko na lang ako at dinalian ang pagkain. Dali-dali kong ininom ang tubig at nagpaalam sa kanila.

Pumayag na rin sila kasi busy magkwentuhan. Tumakbo ako papunta sa itaas, Nilock ko ito at dahan-dahang umatras papunta sa kama.

Sigurado ako...

Sigurado na ako....

Siya nga yun....

"Ang aking stalker..."

==============================

Malapit na talaga ang inaabangan ninyo... Malapit na... Bwahaha..

Stalker (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon