Tahimik lang ako buong biyahe papuntang airport at masaya naman akong hindi ito inungkat ni Elmo. Pagdating dun ay pinagtulungan na nila ni kuya ang pagbaba ng luggages nila mama at papa. Nagpaalam na sila sa kanila at niyakap pa ni mama si Elmo at may binulong pa. Hindi ko na ito narinig dahil nasa loob lang ako ng sasakyan. I don't want to see them leave.

"Julie, we'll go na." paalam ni mama nang buksan niya ang pinto sa side ko. Yumakap ako ng mahigpit sa kanya at umiyak nanaman. "Hush. Wag ng iiyak ang baby ko. Mahihirapan si mama sa biyahe niyan eh." aniya.

"Mama..."

"Sige na anak. We'll see you in 18 hours tops. Okay?" aniya saka pa hinalikan ang noo ko. "I'm gonna miss you, baby."

"I'm gonna miss you too, mommy." sabi ko at yumakap ulit sa kanya.

"Is my baby crying?" narinig kong tanong ni papa.

Of all the people, si papa ang pinakamatatag sa amin. Kahit na alam kong gusto na rin niyang umiyak dahil maiiwan nanaman kami ni kuya ay pinilit niyang hindi tumulo ang mga luha niya.

"Papa!" sambit ko saka yumakap ng mahigpit sa kanya na parang isang bata. "I'm gonna miss you, daddy." sabi ko.

"Daddy's gonna miss you too. But I'm gonna be seeing you soon okay? He won't leave you. I promise." aniya. Tumango na lang ako saka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Smile for daddy na dali. Wag ng iiyak ang baby namin."

"Fernando, let's go." anyaya ni mama nang i-announce na ang flight nila. Muli akong niyakap ni papa at hinalikan sa buhok.

"Take care of yourself. Don't worry about us. Okay? And anak, you're very lucky to have Elmo with you." bulong ni papa. "I'm very proud of you, anak. Papa loves you so much." dagdag niya.

"I love you so much too, pa. Kayo ni mama." humiwalay na siya at nakita ko ang pamumula ng mga mata niya. He's holding back his tears, I know.

"Take care you four. Okay? We'll see you soon!" paalam ni mama. "Fort, si Steffie ha? And your sister."

"Okay, ma." ani Kuya Fort.

"Elmo, yung bunso ko ha? I'm trusting you, son." ani papa.

"Yes po, tito."

"Steffie anak, take care of yourself okay? Dalawa na kayo ngayon. Eat healthy and take your vitamins." huling paalala ni mama kay Ate Steffie na tumango lang naman at humawak sa kamay ni kuya. "Julie, I love you baby. Take care."

"I will, mama." sabi ko at pumasok na sila sa loob ng airport.

"So? Where do you guys wanna go?" tanong ni kuya pagkasakay nila sa kotse.

"Somewhere where disabled people are allowed." sabi ko at nagpunas ng luha.

"Alright. Let's go to EK!" pabirong sabi ni kuya.

"Fort!" saway sa kanya ni Ate Steffie. "Let's just go somewhere to eat. I'm sure gutom na sina Julie at Elmo."

"Haha. Fine, fine. I was just kidding, hon."

"Yeah whatever." sabi ni Ate Steffie. Kinuha naman ni kuya ang kamay niya and kissed her knuckles.

"I'm sure baby's hungry too." ani kuya at hinaplos pa ang tiyan ni Ate Steffie. "Okay. Kainan na!" masiglang sabi niya saka na nagdrive.

"What did my mom told you?" tanong ko kay Elmo. Tumingin siya sa akin na may pagtataka sa mata.

"Huh?"

"What did mama whispered earlier?" tanong ko ulit.

"Wala. She just reminded me to take care of you." sagot niya. Kumunot ang noo ko at bahagya pa siyang natawa. "I'm serious." aniya.

Dear BestfriendWhere stories live. Discover now