"No. It's not that. Kaya ako umalis kasi nung sinabi niya yun, hindi siya sigurado. Ang daya, Mond eh. Bakit nung ako yung umamin sa kanya siguradong-sigurado na ko? Bakit nung siya parang may doubt siya sa feelings niya for me? It's just so unfair!" inubos ko na ang laman ng bote at sumenyas uli sa bartender ng isa pa.

'I'm kicking the curb cause you never heard

The words that you needed so bad

And I'm kicking the dirt cause I never gave you

The things that you needed to have

And I'm kicking the curb cause you never heard

The words that you needed so bad

I'm so sad, so sad'

"It's not unfair. Gago ka din kasi. Binibigla mo yung tao eh. Pero dude, hindi ka naman iiyakan ng isang babae kung hindi ka niya mahal eh. Alam mo, nung nagbreak kami ni Kim, hindi siya umiyak. Kasi may iba na siya eh. Ang gago kaya nun. Ako pa yung umiyak. Pero kasi tangina dude masakit eh." kwento niya. "Kaya maswerte ka. Kasi mahal ka ng bestfriend mo. Not everyone who's in love with their bestfriends get into a relationship with them. Uso pa din ang friendzone. But fuck it dude. Being friends is really over-rated. Ang hirap kaya yung magpanggap na magkaibigan lang talaga kayo but deep inside, iniisip mo na yung future mo na siya ang kasama mong tumanda. That you're imagining how life would be if you get married and you dream about kissing her and having babies with her and growing old together and having grandkids and great grandkids. Yung mga ganun? Kaya lang tanga ka eh. Mahal ka na rin nung tao pero hinayaan mo siya na umiyak at masaktan. Gagong to."

"Sure naman akong galit siya lalo sa akin eh. Alam mo yun? Parang dati, I never wanted her to get mad at me kahit pa madalas siyang napipikon sa mga kagaguhan ko sa buhay, it never really came to the point that we'd be ignoring each other for months. Pero ngayon, it's as if the last thing I wanted to happen is happening. Ewan ko ba. I'm a jerk, yes. And I don't know how I can make it up to her." sabi ko.

Tinapik niya ang balikat ko saka na lang inubos ang beer niya at tumayo.

"Let's go." anyaya niya.

"Saan?"

"Sa bahay malamang. Alam mo, kung alam ko lang kung saan nakacheck-in si Julie baka dun kita dalhin. Illock ko kayo sa kwarto and lalabas lang kayo dun kung may pamangkin na ko. But sorry dude. I don't know where she is." aniya. Sinuntok ko siya sa tiyan at napangiwi siya. "Aray! Hoy parehas tayong heartbroken ha? Umayos ka!"

Lumabas na kami sa bar at nakita kong yung big bike niya pala ang dala niya.

"Ikaw magddrive?" tanong ko.

"Baka ikaw. Mas nakarami ka ng inom eh. Ikaw na lang para magkamatayan na tayo." sagot niya.

"Aba't gagong to ah!" umamba ako ng suntok sa kanya at tumawa lang siya saka na hinagis sa akin ang helmet.

"Tara na! Nababadtrip na si PeeWee sayo kanina pa."

Pagdating sa bahay ay naabutan namin si PeeWee na nakatayo sa may main door. Nalahalukipkip siya at masama ang tingin sa akin.

"You jerk. San ka galing?" tanong niya.

"Hi PeeWee." sabi ko saka siya hinalikan sa noo.

"Tss. Ako ang nakabunot sayo. They've all made their wishes. Paano naman ako?" tanong niya.

"Okay. What's your wish?" tanong ko sa kanya.

"Ts. Bukas na. Matulog ka na." sabi niya and stomped her way to her room.

Umiling na lang ako at nagpatuloy na lang kami ni Raymond sa pag-akyat. Pagpasok sa kwarto ay nagdiretso na ako sa bathroom para maghilamos. Tinamaan din ako kahit paano sa beer. Sabagay. Mula kanina pa ako umiinom at wala naman sana akong balak umuwi pero si Raymond kasi eh. Sumunod pa.

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon