"Sir ito na po yung gitara niyo." sabi ng tindero at iniabot sa akin ang gitara. Maganda ang kinalabasan nun. Hindi nga siya basta pininturahan eh. Carved name ang ginawa nila. Binigyan ko ng malaking tip ang nag-ukit saka na kami lumabas ni Will.

"Ang gago talaga bwiset." sambit niya pa.

"Kaya nga makikipag-ayos ako. Hopefully maging friends uli kami. Sana lang talaga." sabi ko.

"Eh kailan ka ba uuwi?" tanong niya sa akin.

"Sasabay na ko sayo. Diba uuwi ka after New Year?" tumango siya saka na kami muling sumakay sa motor ni Raymond at saka na umuwi.

Naisipan naming sa beach maghintay ng oras. Nakaset-up na ang marquee sa garden ni lola. Kaming 8 magpipinsan naman ay nakaupo sa may buhanginan sa beach. Balak kasi naming magpalipad ng paper lanterns mamayang 12. Pauso nanaman ni Bonna.

"Teka akyat muna ako. May barbecue na eh." sabi ni Raymond saka siya tumayo.

"Uy sama ako!" sabi naman nina PeeWee, Raciel, Richie, Claude at Bonna.

"Gusto mo ng beer?" tanong naman ni Will.

"Meron ba?"

"Oo. I think dad bought some kanina bago sila dumiretso dito." sagot niya.

"Osige." sabi ko naman. Tumayo na siya saka nagpagpag ng shorts bago umakyat sa bahay.

Mag-isa na lang ako dito sa may beach. Hindi naman sobrang madilim. May mga poste naman ng kawayan na may ilaw every 5 meters kaya maliwanag pa rin kahit paano.

"Ang sabi nila dito ka daw makikita." nagulat ako nang may magsalita.

Pamilyar ang boses niya sa akin. And for the first time after that incident ay ngayon ko na lang uli siya nakita. Hindi ako makapagsalita. Para nga akong napipi eh. Ngumiti siya saka lumapit sa akin.

"Pwedeng tumabi?" tanong niya. Tumango naman ako saka siya umupo.

Parehas kaming tahimik lang at nakamasid sa kawalan. Ano ba ang dapat kong sabihin? Hindi ko alam kung saan ako magsisimula eh.

"Naalala ko nung bata tayo. Lagi tayong sabay naghihintay sa pagpatak ng 12." umpisa niya. "Madalas tayong mag-abang sa rooftop ng EPM tapos magmamadali tayong uuwi para sa Noche Buena. Parang timang lang diba? Hahaha." natawa na rin ako sa kwento niya. Oo nga. Madalas naming gawin yun. Dati.

Hindi pa rin ako nagsasalita. Parang hindi ako makapaniwalang andito siya sa Cebu, nakaupo sa tabi ko at nagkkwento.

"Nung gabi na yun sobrang nagulat talaga ako. I-I didn't expect na sasabihin mo yung mga salitang yun sa akin. Sobrang nagulat ako. Pero... Wala eh. Hindi mo ko hinintay na magsalita. You walked out on me." malungkot na sabi niya.

"That night... Yung gabing sinabi ko sayo yun, I was really sure of it. Pero nung umalis ako and you didn't call me to come back, napatunayan kong I'm not very important to you. Kasi you chose to stay. And I know already who is more important. Kaya nilayuan na lang kita. Tutal mukha namang mas masaya ka sa kanya eh." sabi ko.

Natawa siya saka siya tumingin sa akin.

"He stopped courting me." aniya. Napatingin ako sa kanya. Bakit? "Sabi niya kasi, alam naman daw niyang wala siyang pag-asa pero pinilit niya pa rin yung sarili niya. Kaya ayun. Tumigil siya sa panliligaw sa akin."

Nag-iwas ako ng tingin saka napakamot sa ulo. Nakakadagdag gulo to sa utak eh. Tsk.

"Bakit ka umalis nung Christmas Party? Nung... Nung..."

"Kasi naguguluhan ako. Kasi kahit naman sabihin kong ginusto ko yun, pinagdasal ko na sana isang araw mangyari yung ganun, ayoko rin namang isipin mong nagttake advantage ako sayo. Kasi may Miguel sa eksena eh. Kaya umalis ako. Para na din makapag-isip." sabi ko.

"Nagalit ako sayo nun alam mo ba?" sabi niya.

"Galit ka naman na talaga sa akin simula pa nung umamin ako sayo eh. So that didn't make a difference." sagot ko.

"Yes it did. Alam mo bang nung oras na yun sobrang naguluhan din ako? I was expecting you to stay and say something but no. You didn't. Instead, you turned your back and left me. Alam mo yung feeling na gusto kong umiyak kasi hindi ko alam ang gagawin ko? You were slowly torturing me. You did that twice already!" Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Me? Torturing her?!

"Torturing you?! I was torturing you? Bakit? Sa tingin mo ba ako hindi nasasaktan? Everytime I see you laughing and smiling because of that Miguel, sa tingin mo hindi ako nasasaktan sa ganun ha? Julie, masakit yun! Kasi dati ako lang nakakagawa sayo nun. Pero ngayon may iba na! Ang lamang lang naman niya sa akin eh nanliligaw siya eh. Eh ako? Dakilang bestfriend mo lang. Ay oo nga pala. Hindi na nga pala tayo magkaibigan." sabi ko saka na tumayo.

"Ayan. Diyan ka magaling eh. Magwalk-out. Diyan ka magaling! You told me you love me and then what? You walked away. We kissed accidentally and then what? You walked away again. At ngayon naman, I went all the way here para makipag-ayos sayo pero ano nanaman yang gagawin mo? Aalis ka nanaman. You're torturing me by telling me that you love me and then leaving me as if what you said was not that important. Magsasabi ka ng mahal mo ko pero nilalayasan mo ko! Ang gulo mo naman eh!" sigaw niya.

"Bakit?! Kapag sinabi ko ba sayong mahal kita ngayon sasabihan mo ko ng I love you too?!"

"Oo!"

Dear BestfriendWhere stories live. Discover now