"Aww. Bakit hindi niyo na lang siya sinama?" tanong naman ni Richie.

"Kasi hindi naman sila okay ni kuya eh. Kaya ayun." kibit-balikat na sagot ni PeeWee.

"Magkaaway kayo?" pagtataka ni Raciel. Hindi naman ako sumagot at nagkibit-balikat lang.

"LQ pala." bulong naman ni Bonna.

"LQ ka diyan?" sabi ko. "I heard you, Bonna."

"Well I did it on purpose. Ang arte mo ha. Di mo man lang sinuyo?" tanong niya sa akin.

"Paano naman niya susuyuin eh may iba ngang gusto yung babae." sabi naman ni Will.

"Talaga? So basted ka agad?" tanong ni Bonna.

"I doubt it. I know Ate Julie. We've been talking about her lovelife since last year. As in every time nasa bahay siya I would always ask her about it. And the last time we talked, she told me na wala pa din. And I think she's just waiting for that guy na dumating."

"Eh paano naman dadating eh andito sa Cebu." sabi naman ni Bonna.

"And why are we talking about me again? Seriously. Wala na bang ibang topic except for me?" pagtataka ko.

"Wala na. Ikaw ang may pinakamadaming issues dito eh. Ma-PR ka kasi." sagot ni Bonna.

"Tss." tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sahig saka na lumabas.

"San ka dude?" tanong ni Will.

"Sa plaza. Sama ka?" tanong ko. Tumango siya kaya umalis na kami sa bahay.

Pagdating namin sa plaza ay dumiretso ako sa bilihan ng mga gitara.

"Uy. Marunong ka na maggitara?" pagtataka ni Will.

"Konti." sagot ko.

"Para saan mo gagamitin yan?"

"Ibibigay ko kay Julie."

"Kay Julie? Eh akala ko ba magkaaway kayo?" aniya.

"Naisip ko kasi yung sinabi ni Bonna. May point naman siya eh. Kahit naman nakakaasar minsan si Bonna lagi namang tama yun eh. Kaya heto. Peace offering ko kay Julie." sabi ko. Kinuha ko ang gitara na may orange na accent at saka nagpunta sa counter. "Kuya pwede ba lagyan ng pangalan to?" tanong ko.

"Opo pwede po. Ano po bang ilalagay?" tanong naman nung tindero.

"Julie Anne po. Dito." sabi ko sabay turo dun sa bandang baba na parte ng gitara. Tumango siya at saka nagpunta sa likod.

"Hintayin niyo na lang sir." sabi ko. Binigay ko na muna ang bayad saka kami naghanap ng mauupuan ni Will.

"Dude." tawag ni Will.

"Oh?"

"Wala ka bang balak ligawan si Julie?" tanong niya.

"She likes someone else. Paano ko liligawan?"

"Hindi pa naman sila nun eh. Pwede pa namang magbago yung nararamdaman niya diba? Wala ka talagang bilib sa sarili mo." sabi niya.

"Hindi naman sa ganun. Kasi alam ko naman talagang wala akong pag-asa eh. Nadala na rin siguro ako. Kasi naalala mo si Cielo? Yung crush ko since first year? Ayun. Nagpatulong ako kay Julie na mapalapit sa kanya pero turns out may iba siyang gusto. Basted agad pre. Kaya kay Julie..."

"Teka. Nagpatulong ka kay Julie?! Nagpatulong kang manligaw?!" gulat na tanong niya.

"A-ah oo..."

"Bobo ka. Ang bobo mo kahit kailan. Kaya naman pala eh. Paano ka magugustuhan ni Julie kung umpisa pa lang pinakita mong hindi ka interesado. Tapos ano? Ngayon sasabihin mong mahal mo siya? Ay gago." iritang sabi niya sa akin. "Gago mo, man." pahabol niya pa.

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon