"Hahahahaha. Si kuya? Matino?" tanong ni PeeWee.

"Oh bakit?" pagtataka ni Bonna.

"Pano naman magiging matino si kuya eh wala namang girlfriend yan. Baka matinong torpe. Hahahaha." hagalpak niya. Tumawa din sina Raciel, Raymond at Will sa kanya.

"Seryoso? Wala kang girlfriend? Eh diba kayo ni Julie?" tanong sa akin ni Bonna. Lalo namang napahagalpak si PeeWee at hinampas pa ang mesa.

"Patricia, stop that." saway sa kanya ni mom. Nagtinginan naman ang lahat sa akin na parang naghihintay ng sagot.

"H-hindi naman kami eh. We're just bestfriends." sagot ko.

"Bestfriends my ass." irap ni Bonna saka pa sumandok ng pagkain niya. "A guy and a girl can never be just friends. What more kung bestfriends pa. Diba?" aniya. Tumango naman sina Will sa kanya.

"Bestfriend ko lang talaga siya." sabi ko naman.

"Sus. Samantalang when you guys were here last year kung makaasta ka daig mo pa asawa sa kanya." sambit pa ni Bonna.

"Yeah. I actually thought na girlfriend mo si Julie. I mean, sa mga pictures niyo on your Facebook and Instagram, you guys looked like you're a couple." sabi naman ni Raciel.

"You follow him on Instagram?" tanong naman ni PeeWee sa kanya.

"Yeah. Bakit? Bawal ba?" pagtataka ni Raciel.

"Wait. You have an Instagram?!" sabay na tanong naman sa akin nina Will at Raymond.

"Uhm. Julie made that account." sagot ko naman.

"Odiba? Now tell me, hindi pa ba niya girlfriend si Julie if he lets her do those things? Teka nga. Anong IG mo?" tanong ni Bonna as she fished her phone from her back pocket.

"elmomagamuppet I think?" sagot ko.

"Yeah ito nga." ani Bonna. Pinagmasdan namin siya as she scrolls down her phone. Ngumingiti pa siya in the process. "Yup. Confirmed. Kayo nga." she declared saka na binulsa uli ang phone niya.

"Huh?" pagtataka ko.

"Based from your photos ha. That no space in between pictures, those candid moments and even the funny instavids, and don't forget the captions ha. You guys are in love with each other." sabi niya.

"Well, kuya is. Pero I'm not sure about Ate Julie." sabat ni PeeWee.

"Oh?" ani Bonna saka pa nagkibit-balikat. "Sometimes girls are just shy to admit their feelings. Hindi lang naman mga lalaki ang torpe no."

Nasa tv room kami nina Will, Raymond at Richie at abalang naglalaro ng playstation. Sina Bonna, Raciel at PeeWee naman ay nasa garden.

"Pero seryoso, Mond. May girlfriend ka na?" tanong ko.

"Wala." simpleng sagot naman niya.

"Weh." ani Richie. "Eh sino yung kausap mo palagi sa phone? Ha? Tapos tawag mo pa babe? Sino yun ha?" asar niya sa kuya niya.

"Babe ka diyan? Nag-iimbento ka nanaman ha?!" sabi naman ni Raymond sa kanya.

"Haha. Di kaya!" nag-asaran pa silang magkapatid at kami naman ni Will ay nagpatuloy lang sa paglalaro.

"You guys wanna come? Pupunta kami sa plaza." anyaya ni Bonna.

"Anong meron dun?" pagtataka ko.

"Hm. Tiangge, rides, banda. Mga ganun." sabi naman ni Raciel.

"Chics meron?" tanong ni Will.

"Madami dun. Iba-ibang kulay. Ano ba gusto mo? Pink, green, orange?" seryosong tanong ni Bonna.

"Huh? Chics! Babae! Hindi sisiw!" humagalpak kaming lahat dahil sa reaction ni Will. "Oh. Tawa nang tawa Elmo. Palibhasa may Julie ka eh."

"Ts. Ako nanaman nakita niyo. Wala ngang kami! Tara na nga!" tumayo na ako at nauna nang lumabas papunta sa garage.

"Tara na! Hanapan ng sisiw si Will!" asar ni Bonna saka na sumakay sa van.

Pagdating sa plaza ay makikita ang iba't ibang klase ng rides. May ferris wheel, may parang anchor's away, meron ding rollercoaster at may carousel din. Sa kabilang side naman makikita ang iba't ibang klase ng mga games. May basketball, shoot that duck, meron ding darts na puputikin mo ang water balloon at may color games at bingo pa sa kabilang side. Sa may gilid naman ay ang mga nakahilerang tiangge. May mga souvenir shirts, mga gitara at kung anu-ano pa. At syempre meron ding mga food stalls.

"Dun tayo oh!" turo ni PeeWee sa may gitna. Hinatak na niya si Raciel at saka na sila tumakbo papunta sa rollercoaster.

Kami naman nina Will, Raymond at Richie ay naisipan na lang maglaro ng basketball. Si Bonna naman ay nagpunta sa mga tiangge.

"Mond?" narinig naming sabi ng isang babae. Sabay-sabay kaming napalingon at nakita ang isang magandang babae at ang mga kaibigan nito.

"Kim." sambit ni Raymond. "Uhm... Anong ginagawa niyo dito?"

"Ah. Pinapasyal ko yung friends ko. Kakadating lang namin kanina. Ikaw?" nakangiting tanong nito sa kanya.

Sa itsura ni Raymond, itong si Kim marahil ang tinutukoy ng mga kapatid niya na girlfriend niya. Pero bakit parang ilap naman si Mond kay Kim?

"Ah ganun ba? Wala. Nagyaya kasi yung mga pinsan ko. Pauwi na nga kami eh. Diba?" ani Raymond sabay tingin sa amin.

"Uuwi na?" pagtataka naman ni Richie.

"Oo diba? Asan na ba sila?" sabi nanaman ni Raymond at saka pa lumingon sa paligid. "Ah... Kim una na kami ha? Enjoy kayo." sambit niya pa saka na siya nagmadaling umalis.

"Hoy, Raymond!" tawag namin ni Will saka na namin siya hinabol.

"Bye, Ate Kim!" paalam naman ni Richie bago siya sumunod na tumakbo sa amin.

Nilibot naming tatlo ang buong plaza pero hindi namin makita si Raymond. Nakasalubong na nga namin sina Bonna at tumulong na rin sila maghanap pero wala naman si Raymond dun.

"Asan na yun?" ani Bonna nang magkita-kita kami sa van. Nagkibit-balikat naman kami ni Will habang nililibot pa rin ang paningin sa paligid.

"Mom texted. Nasa bahay na raw si Kuya Mond." sabi ni PeeWee habang pinapakita sa amin ang phone niya.

"Oh. Tara uwi na tayo." anyaya ko.

Dear BestfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora