"Hindi eh. Hindi malinaw sa akin eh. I'm sure may iba pang rason dun eh." sabi ko sa kanya.

"I'll see you tomorrow, Julie." paalam niya at saka na naglakad palapit sa pinto ng kwarto.

"No. You tell me the reason or I won't let you out of my room!" iritang sabi ko. Hinarangan ko ang pinto kaya nakatayo lang siya sa harapan ko. "Bakit ba ganyan ka? Ha? Nung first time lumapit ni Miggy sa akin you were even teasing me about it. Pero nung mga sumunod na araw, lagi ka na lang galit kapag kasama ko siya. Will you please tell me what is going on here? Coz honestly, I can't put a finger on it. Hindi ko alam kung anong gagawin ko."

"You wanna know why?"

"Please." sabi ko sa kanya.

"Ayokong nakakasama mo siya dahil nagseselos ako. Hindi ko alam kung bakit pero selos na selos na selos ako. Ang gago lang diba? Bestfriends tayo pero ganun yung nararamdaman ko. Ayokong may kahati sayo. Gusto ko yung attention mo nasa akin lang nakatuon. Ayoko na may ibang nagpapatawa sayo. Ayoko ng ganun. Ewan ko Julie. Basta naguguluhan ako ngayon. Di ko alam kung bakit din ako nagkakaganito eh. Basta ayoko magkasama kayo dahil nagseselos ako. Yun lang."

Hindi ako nakakibo sa mga sinabi niya. As if everything's unclear. Na parang di ko nagets na ewan.

"I'll see you tomorrow." sabi niya at saka na lumabas ng kwarto ko.

Matagal akong nakatulala sa kawalan habang pinipilit intindihin ang mga sinabi niya. Seryoso. Ang gulo talaga eh. Nagulat pa ako nang biglang magring ang phone ko. I fished it out of my back pocket saka ko ito sinagot.

"I have a feeling na kailangan mo ko eh. What happened?"

"Maq..."

"You want me to come over? Andito ako sa may Starbuck's. Peachy wants to come too." aniya.

"Uhm... Okay lang ba?"

"Yeah sure. I'll text her na pumunta na. I'll be there in 10 minutes." sabi niya saka na tinapos ang call.

"So?" ani Peachy.

Andito na silang dalawa sa kwarto ko. Naunang dumating si Maqui and after 30 minutes ay dumating na rin si Peachy.

"Ayun. Uhm... Sabi niya nagseselos daw siya kaya ayaw niya na magkasama kami ni Miguel. It's weird. Kasi diba dapat si Cielo yung sabihan niya nun? Bakit ako?"

"Eh alam naman kasi niyang ikaw ang gusto ni Miggy eh." sabi ni Maqui. "Pero teka. Nagseselos siya?"

"That's what he said. Naguguluhan din daw siya pero yun daw ang naffeel niya eh. Tsaka sabi niya ayaw niya ng may kahati sa akin." sabi ko.

Nanahimik kaming tatlo. Ako, iniisip ko kung bakit nasabi ni Elmo yun. Silang dalawa naman ewan ko. Basta seryoso din ang mukha nila eh. Si Maqui nga kumukunot pa ang noo niya eh.

"Know what, all this thinking's making me hungry." basag ni Peachy sa katahimikan. Natawa kami ni Maqui at saka pa siya binatukan nito. "Aray!"

"Yang gutom mo ilagay mo naman sa lugar. Panira ka ng moment eh." ani Maqui sa kanya.

"But I'm hungry! I won't be able to think clearly kapag gutom ako." sagot naman ni Peachy.

"Tss. Sasabihan ko na si manang. Teka lang." sabi ko.

Nang ihatid ni manang ang pagkain sa kwarto ay agad na kumuha si Peachy. Si Maqui naman nakatingin lang sa kanya na parang naaasar.

"Siguro naman makakapag-isip ka na niyan?" tanong ni Maqui sa kanya.

"Oo naman. So yung mga sinabi ni Elmo sayo, may nafeel ka ba tungkol dun?" tanong sa akin ni Peachy.

"I was dumbfounded. As in di ako nakakibo when he said those to me. Hanggang ngayon nga hindi ko pa rin maprocess sa utak ko eh."

"Hm. Kasi kung sinabi niya yung mga yun, edi isa lang ibig sabihin nun." sabi ni Peachy.

"Ano?" pagtataka ko.

"Your bestfriend's in love with you." Maqui said matter-of-fact. "Maybe he hasn't realized it yet or in denial pa siya pero yeah. He's in love with you. Head over heels pa siguro." dagdag niya.

"That's impossible. He likes someone else."

"He could like someone else. Pero he can only love one person. At ikaw yun. Sabi mo diba may gusto si Cielo kay Miggy? Anong sabi ni Elmo about dun?" ani Peachy.

"Sabi niya okay lang daw yun."

"See? Pag sayo, nagseselos siya. Pag kay Cielo okay lang? Dapat nga dun pa lang nagtaka ka na eh." sabi ni Maqui.

"I think he just said that kasi nga bestfriends kami. And aminado naman akong medyo nabawasan yung oras ko sa kanya eh."

"Pero hindi siya dapat ganun magreact diba? Alam mo, Julie accept the fact that your bestfriend is in love with you. Alam naman ng lahat na mahal niyo ang isa't isa. Ikaw, baka mahal mo na rin siya but because you have priorities and you are not in the right disposition to love yet, kaya di mo pa maamin. Hindi ko sinasabi na kailangan mahalin mo rin siya agad, I know you love him already pero sabi mo nga platonic love lang. We all know that you will love him as someone special sooner or later. It all needs time." sabi ni Maqui.

"Don't worry, Ja. Kapag tapos na namin ni Maqui yung signs na in love ka sa bestfriend mo, ipapaskil namin yan dito sa kwarto mo." sabi naman ni Peachy.

Kumunot ang noo ko sa kanila at natawa lang sila sa akin.

"Just please, Julie. Wag mong pigilan yung sarili mong mainlove sa kanya. Siguro ngayon, itest mo na lang muna siya. If he keeps on acting like that, edi alam na."

"Alam na..." I trailed off.

The next morning, I was awaken by the loud music playing in my room. Nagmulat ako and saw Elmo sitting by my drafting table as he eats a sandwich. I'm not really sure if I'll be happy to see him or maasar ako dahil nagpapatugtog siya ng rock metal para lang gisingin ako. Asshole.

"Good morning, sleepyhead. Bangon na so we can go to school!" masiglang bati niya nang itigil niya ang tugtog mula sa iPod ko.

"When did you get here?" antok na tanong ko sa kanya.

"Hm. Mga 30 minutes ago? Pangatlong sandwich ko na actually to eh. Hahaha."

"The hell. Sige na. Wait for me downstairs." sabi ko.

"Okay. Pero, bru."

"Ano?"

"Bati na tayo ha?" aniya. "Ayokong nakikipag-away sayo eh."

Dear BestfriendUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum