"You must love her very much." ani Cielo.

"Yeah. I guess I do. Bestfriend ko yan eh. Mahal ko talaga yan." sagot ko.

"No. I mean, you must be in love with her."

"Huh? H-hindi! Platonic love lang yun." sabi ko. "Ano kasi... May iba akong mahal."

"Ganun?"

Huminga ako ng malalim saka ko siya tinitigan sa mata.

"Uhm... I know this sounds awkward and fast pero Cielo ang totoo niyan... I like you. From the first time I saw you, gusto na agad kita. Kaya lang natotorpe ako eh." sabi ko.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. I mean, we've just started talking about stuffs tapos bigla akong eentrada ng ganun. Nakakagulat talaga yun diba?

"And if possible, Cielo. Gusto ko sana magpaalam sayo if I can court you."

"H-huh? A-ano kasi Elmo... Uhm... Ano eh..."

"Ano yun?"

"I like someone else." yumuko siya at saka pa namula. She likes someone else? Sino?

"G-ganun ba? Uhm... S-sino?"

Nag-angat siya ng tingin saka siya lumingon sa clown na katabi ni Julie na nagbibigay ng giveaways. Tinitigan ko kung sino iyon at nagulat nang makilala ko siya kahit pa natatakpan ng makapal na puting facepaint ang mukha niya.

"I've liked him since highschool. Pero nahihiya akong lumapit sa kanya at makipagkaibigan." sabi ni Cielo. "I just want Miguel to notice me."

"S-si Miguel yun?" tanong ko sabay turo sa clown. Oo nakilala ko na siya. But I just wanna make sure na siya nga yun.

"Yeah. Julie asked him para maging clown. Sana nga magkausap kami ni Miguel eh." aniya. "I'm sorry if I turned you down Elmo. Ayoko lang kasi na umasa ka kapag nanahimik lang ako. Sorry talaga."

"N-no it's okay. Uhm... Ayos lang talaga." sabi ko. "Excuse me." tumayo na ako mula sa mesa saka na nilapitan si Julie at hinila palabas ng venue.

"Uy bru!" protesta niya. "Uy! Ano ba! Nagttrabaho pa ko eh."

"Uuwi na tayo." sabi ko saka pa siya lalong hinatak palabas.

"Elmo!" tawag sa akin ng isang lalaki. Paglingon ko ay si Miguel.

"Wag kang makielam!" sigaw ko at saka na kami sumakay ng elevator ni Julie at bumaba sa parking lot.

"Let me go!" angal niya. Binitawan ko ang kamay niya saka binuksan ang pinto ng kotse.

"Sakay." utos ko pero hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. "Sakay sabi!"

Tahimik kaming dalawa habang pauwi sa bahay nila. Hindi ko rin naman alam bakit bigla na lang akong nagalit eh. Ang weird lang. Pagdating namin sa kanila ay suminghap siya saka tumingin sa akin.

"What is wrong with you? Ang ayos-ayos mo lang nung iniwan kita kasama si Cielo. Bakit bigla kang nanghahatak?!"

"Hindi ko alam." sagot ko. "Ewan ko."

"You have issues, Elmo. Tss." akmang lalabas na siya nang hawakan ko ang kamay niya.

"Alam mo ba ang tungkol dun?" tanong ko.

"Tungkol saan?" she asked, exasperated.

"Na may gusto si Cielo kay Miguel." nanahimik siya saka akmang magsasalita pero hindi niya tinuloy. "Bakit di mo sinabi sa akin?"

"Dahil ayokong isipin mo na may kaagaw ka kay Cielo. Hindi naman gusto ni Miguel si Cielo eh. Kaya nga pinipilit kong kayo ni Cielo ang maiwan na magkasama palagi eh."

"Kahit na. Bestfriend mo ko diba? You should've told me." sambit ko.

"Ayoko lang masaktan ka."

"Ayaw mo? Nasasaktan na ko Julie!! Dahil bukod sa gusto siya ni Cielo, naaagaw na din niya yung oras mo na dapat para sa akin!" nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. "Lahat na lang aagawin niya sa akin? Fine. Yung kay Cielo matatanggap ko yun. Kaya kong ibahin ang feelings niya dahil hindi naman interesado si Miguel sa kanya. Pero yung sayo? Hindi. I can't bare to lose you to some guy who's been in love with you since highschool."

"You won't Elmo. Magkaibigan lang naman kami ni Miggy eh. Bru naman, palalakihin pa ba natin tong bagay na to?"

"Stay away from him, Julie. Please lang."

"Why?"

"Basta. Just stay away from him." sabi ko saka na bumaba ng kotse at binuksan ang pinto niya. Pagkalabas niya ay agad ko siyang niyakap. "Sorry for my outburst, bru."

"It's okay. Wag ka na mabbadtrip uli ha? That's not the Elmo I grew up with." aniya habang hinahagod ang likod ko.

"Yeah. Sorry."

Tinapik niya ang pisngi ko at saka na nilahad ang kamay para sa handshake namin and she again kissed my cheeks.

"Good night bru. I'll see you tomorrow."

"Kuya Elmo, alam mo ba sabi ng teacher namin ang galing ko na daw sa math. Tapos kuya alam mo ba, yung project ko po sa art yung may pinakamataas na grade!" masiglang kwento sa akin ni Bill kinabukasan nang magpunta kami nila Julie, Maqui at Peachy sa orphanage.

"Talaga? Sabi ko naman sayo magaling kang magdrawing eh. Ayaw mo pa maniwala sa akin." sabi ko sa kanya.

"Eh kasi kuya di naman talaga eh." nahihiyang sambit niya.

Nagkwentuhan pa kami ni Bill at ng ibang mga bata nang marinig ko ang boses ni Sr. Mary Grace.

"Mga bata, may bago kayong mga kuya at ate. Kasama sila nila Ate Julie niyo sa school." aniya. Lumingon ako at napakunot ang noo sa nakita. "Sige magpakilala kayo."

"Hi kids! Ako nga pala si Kuya Ice."

"Ako naman si Ate Clang."

"I'm Ate Starr."

"Hello jugets! Call me Beautiful Douglas."

"Hi! Ako si Ate Mia."

"Hi kids. Ako nga pala si Kuya Miguel. Kami yung mga ate at kuya niyo na tutulong kanila Ate Julie niyo para alagaan kayo."

"What the hell?" sabi ko.

"Bakit kuya?" pagtataka ni Marga.

"H-ha? Wala, wala." sabi ko.

"Hello po mga ate at kuya!" bati naman ng mga bata.

"Okay lang ba sa inyo kung mamaya tuturuan namin kayong sumayaw?" tanong ni Miguel.

"Opo!" tuwang-tuwa ang mga bata at nagpalakpakan pa sila.

"Osige magpapaturo tayo kanila kuya. Pero bago ang lahat, oras na ng pagkain niyo." sabi ni Julie.

"Bru." tawag ko sa kanya nang makalabas na ang lahat at kami na lang ang naiwan sa loob ng art room.

"Oh bru. Bakit?"

"Akala ko ba nag-usap na tayo about this?" sabi ko.

"Elmo, they volunteered. Di ko naman sila sinabihan about this eh." sabi niya. "Please don't make this a big thing. Ayoko na mag-away tayo. Please?"

"Hay. Para naman kasing may magagawa ako diba? Bahala ka na nga." sabi ko saka na ako naglakad palayo.

"Elmo!"

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon