"Sa kanya yung Pop Café?!" gulat na sabi ko. "Pero sabi mo artist yung owner?"

"Yeah. Kuya's wife, Ate Vern, is an artist. It's actually her dream and kuya being this ever-loving husband kay ate, ayun. Gift niya nung wedding nila yang café."

"Wow. Ang cool naman." sabi ko.

Pagdating namin sa school ay nagrerehearse pa rin ang mga contestants para bukas. Nasa isang sulok naman ng stage ang Hoof members at nagppractice ng dance number nila para sa opening at sa intermission number bukas sa pageant.

"Oh. Ayan na pala sila eh. Bakit ang tagal niyo?" tanong ni Clark nang mapansin kami.

"Dumaan pa kami sa bahay eh." sagot ko.

"Weh. Baka naman nagdate chuchu pa kayo niyan ha?" asar naman ni Camille.

"Sureness na yan. Portugality ever ng dalawang to. Kaloka!" sabi naman ni Douglas.

"The hell. Can you guys just get back to rehearsing them?" sabi ko.

"Charotera kabogera, Julieta!" ani Douglas. "Okay people! Gorachingcing na ulit. Mga 'to talaga." sabi niya sa contestants.

Hinatid ako ni Miggy sa bahay after namin sa school. Mga 8pm na ko nakauwi dahil sa paulit-ulit na pagrerehearse namin sa mga kasama sa pageant and also, we had a technical rehearsal for the whole program.

Muli kong naabutang nasa bahay si Elmo pagdating ko. He's sitting by the steps on the porch at nakatanaw sa labas.

"What are you doing here?" tanong ko nang makalapit sa kanya.

"Musta date niyo?" he asked.

"Hindi kami nagdate bru. We were in school." sagot ko naman. "Ikaw? What happened when we left?"

"Ayun. Awkward moments with Cielo. She's not even talking to me! And ewan ko ba. Basta! Di niya ko kinakausap at nauna siyang umuwi kay Kevin."

"Really?" naisip ko tuloy na baka nabv si Cielo dahil magkasama kami ni Miggy. Pero kasi si Elmo ang dapat na magustuhan niya eh. Bakit ko ba kasi sinama si Miggy?! "Sorry bru. If I wasn't able to help you kanina. Busy lang para sa school."

"It's okay. I understand. Pero sana next time wag mo na isama yung Miguel na yun ha? Naaalibadbaran ako sa kanya eh." aniya.

"What did he ever do to you?" pagtataka ko.

"Wala. Naiirita lang ako whenever he's around. Not really sure why." kunot-noong sabi niya. "Oo nga pala, pasok na tayo sa loob. Si Kuya Fort and Ate Steffie kanina pa naghihintay."

"They're here?!" tanong ko. Tumango siya saka na binuksan ang pinto.

"Hey Juliebaby!" bati sa akin ni Ate Steffie.

"Ate Steffie!" bulalas ko and hugged her. "I missed you ate."

"Missed you too baby."

"Hay. My fiancé and my sister being clingy again." sabi ni Kuya Fort. "Elmo bro, I missed you man!" aniya pa sabay yakap kay Elmo.

"I missed you more Kuya Fort." sabi naman ni Elmo at akmang hahalikan niya pa sa pisngi si kuya nang parehas ko silang suntukin.

"Ooow!" sabay na angal nila.

"Bromance." irap ko. Tumawa kaming apat saka na kami naupo sa couch. "So? Bakit umuwi kayo dito?" tanong ko kanila Kuya Fort at Ate Steffie.

"Well, bukas kasi we will be going to the designer para sa gown ng ate mo and she wants you to come with her para daw parehas kayo ng designer ng gown." sabi ni kuya.

"Gown?" laglag-pangang sabi ko. "I-I don't wear skirts."

"Baby, it's just for our wedding. Sige na please? You're my maid-of-honor." pakiusap ni Ate Steffie sa akin.

Naaaninag ko naman ang pasimpleng pagpigili ni Elmo sa pagtawa. Kumag talaga to. Bwiset!

"Sige na Jules. You're the maid-of-honor and Elmo's my bestman." sabi ni kuya.

"Ako? Eh akala ko ba kuya si Kuya Bryan yung bestman mo. He's your bestfriend diba?"

"Eh kasal na yun eh. Bawal na. So ikaw ang second option since kapatid ko naman ang maid-of-honor." sagot ni Kuya Fort.

"Yeah. Wala naman akong kapatid and my friends are also married. Kayong dalawa na talaga ang best choice namin for the wedding. Kaya please, Juliebaby? Do this for ate na lang." makaawa ni Ate Steffie.

Matagal ko siyang tinitigan at saka ako tumingin kay Kuya Fort na nakangiti at tumatango. Lumingon rin ako kay Elmo na kahit alam kong nagpipilit siyang magseryoso ay halatang nagpipigil siya ng tawa niya. Baliw!

"Alright. Para sa inyo, I'll wear a dress."

"Yehey!" niyakap ako ni Ate Steffie and even kissed my cheek. "Thank you so much, baby."

"You're welcome ate. It's the least I can do." sagot ko.

"So bukas we'll be meeting the designer." aniya.

"Okay." sabi ko. "Kasama si kuya?"

"Of course. Elmo, sumama ka na. The designer will be doing our coats too."

"Sige po, kuya."

Dear BestfriendWhere stories live. Discover now