"Ah. Ganito oh." sabi ko. Nagsimula na kong magtype at saka niya ginaya ang ginawa ko.

"Ayun! Haha. Thanks." sabi niya nang magawa niya ang spiral staircase.

Nagtagal ang subject namin ng 3 oras. Tapos ko na rin ang activity at nakapagpasa na ko sa prof namin.

"Ms. San Jose, may napili na ba para sa Mr. & Ms. CEA?" tanong sa akin ng prof ko.

"Mamaya pa po sir yung auditions." tumango lang siya saka umayos ng upo.

"Okay. Onga pala, next week wala ako because we'll be having a 3-day conference in Tagaytay."

"Sige po sir."

"I'll just email you the activities. Mamaya siguro or hintayin mo hanggang bukas. Or if ever, iiwan ko na lang kay Daisy yung mga gagawin niyo."

"Okay po." sabi ko.

"Sige na you may go." aniya.

Lumabas na ko ng room saka na nagtungo sa SSG office kung san ko naabutan sila Jam, Clark, Camille at iba pang officers.

"Uy Julie!" bati nila sa akin.

"Hi guys." bati ko.

"Julie, here's the final design." sabi ni Clark at ipinakita sa akin ang magiging itsura ng stage.

"Ayan. That's better. Sakto dun sa theme natin."

"Yeah. Buti na lang sinabi mong irevise ko." sabi ni Clark.

"Haha. Told you. Okay na yan Clark. Uhm. Sa Saturday siguro start na natin yung stage. After school maybe?"

"Yeah sure. Kami na bibili ng materials for that." sagot niya.

"Osige. Uhm, Camille yung budget ba nabigay na sayo?" tanong ko sa treasurer naming si Camille.

"Yup. Kakabigay lang ni chairman. Jam and I are planning to head over the mall para makabili na ng materials. And also, magbabayad na kami sa food stalls."

"Oh okay sige. But be back before 4 ha? We have an audition for Mr. & Ms. CEA."

"Okay!" sabay na sabi nila ni Jam saka na lumabas ng office.

"Julie, yung department shirts pala idedeliver na later. We can distribute it before the start of the auditions." sabi naman ni Jarid.

"Ay sige. Paannounce mo na lang thru PA system." sabi ko.

"Oks!" sumaludo sa akin si Jarid saka lumabas ng office.

"Julie tawag ka ni chairman." sabi ni Mia na bagong dating lang.

"Bakit daw?" pagtataka ko.

"I think about sa battle of the bands auditions tomorrow."

"Ah oo nga pala. Osige." sabi ko. "Balik ako guys ha."

Umakyat na ko sa 3rd floor kung saan nandun ang office ng department head namin. Kumatok ako sa pinto at sumilip.

"Ms. Daisy, tawag daw po ako ni chairman?" sabi ko sa secretary na nakaupo sa desk.

"Ah oo. Pasok ka na sa office niya." sagot niya.

"Okay po."

Naglakad na ko ng tuluyan sa office ni chairman saka muling kumatok. Sumilip ako sa awang ng pinto at nakita siyang abala sa pagttype sa desktop niya. Matanda na ang chairman naming si Arch. De Vera. Tantya ko ay mga 53 years old na siya. Pero kahit ganun ay maganda pa rin siya. She even looks like she just turned 40 dahil wala pa siya gaanong wrinkles.

Dear BestfriendWhere stories live. Discover now