Pasimula

119 1 0
                                    

        Mapayapa ang pamumuhay nang mga tribong Agron. Simple lang ang kanilang pamumuhay sa makapal na gubat nang kapis. Marami at ibat-ibang uri ang namumuhay sa gubat na hindi pa natutuklasan nang mga tao. Ang pamumuhay nang mga ito ay pangangaso at pagpapalitan nang gamit. Kaugalian na nila ito simula pa nang umpisa silang manirahan dito. Payak lang ang kanilang kasuotan, madalas nilang gamit ang balat nang hayop, dahil tamang tama ito para panglaban sa lamig tuwing umuulan nang yebe. Hindi mahalaga sa kanila ang pilak dahil hindi sila marunong gumawa nito.

        Isang gabing madilim sa ilalim nang buwan, umalis ang pangkat nang mangangaso sa kanilang baryo para maghanap nang makakain at maturuan ang mga pasibol na bata. Ang mga armas nila ay gawa sa kahoy na tinatawag na sibat. Tamang tama ang tulis nang dulo nito para makapatay nang mga mababangis na hayop. Dahan dahan silang naglalakad sa madilim na gubat hawak ang sulo na nagbibigay sa kanila nang liwanag.

        Sa hindi kalayuan ay may narinig si Reks na kumaluskos sa mga damo, dahil doon sinenyasan niya ang mga kasama na maging alerto. Hindi nagbago ang pandinig nito kahit maputi na ang kanyang buhok at kulubot na ang mga balat. Siya ang pinuno sa pangangaso sa kanilang tribo. Ibat ibang klase ang pangkat nang mga tribo, ngunit napagkasunduan nang mga Arathor na tawagin silang Agron dahil sa kanilang unang pinuno na si Agro.

        "May gumalaw sa damo" ang sambit ni Reks. Hawak niya ang lambat para harangan at talian ang mahuhuling maswerteng hayop.

        "Ako na ang bahala" ang sabat ni Huelwen at binato ang kanyang sibat, ngunit naka iwas ang usa na nakatingin sa kanila. Nadismaya ang mukha ni Reks, natapos ito nang may umangungol sa likod nang damo.

        Napakamot nalang sa ulo si Reks, dahil ang plano ay turuan ang mga bagong kasama at mga bata kung papaano humuli nang usa, ngunit sinapawan nanaman sila ni Huelwen.

      "Anong ginawa mo? Tuturuan natin ang mga bata! Nag magaling ka nanaman." ang dismayadong sambit ni Reks.

        "May mali ba sa ginawa ko? Pinakita ko naman kung papaano mang huli!" ang sagot ni Huelwen at nilapitan ang damo "Baboy ramo nga lang ang tinamaan ko."  Tumingin ito sa mga bata. " Ang galing ko noh. Ganyan mang huli nang us- babo ramo. Tama ba ako mga bata?" ang pagmamayabang nito.

        Nalungkot ang mga bata dahil hindi man sila nasiyahan sa pangangaso. At lahat nang nahuli nila ay mag-isang ginawa ni Huelwen.

        "Malayo pa ba tayo?" ang malumanay na tanong ni Huelwen.

        "Hindi mo ba natatandaan ang mga lugar? Umayos ka nga lagi ka nalang tinatamad" ang sambit ni Reks na naaasar.

        Pauwi na sila sa kanilang tahanan nang may nakita silang malaking usok mula sa kanilang baryo.

        "Anong nangyayari?" ang sambit ni Reks. Naririnig nila ang iyak nang mga tao mula sa kanilang baryo. Mabilis namang tumakbo si Huelwen papunta sa kanilang tahanan. Habang papalapit siya ay lalong lumalakas ang mga sigawan at iyakan na nagmumula sa baryo. Lalo namang bumulis ang tibok nang kanyang puso at sumasabay ang tagatak nang pawis sa kanyang buong katawan. Napahinto siya nang nadatnan niya sa kanilang tirahan ang mga nagkalat na dugo at ang mga katawang walang buhay.

        Nilabanan nang mga Agron ang mga Asura para protektahan at iligtas ang Geas. Ang asura ang pinakamalakas na uri nang mga demonyo. Meron silang patulis na tenga at malaking sungay sa ulo, habang nakalabas ang kanilang nakakatakot na pangil.

        Gusto nilang makuha ang Geas para mabuksan ang kapangyarihan nang dating diyos. Ang Geas ay isang uri nang tao na alam ang lahat nang bagay tungkol sa mga diyos.

        "Aking mga alagad kunin nyo ang Geas nang buhay!" ang sambit ni Acedia habang nakahiga sa kanyang trono na binubuhat nang mga naglalakiang mga Oger.

        Hindi nila napansin sa likod ang isang taong tribo. Tumalon ito, habang mahigpit na hawak ang kanyang sibat at tinurok sa likod ni Acedia na tumagos sa dibdib nito. Nagulat ang mga demonyo sa nangyari lalona't nakita nila ang sibat sa dibdib nang kanilang panginoon.

        

Iyak ng DigmaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon