Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Prologue

2 0 0
                                        

Sanay tayo sa kwentong may kakaibang mahika na kung pwede lamang ay sana meron din tayo nito. Mahikang pwedeng magpabago ng buhay natin either para maging masaya na according sa gusto natin o may matutunan para lalong tumatag.

Pero paano kung isang araw nabangga mo siya. Pero dahil sa pagkabanggang iyon nagbago ang lahat ng naayon sa gusto mo? Isang araw napromote ka sa trabahong matagal mo ng pinaghirapan na akala mo hinding hindi mo na makakamit pa? Animo'y isang pangarap na kailanman di mo maabot? Pero ang kapalit nito'y di mo malalaman hangga't di mo marerealize na ang kagustuhan may kaakibat na pangaral na kahit kailan ayaw mong maranasan.

Ito ang kwento na aakalain mo hindi pwedeng mangyari pero posibleng maganap.
Kwento na hindi mo man mararanasan pero papangarapin mong mangyari. Totoong swerte o kamalasan na dala ng kabiguan sa desisyon. Desisyon laban sa kagustuhan. Imahinasyon laban sa pangarap. Feng Shui ba ang kasagutan o dala ng desisyon na dapat ay matutunan ng bawat isa. Magulo pero gusto mo pa ring malaman kung paano nangyari, saan naganap.

Indibiwal na kwento ng mga taong maaring magmahal na may kaakibat na kahibangan. Malabo pero pwede ring malinawan. May katapusan pero di natatapos sa istorya.

A Gift or a curse o A Curse and A Gift?
———————————————————————————————

Alam ko guys di pa rin ako tapos sa dalawang libro pero hayaan nyo kong ibahagi sainyo ang istorya na tungkol sa dugtong dugtong na panaginip ko nitong nakaraan.

Ang mga tauhan ay pawang kung ano ang deskripsyon sa panaginip ko at hindi kailanman konektado kahit kanino. Sana ay suportahan niyo ko. May scenes na sobrang brutal o SPG ay di ko rin masabi.

Kasalukuyan akong nahihiwagaan sa librong naglalaman ng Feng Shui lessons kaya rin ito nabuo, believe or not miski ang characters ay base sa Feng Shui kung kaya't maaring matuwa ka sa karakter nila o maamaze na tugma pala sila sa Chinese Zodiac. Sana ay basahin niyo ito at matuto tayo sa kanila.

Hindi man ako magaling na manunulat pero, No to plagiarism

A Gift or A Curse/ A Curse and A GiftMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon