"Because they do exist. Seing them, it's for the gifted people."

"Ma isang tanong nalang, May pag-asa pa ba siyang mabuhay?"

"Base on my experience sa dami ng pasyente ko na naging ganito, so far wala pa sa kanila ang nakaka-survive dahil in end kusa na silang sumusuko."

"Ma naman 'wag kang manakot. Akala ko ba dapat be positive?"

"Shut up, umalis ka na rito at siguraduhin mong walang makakasunod sayo."

"Yes mom."













"I already know my name pero bakit nananatili pa rin ako rito?"

Bumuntong hininga siya. 'Diba dapat siyang maging masaya? Pero paano si Rhyi? Nangako pa naman siya ritong papasayahin bago mawala.

Agad siyang nagpunta sa University kung saan nag-aaral si Rhyi.

"Hahaha! thank you."

'Yan ang naabutan ni Momo na sinabi ni Lorraine kay Rhyi. Naka upo ang mga ito sa bench. Hindi na lumapit pa si Momo. Gusto lang sanang sabihin kay Rhyi na alam na niya ang kaniyang pangalan. Napailing siya at muling napatingin kung nasaan masayang tumatawa ang pinsan kasama si Rhyi na nakangiti.

Anong dahilan ng pagtawa nila? Ngayon niya lang nakita na masaya ito kasama ibang babae. Bakit parang nakakaramdam siya ng lungkot? Ito naman ang goal niya 'diba? 

"That looks is suspicious you know."

Napatingin siya kay Dave na nasa tabi niya.

"After mo akong iwan sa simbahan heto at titignan mo lang ako?"

"Aw, sorry naman! Hehe, sinundan ko lang kasi yung ginang."

'Should I keep it to him too?' Nawika ni Momo sa sarili. Hindi na muna niya sasabihin.

Makahulugang ngumiti ang lalaki.

Napakunok naman siya. Wag niyang sabihin na alam nito ang iniisip? Bubuka na sana ang bibig niya kaso nauna na magsalita ang kaharap.

"Nagseselos ka ano?"

Sa gulat ay hindi agad siya nakapag salita.

"Hahaha! I knew it! Sa mukha mo palang kanina e pffft---hahaha!"

Napahinga naman siya ng maluwag, akala niya ay kung ano na pero nang marealize ang sinabi ni Dave, biglang nanlaki ang mga mata niya.

"Ikaw!---Hindi kaya!"

Nagkibit balikat lamang ito,

"Whatever." At umalis na. Napafacepalm siya.

Pero tumingin muli sa gawi nina Rhyi.

"Ipagpatuloy mo lang 'yan Rhyi."

Tumalikod na siya at naglakad paalis, maghihintay nalang sa bahay ni Rhyi. Kailangan niyang makapag isip-isip. Hindi na muna kakausapin si Dave dahil paniguradong mang-uuyam lamang ito.

Pagdating sa bahay ni Rhyi ay lumusot siya sa pinto at naupo sa couch.

"Ano kayang pakiramdam na makahawak ng bagay?"

Naiwika niya mag-isa.

"Ano naman kung alam ko na ang pangalan ko? Bakit hindi pa rin ako nakakaalis rito?"

Medyo naguguluhan na rin siya, bakit tila hindi kasagutan ang pag-alala niya sa pangalan niya?Natigil si Momo sa iniisip  dahil sa biglang pagbukas ng pinto,

My Special Ghost (COMPLETED)Where stories live. Discover now