Chapter 2

321 5 0
                                    

Eunice's

"Tara na!" Aya sakin ni Angel Francine na Dancer din at classmate ko.

"Okay. Wait lang, ligpit ko muna mga gamit ko" sabi ko at pinasok ang towel at tubig sa bag ko. Nag hubad  na rin ako ng sapatos para naka tsinelas nalang ako pag labas dito sa building.

"Tapos na ko, tara na" sabi ko kay Angel Francine.

Paalis na kami ng may sumigaw sa pangalan namin ni angel.

Akala ko kung sino ang tumawag, si Julian lang pala.

"Yes???" Tanong ni Angel

"Where to?" Tanong ni Julian

Actually, 1 year older lang si Julian sa akin tapos kami naman ni Angel ang pareha ng edad.

"Malamang sa dorm, duh!?" Maarteng sabi ni Angel

"Gago! Baka lang naman na kumain kayo sa labas!" Sabi ni Julian at tumawa

"Sa tingin mo Jul kakain pa kami? E halos ubos na nga mga allowance namin eh" sabi naman ni Angel at tumaas-taas pa ang kilay.

"Okay, guys, easy!HAHAHA Jul, di kami kakain sa labas okay? So can we go now? Kasi mag re-review pa kami" kalmadong sabi ko.

"Si Angel kasi! Hayst, okay. Di ba kayo mag papahatid?" Natatawang tugon ni Julian.

"Bakit may sasakyan ka ba? Ha???" Sigaw sa kanya ni Angel.

Natatawa na talaga ako sa away ng dalawang to. Ang liit na bagay, pinapalaki.

"Bat may sinabi ba akong may sasakyan ako?" Tanong ni Julian kay Angel.

"Eh nagyayaya kang gago ka tapos wala ka namang sasakyan. Punyeta, alis na nga tayo Eunice nabwe-bwesit ako dito!" Galit na sabi ni Angel at hinila ako palayo.

Habang hila-hila ako ni Angel nag wave nalang ako kay Julian sabay sabing Byee!

---

"Ang strong mo kay Julian ah!?" Tanong ko kay Angel habang naglalakad kami papunta sa dorm namin.

Aside sa pagiging co-dancer, classmate, at best friend, magkasama pa kami sa lahat ng bagay.

"Eh, nakaka bwesit yung mukha nun no!?" Sabi niya sabay irap.

"Tss. Bitter lang kasi di kinamusta ni ex noong nagkasalubong kanina" mahinang sabi ko.

"Ano?! Nako Eunice isa ka pa. Wag mo kong ma bwesit-bwesit dahil na s-stress na ko sa inyo ni Julian." Galit na tugon niya.

"HAHAHA peacee!bitter!"sigaw ko sabay takbo paakyat sa hagdan na papunta sa dorm namin.

Pagdating ko sa harap ng dorm, kinuha ko yung spare key ko sa bag.

Bubuksan ko na sana yung door ng napansin ko na bukas ito.

Pero, as far as i can remember, ni lock namin to ni Angel kanina.

LabelWhere stories live. Discover now