Sayang namiss ko pa naman magbali ng buto.

Tahimik akong sumunod tapos si Stacey. Syempre kailan ba nanahimik yan di ata mabubuo araw nan kung di nagsasalita at nag-iingay.

"I can't believe na makakarating ako sa gantong school ang ganda ganda tapos napakalawak." mangha-mangha na sabi niya tsaka inililibot sa paligid ang mata niya.

"Tapos kahapon ang ganda ng garden may wishing fountain pa. This is a great place di na ako aalis dito." pagpapatuloy niya sa kaingayan niya. Napatakip nalang ako tenga sa kaingayan.

Dahil sa di ko kinakaya kaingayan niya kinuha ko phone ko at sinalpak ang earphone dito at tsaka inilagay ang earphone sa magkabilaang tenga.

Buti nalang dala ko tong phone ko. Ayun katahimikan.

Tanging tugtog nalang ang naririnig wala ng maingay na Stacey.

Kung akala niyo tumigil na siya pwes nagkakamali kayo tulad kanina ganun pa din.

Napatingin ako kay Kuya na parang okay lang sa kanya ang ingay ni Stacey.

'Ayaw sawayin ang girlfriend niya'

Napaigtad ako sa gulat ng biglang lumingon si Kuya at sinamaan ako ng tingin wag mong sabihing narinig na naman niya.

'Zette diko siya girlfriend hayaan mo siya'

Natawa ako sa sinabi ni Kuya. In denial ang putik.Alam ko naman na di niya girlfriend si Stacey eh kasi balak pa lang. Kuya wag ako HAHAHA.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa harap ng pinto ng classroom namin.

"Criszette at Stacey alis na ko ha. Inihatid ko lang kayo di kasi tayo magkaklase lamang kasi grade level ko sa inyo. Goodluck sa inyo." sabi ni Kuya kaya tumango kami.

Lumapit si Kuya sakin at tinap ang ulo tsaka ginulo ang buhok ko.

Kaya sinaman ko siya ng tingin.Tapos akala ko aalis na siya pero lumapit siya kay Stacey at hinalikan noo nito.

Napanganga ako sa nakita ko maging si Stacey ay parang naestatwa na sa gulat at namumula ang pisngi.

Nagulat din si Kuya sa ginawa niya kaya namumula siyang umalis.

Lintik bakit nasaksihan ko pa kalandian ni Kuya.

Naiwang tulala si Stacey.

"Wtf? Ursula bakit may ganun? Bakit mo ginawa yun." panay ang bulong niya habang tulala pa din.

Okay nababaliw na ang bestfriend ko.

Nilapitan ko siya saka niyugyog.

"Humanda kang Ursula ka." sigaw ni Stacey ng matauhan siya sa nangyari.

"Ang OA mo kala mo naman ninakawan ka ng halik sa labi." blankong emosyon na sabi ko sa kanya.

"But? Ano ba ibig sabihin ng ginawa niya." napakainosente talaga. Pero sa pakikipag-away lahat ng pasikot-sikot eh alam.

"Di ko din alam." bored na sagot ko. Actually alam ko ibig sabihin nun ayoko lang sabihin hayaan natin siyang alamin niya mag-isa.

Magsasalita pa sana siya ng hilain ko na siya papasok ng classroom.

Agad ako inatake ng pagkaweird.

Bakit ganto ang classroom bakit? Kanya-kanyang batuhan ng mga mahika nila. Parang di naman ito mundo ng mahika eh. Parang mental school. Paano ba naman parang nakatakas sa mental ang mga estudyante. Ayoko na dito gusto ko ng bumalik sa dati kong school.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now