Matapos kong mahimasmasan napagdesisyunan naming matulog na.
Kinabukasan ng imulat ko ang mata ko sinalubong ako ng sikat ng araw.

"Oh gising ka na pala." sabi ni Kuya.

"Uhmmmp." tipid na sagot ko.

"Sinabi sakin ni Stacey na may napanaginipan ka daw at takot na takot ka wag mo nalang pansinin panaginip lang yun sis." sabi ni Kuya tsaka nilapitan ako at tinap ang ulo ko.

"Tsk don't touch me." sigaw ko sakanya pero ang lintik tinawanan lang ako. Ayoko kasi talaga ng hahawakan ako pag ako ay bagong gising nabwibwisit kasi ako.

"Oh sige hahaha. Pumunta ka nalang sa sala at kakain na tayo aalis nako." sabi ni Kuya tsaka tumayo at naglakad palabas ng kwarto ko.

Pagkaalis ng gunggong eh nagasikaso na ko ng sarili ko sakto may cr dito sa kwarto kaya naghilamos ako at tsaka lumabas.
Kala niyo magmamaganda ko?
  
Pwes nagkakamali kayo. I hate any beauty product ayos na ko sa powder at pabango minsan nagliliptint para magmukha naman akong babae.

Si kuya kasi may kasalanan napagkamalan ba naman ako noong tomboy.

Paglabas ko ng cr lumabas na agad ako ng kwarto ng walang pulbo or kahit ano. Bitbit ko pa nga ang suklay eh.

"Sa wakas nagising din at lumabas ang prinsesa." pagpaparinig ni Stacey kaya tiningnan ko lang siya ng masama.

Naglakad ako papunta sa bakanteng upuan.

"Ano ulam?" tanong ko sa kanila.

"Tocino at Barbeque." sagot ni Stacey tsaka nagsandok na sa plato ng makakain. Nagutom ata kakaantay sakin.

Tsk sino ba nagsabi sa kanilang antayin ako? Kasalanan na nila yan kung nagutom sila.

"Dalian niyong dalawa pupunta pa tayong office to get our ID's pasukan na bukas." sabi ni Kuya tsaka sumubo.

"Okay." sabay na sagot namin ni Stacey.

Pagkatapos kumain niligpit muna namin eto at hinugasan ang pinagkainan tsaka sabay-sabay na lumabas ng dorm.

Yeah it's Sunday.

Siguro kung di kami nagtransfer baka nagmobile legends lang ako ngayon sa bahay. Eh kaso eto nga? Di ko ata kayang mabuhay ng walang mobile legends.Nakakainis gusto ko mag grandmaster eh. Kaso walang internet dito pero try ko itanong kay Headmistress. Dahil sa pag-iisip ko sa mobile legends di ko namalayang nasa tapat na kami ng pinto ng Office.

"We're here." sabi ni Kuya tsaka kumatok. Binuksan eto ni Kuya tsaka pinauna kaming pinapasok ni Stacey.

"Good morning Ms. Stacey and Ms. Criszette and also to you Mr. Christian." nakangiting sambit ng Headmistress. Pansin kolang first name basis sila dito?

"Good morning din po, Headmistress Grace." sabay na bati ng dalawa. Yes sila lang tinatamad ako eh pagpasok nga namin deretso ako sa sofa eh.

Napatingin sila sakin.

"What?" malamig na tanong ko sa kanila. Kaya kanya-kanyang iwas ang mga bwisit.

Nagsimula na silang mag-usap. Oo sila ayoko makisali eh. Inuulit ko tinatamad ako. Sisihin niyo yung Author napakatamad.

Pero baka mawalan ako ng kwento tuloy na natin ang kwento kahit tinatamad ako.

Naririnig ko naman pinag-uusapan nila kaya di ako mahihirapan alamin kasi nga rinig ko naman kahit nakapikit ako.

"Para talaga siyang si Jasmine." alam kong kahit di ko siya nakikita alam kong nakangiti ang headmistress habang sinasabi yun.

Jasmine?

Siya ba yung nanay ng Jewel aba humanda sakin yun pagnakita ko yung Jasmine na yun if siya nga ang nanay.

Aba ginugulo ako ni tandang pangit sa panaginip ng dahil sa Jewel na yun. Si Criszette nga kasi ako jusmiyo.

"By the way, eto na Student ID niyo at magiging schedule ng klase niyo. Pakisabi nalang sa kay Ms. Criszette ang napag-usapan natin." rinig ko sabi ni Headmistress Grace naramdaman ko din na umalis na siya at natitiyak kong naiwan ako kasama ng dalawang takas sa mental na magjowa.

Paano ko nasabi? Halata naman na gusto ng dalawa ang isa't isa ayaw lang umamin pareha bahala sila di ko na problema yun.

"Zette tayo na diyan punta tayong Garden tatambay muna us." tawag ni Stacey sakin. Ayoko pa sana pero ayoko naman maiwan dito kaya kahit tinatamad at inaantok tumayo ako at naglakad palabas ng office nauuna si Kuya na sinundan ni Stacey bale nasa dulo ako.

Kung akala niyo idedescribe ko ang Academy nagkakamali kayo kasi tinatamad talaga ko next time nalang.

Basta the one word describe Academy was 'astig' yun lang tsaka ko na idedescribe pasikot-sikot pag sinipag na ko.

"Oy guys pwede bang di na sumama tutulog nalang ako sa dorm." sigaw ko sakanila kaya napatigil ang dalawa tsaka naglakad palapit sakin.

"Sige ikaw na magdala nitong ID at schedule natin lagay monalang sa side table ng kwarto mo." sabi ni Stacey sabay abot ng ID at Papel ng Schedule sakin.

"Gisingin ka nalang namin pagdinner na." sabi ni Kuya tsaka tinap ang ulo ko.

Tumango ako tsaka tumalikod.

'Eto na chance mo, Mr. Christian. Aba galaw-galaw' Natatawang bulong ko sa hangin.

'Matulog ka nalang Criszette tigilan moko.'

Nagulat ako sa narinig ko. Oh nakakarinig din pala si Kuya. Matanong nga kay Kuya mamaya kung anong tawag dito. Pagdating ko sa dorm nilapag ko ang ipinadala ni Stacey tsaka dumeretso sa kwarto tsaka natulog.


 

        

The Cold Princess of Ainabridge AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon