J-4

19 3 1
                                    

Jeron:Shiin?

Jeron:Shiin,Okay ka lang ba?

Jeron:Sabi sakin ni Charles,nawalan ka raw ng malay kanina.

Jeron:I'm heading to your house now.

Jeron:I'll take care of you.

Jeron:Shiin?

'Her phone is muted,dammit!'Napabusina si Jeron ng sasakyan dahil sa pagkairita.Nasaktuhan pa sya ng traffic kaya dumoble ang pagkairita nya.

Tumriple pa ito noong naalala na si Mark ang nagbuhat sa dalaga at ang kasama nito bago ito mawalan ng malay,Palaging si Mark ang kasama ng dalaga kapag hindi nito kasama si Lesley,Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman dahil kapag naman kasama ng dalaga si Charles o kaya ang ibang lalaki katulad ni khiel ay hindi ito naiirita,ngunit pagdating kay Mark ay naiinis sya.

Dahil din siguro umamin na ito na may gusto sa dalaga at hindi man lang sya iniwasan ni Shiin kundi ay nakipag-close pa.Ang totoo ay dahil palaging kino-comfort ni Mark si Shiin.

Umusad na ang trapiko at nagmaneho si Jeron papunta sa bahay ni Shiin.

Tumingin ang binata sa regalo ni Shiin sa kanya.Ang weird lang dahil ang daming binigyan ng dalaga ng chocolates,pero sa kanila ni Mark ang naiiba.Nainis na naman sya,iniisip nya na bakit pati yung kay mark naiiba din?Parehas silang special?

Naunahan lang sya na magbigay ng pa-valentines sa dalaga,Hindi nya alam kung sa papaanong way nya ia-approach si Shiin,kaya naman naunahan sya ni Mark.

Nakarating si Jeron sa bahay nina Shiin,walang buhay ang bahay.Dahil din si Shiin lang ang nakatira dito at nasaktuhan pa na natutulog lang ng mahimbing ang nagpapahinga ang mahalay na dalaga.

"O,babantayan mo ba si Shiin?"Napatingin si Jeron sa Tito ni Shiin at agad na tumango.

"Ay salamat,Hindi ko maiwan-iwan dahil mataas ang lagnat E.May trabaho pa ako,ito ang susi ng kwarto tapos nasa may lamesa ang gamot.Ikaw na ang bahala kung magluluto ka,iho,wala na akong oras E.O sya,batsi(Sibat=Alis) na ako."
Kinuha nya ang susi at pumasok sa loob ng bahay.

Umakyat sya ng hagdan at binuksan ang pinto ng kwarto ng dalaga.

Nakita nya agad ito na nakahiga habang may benda sa noo at mukhang mahimbing ang tulog nito.Hinawakan ni Jeron ng maingat ang leeg nito at naramdaman nya na mainit nga ang dalaga,mataas ang lagnat nito.

Bumaba agad ito para maghanda ng soup para mapa-inom ng gamot si Shiin.

Nagluto si Jeron ng soup at umakyat para gisingin at pahigupin si Shiin.

"Shiin.."Anito.

"Shiin...Gising ka muna."Anito sabay lapag ng soup sa katabing lamesa ng kama ng dalaga.Dahan-dahang iminulat ni Shiin ang kanyang mga mata at nagulat sya ng makita nya si Jeron.

"J-jeron?"
Kinurot nya ang sarili nya para siguruhin kung nananaginip lang ba sya.

"O,dahan dahan."Anito at tinulungan na maka-upo ng maayos si Shiin.Hindi pa'rin makapaniwala si Shiin na kasama nya si Jeron ngayon at ito ang nag-aalaga sa kanya.

"Bakit nandito ka?D-diba dapat kasama mo si Lesley?"Napatingin si Shiin sa may table na malapit sa kama nya at nakita nya na may soup sa ibabaw nito.Nadagdagan ang gulat ni Shiin dahil ipinagluto pa sya ni Jeron.

"Ha?E di ko naman dapat palaging kasama si Lesley,Di ko naman sya girlfriend."Itinaas ni Jeron ang lalagyan ng soup at naglagay ng isang kutsara saka ito hinipan.

In Love with J (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon