J-2

19 3 3
                                    

Jeron:Shiinnnnnnnnnnn,mah besprend!

Shiin:Bakit?:)

Jeron:Gandahan mo yung score ko Shiin ah?;)

Shiin:Sige,sige.Basta galingan mo,para maganda ang score ko sayo.:)

Jeron:Magaling ako,Gwapo pa.haha.

Shiin:Confident much,haha.

Jeron:Gwapo naman talaga ako.

Shiin:Wala naman akong sinabing hindi.Bye bye muna,mag-aayos na ako.

Jeron:Ah,sige.Kita na lang tayo mamaya besprend:)

Shiin:Sige...I love you..
(Message not sent)

Bumuntong-hininga si Shiin.Gustong gusto nyang sabihin ang tatlong salita na yon pero hindi nya kaya,dahil sa tuwing aamin sya ay naiisip nya si Lesley.

Best friend talaga ang tawag sa kanya ni Jeron,dahil din siguro best friend din nito si Khiel na nagpakilala sa kanilang dalawa.Nasanay na din sya na tawaging ganon ni Jeron.

Muli nyang tiningnan ang repleksyon sa salamin.Sinuklay nya ang kanyang buhok at saka naglagay ng lip tint.

Lumabas na sya at sumakay ng kotse nila.Pinagmamaneho sya ng Tito nya dahil nag-aaral din itong mag-drive.Habang nasa byahe at naka-headphone lang si Shiin at nakikinig ng kanta ni Shawn Mendes.

Ready na ang tissue nya sa bag dahil alam nya na maiiyak sya,iniisip nya pa nga lang naiiyak na sya.Yun pa kayang makita nya na talaga?

Nakarating sila sa destinasyon at agad na bumaba ang dalaga mula sa kotse.Nakita nya si Khiel at Lesley na nag-aabang sa gate.

"Shiin!"Anito.

"Yo."
Lumapit si Shiin kay Lesley at ginawa ang fist bump.Nakasanayan na nilang gawin ito araw-araw sa tuwing nagkikita sila.

"Tara na."Pag-aaya ni Khiel.

Pumasok silang tatlo sa loob ng school.Palaging kasabay ni Khiel si Mark at Jeron dahil tropa sila pero dahil program organizer sila ni Shiin ay kinakailangan nilang pumasok ng maaga at sabay.

Hindi nga nila alam kung bakit estudyante ang kinuha bilang program organizer,host at mga judge at lahat ng kinuha ay galing sa section nila.

Umalis muna si Lesley at pumunta sa loob ng kanilang classroom samantalang si Khiel at Shiin naman ay dumiretso sa stage para ibigay sa mga host ang papel kung saan bumabase ang takbo ng program.

"Khiel,O."Aniya sabay abot ng chocolate sa binata.

"Happy Valentines."Dagdag pa ni Shiin.

Napangiti naman si Khiel at agad na tinanggap ang tsokolate.May kinuha ito sa kanyang backpack at saka ibinigay kay Shiin.Isa itong rosas,hindi plastik ngunit isang tunay na rosas na nakalagay sa isang box.May card pa na nakalagay ay 'Happy Valentines ate'.

Ate minsan ang tawag ni Khiel kay Shiin.Dahil siguro noong gumawa si Shiin ng CS nila,Ang tawag ni Shiin kay Khiel ay 'Lil bro' o kaya naman ay 'Lil brother'.Hindi sila magkapatid,3rd cousin lang nila ang isa't isa.Mula noong Grade 4 ay close na silang dalawa kaya noong naging highschool na sila hanggang ngayon ay close na close pa'rin sila.Si Khiel din ang nagpakilala sa kanya kay Jeron at Mark noong isang taon.Sya ang naging tulay ng pagkakakilala nila ni Jeron.

"Happy Valentines din."Anito.

Pumunta sila pabalik ng classroom at saktong nakita ni Shiin na nan'don na si Jeron at nakikipagtawanan kay Lesley. Hindi nya mapigilan ang malungkot pero ngumiti nalang sya na parang wala lang yon at parang masaya pa sya para sa dalawa.Parang may kumirot sa puso nya noong binigyan ni Jeron si Lesley ng rosas,tunay din ito ngunit hindi ito nakalagay sa box.

In Love with J (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon