CHAPTER 23 ~ On The Run ~

Start from the beginning
                                    

"Para saan nga?"

"Trip nga."

"Ewan ko sayo."

Umangat ang sulok ng labi niya at ginulo ang buhok ko. "I'm glad to have you back, sis. Kaya lang kulang ka pa sa lamig."

"Hindi ako bangkay."

"Weh?"

Umupo na kami sa blanket na nakalatag. Tahimik lang din na umupo ang magulang namin. Umabot ako ng marshmallow at kahit na wala naman akong gana ngayon ay pilit ko parin iyong kainin. Para ipakita sa kanila na okay lang ako. Alam kong sobra na ang pag-aalala nila sa akin.

"Kuya tignan mo o!" sigaw ni Snow at may tinaas. "Diba ito iyong hinahanap mo na CD noon na nawala kamo? Ano ba ang laman nito-"

Mabilis na naagaw na iyon ni kuya at alanganing ngumiti sa parents namin na naniningkit ang mga matang nakatingin sa kaniya. X-Rated for sure.

Tumakbo papunta sa kung saan si Snow hanggang sa hindi na namin siya makita dahil sa mga patong-patong na gamit. Malamang naghahalughog iyon ng kung ano-ano. "Thunder sundan mo ang kapatid mo." utos ni Papa.

"Eh Papa-"

"Paano kapag natabunan yon?"

Kakamot-kamot sa ulo na kumuha na lang siya ng maraming marshmallow at pagkatapos ay sinundan si Snow. Napangiwi kami ng may marinig kaming kalabog dahilan para tumakbo papunta roon si kuya Thunder.

Nang hindi na namin matanaw si kuya ay tahimik na nagpatuloy ako sa pagkain.

"Freezale."

Bumuntong-hininga ako. Sinasabi na nga bang gusto lang akong makausap nila Momma at Papa. Hindi kasi kami nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap at talagang iniiwasan ko na magkasarinlan kami.

Ayoong malaman kung gaano ko sila nadisappoint.

"Babalik na muna po ako sa kwarto ko-"

"Mananatili kang nakaupo diyan o itatali kita sa isang upuan?" Napigil ang pagtayo ko sa sinabi ni Momma. Hindi tumitingin sa kanila na tahimik na umupo na lamang ako.

"Live your life, Freezale."Napaangat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin ni Papa. Wala akong mababakas na galit sa mga mata niya, nandoon lang ang pang-unawa.

"I don't know what you mean, Pa-"

"Hindi ka namin pinipilit na maging masaya, pero sana wag mo din itago sa amin na nalulungot ka. Na nahihirapan ka. We're your family. We will always share your pain."

"Pa."

"You don't always need to be strong. Sometimes, you need to loosen your grip and let yourself lean on to someone." said Momma.

Malungkot na umiling ako. "Ginawa ko na iyon, Ma. At tignan niyo ako ngayon."

Naramdaman ko na hinawakan ni Papa ang kamay ko. "You don't know how I struggled not to hurt that man. You know why I didn't? It's because I know that you love him. I certainly can't hurt someone who's linked to my girl's heart." Malungkot na ngumiti si Papa at tumingin kay Momma. Saglit na nagtama ang mga mata nila bago nila ibinalik sa akin ang atensyon nila. "We will always regret that we didn't tried enough for you. I don't know what exactly we can do...but God knows we will make anything impossible possible if it means saving you from what happened."

Iyon ang ayokong mangyari. Ang sisihin nila ang sarili nila sa mga naging pagkakamali ko...sa mga desisyon ko. Naging mabuti silang mga magulang sa aming magkakapatid at wala na akong mahihiling pa. Wala silang kasalanan. These is all on me. "Wala kayong kasalanan, Papa."

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantWhere stories live. Discover now