CHAPTER 13 ~ Grumpy King ~

159K 3.3K 259
                                    

CHAPTER 13

FREEZALE'S POV

Kulang na lang ay impog ko ang ulo ko sa pader para lang mawalan ako ng malay. Pakiramdam ko ay tinatalunan ang ulo ko ng sampung imaginary majinboo na napagkamalan ata akong trampulin. Idagdag pa na kaunting kilos ko lang ay paniguradong lalabas lahat ng nainom ko kagabi. Hindi din nakatulong na nasisilaw ako sa liwanag na nagmumula sa nakabukas na bintana.

"Good. You're awake."

Mariing nakapikit ang mga mata na inabot ko ang unan at tinakpan ko ang mga mata ko. "Whoever you are, just shut your mouth."

Nahihirapan pa ang utak ko na i-proses ang mga nangyari kagabi pero kahit hindi ako sigurado kung gusto kong maalala ay unti-unti nang bumabalik ang mga 'yon. But it's quite obvious isn't it? Wala namang iba na maaring makapagparamdam sa isang tao ng ganito maliban sa isang bagay. Hangover. Depende na lang siguro kung may taning na ang buhay ko at ngayon na ang araw kung kailan makakatanggap ako ng VIP treatment mula kay kamatayan.

"You should be thankful."

Dahil narin siguro sa sakin ng ulo ko ay hindi ko magawang makapagpokus sa nagsasalita. "Sino ka ba?" inis na tanong ko.

Fuck that Thirteen Hell Shots! Sa hindi malamang kadahilanan ay kagabi lang ako tinamaan ng todo. Hindi naman ako nalalasing. Marahil ay dahil narin iyon sa stado ng emosyon ko ng mga panahon na iyon. Warning. Never drink yourself to death when you're currently at the state of hating the world.

"You bruise my ego, lady. Kagabi pinagkamalan mo ako na isang pusa at ngayon naman hindi mo na ako kilala."

Lady. Iisang tao lang ang tumatawag sa akin no'n. Tinanggal ko ang unan pero nanatili akong nakapikit. "King."

"Finally."

"Nasaan ako? Anong ginawa mo sa akin? At pwede pakisarado ang bintana dahil kapag nalusaw ang mga mata ko, dudukutin ko iyang sa'yo at ipapalit ko sakin."

Nakarinig ako ng mga kaluskos at nakahinga ako ng maluwag nang pagkaraan ay maaninag kong dumilim na ang paligid. Unti-unti kong idinalat ang mga mata ko. Dumako ang paningin ko kay King na nakaupo na ngayon sa isang gilid ng kwarto. A room that is not mine.

King's Villa.

"Nasa kwarto kita. Sa hindi malamang dahilan wala akong mahanap sa kahit na sinong kamag-anak mo. Wala akong ginawa sa iyo. Ikaw pa nga ang meron."

"Yeah right."

"You practically harassed me."

"You're the one to talk." I scoffed.

"Iba ka at iba ako. I'm not into kinky stuff like pretending to be a purina for you. Kung hindi pa kita itinali diyan sa kama, hindi mo ako titigilan."

Mabilis pa sa alas kwatro na hinawi ko ang kumot na nakabalot sa akin. Pakiramdam ko ay namula pati ang daliri ko sa mga paa ng makita kong nakatali nga ng isa pang kumot ang bewang ko sa kama.

Tahimik na sinimulan kong kalasin ang tali pero masyadong mahigpit iyon. Mukhang nagmamadali si King na maitali ako kaya hindi niya na napansin na masyado ng mahigpit ang ginawa niya.

Bumuntong-hininga ako at tumingin sa bed side table. Syempre walang kutsilyo yon. Depende na lang kung ganoon kaparanoid si King. Kinuha ko ang lighter na nakita ko doon at pinindot ko iyon at itinapat sa kumot na nakatali sa akin.

"What the hell Freezale!"

Tumalsik sa isang panig ng kwarto ang automatic lighter nang tabigin 'yon ni King. Napakurap ako ng imbis na mamatay 'yon ay lumaki ang apoy no'n dahil tumama sa manipis na kurtina na ngayon ay unti-unti ng inaakyat ng apoy.

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantWhere stories live. Discover now