CHAPTER 5 ~ King ~

181K 3.5K 233
                                    

CHAPTER 5

FREEZALE'S POV

Malapit na akong mag lagay ng ear plugs. Sobrang daming tao at sobrang ingay nila kahit hindi pa naman lumalabas ang banda. Mas nauna pa nga atang nakarating ang mga fans kesa kami mismo. Babagal-bagal kasi ang mga kasama ko.

Kasalukuyan kaming nasa dressing room kung saan nagkakaniya-kaniya na ng ayos ang Royalty members. Tinalo pa nila ako maglagay ng eye liner. Experts.

"I'm giving out backstage pass later, King." sabi ni kuya na sinusuot na ang jacket niya.

"Ako din." Nilingon ni King si Archer at Rushmore. "How about you guys."

Umiling si Archer. "Matutulog na lang ako. Next time na lang. Those girls will just give me a migraine."

Ngumuso si King pagkatapos ay tinignan si Rushmore na binigyan lang siya ng matalim na tingin. Itinaas ni King ang kamay niya at tumawa. "Fine, fine. Sungit mo dude."

Backstage pass. Mukhang mangongolekta na naman ng mga babae ang mga playboy na ito. Kung ililista ko ang mga babaeng dumaan sa buhay nila baka makabuo na ako ng makapal na dictionary.

Dumapo ang tingin ko kay kuya Thunder na tapos na sa pag-aayos niya. Masyadong madilim ang itsura niya. Rockstar talaga.

"Isusumbong kita kay momma."

Nakasimangot na nilingon niya ako. "Binata na ako."

"Sigurado ka?"

"What do you mean?" he asked with a knotted forehead.

"Baka nagdadalaga ka. Hindi nagbibinata."

Pinagpag ko ang damit ko ng may lumipad doon na maliit na sinulid na galing sa jacket ng kapatid ko. Parang ginupit-gupit na hindi maintindihan. Kapag may nakakita sa kaniyang pulubi hindi na ako magtataka kung siya ang bigyan ng limos non. Ano bang klase ang mga suot ng mga ito?

"Ikaw talaga, sis, joker." tumayo si kuya at lumapit sa akin. Inakbayan niya ako at kaagad naman na lumayo ako.

"Layuan mo ako at baka mapunta na lahat sa akin iyang sinulid sa damit mo. Ano ba iyang mga suot niyo? Naghihirap na ba kayo? Pwede ko naman kayong pautangin."

"Sang bundok ka ba galing, Freezale? Rocker kami. Rocker. Okay?"

"Whatever." tinignan ko ang hawak ko na maliit na notebook. "Pinapaalala ko lang na walang mag-iinom sa inyo. Babyahe pa tayo papunta sa Baguio pagkatapos ng concert. At kung ako sa inyo mag co-cost cutting ako sa babae. Kailangan niyong magmadali. Bibigyan ko pa kayo ng alarm clock kung gusto ninyo."

Napangiwi si kuya Thunder at King. Hindi ko na sila pinansin at lumabas na ako. Inilabas ko ang tablet ko at nagpipindot roon. Hinack ko ang security ng lugar para makita ko lahat ang kuha sa mga camera sa iba't-ibang panig ng covered stadium.

Konektado din si Graciella at Gabriel na pinadala ko kaila Snow at Phoenix dito. Tumawag sila sa akin kanina na nandito na daw sila. Si Graciella at Gabriel ang ilan sa mga humanoids na imbensyon noon ni mommi Katerina Von na inupgrade ng sumunod na mga agents. Ginagamit ko si Graciella at Gabriel upang mag-ikot sa stadium. Madedetect nila kapag may malapit na threat sa kanila.

Naisarado ko ng wala sa oras ang tablet ng bigla na lang may umakbay sa akin. Malamig ang tingin na bumaling ako sa nakaakbay sa akin. Si King. At katulad ng ilang beses na ginamitan ko siya ng tingin ko ay hindi na naman iyon gumana sa kaniya. Parang mas naaaliw pa siyang makita akong tinatarayan siya.

"Ano yang hawak mo?" tanong niya.

"Tablet, obviously."

"Nakita ko kanina parang nakabukas ang camera mo."

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon