Track 16: Believe in Yourself

Magsimula sa umpisa
                                    

"Huy. Tulog ka ba?" Natigil ako sa pag-iisip nang itulak ako nang mahina ni Ingrid.

"Ha?"

"Dalawang beses ka na tinatawag. Ikaw na kanina pa," irap pa niya sa akin.

Nang tingnan ko ang mga kaklase namin pati ang mentor ay nakatingin pala sila sa akin. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa nangyari.

I coughed and composed myself.

"You'll do well," dinig ko pang cheer ni Jarvis bago ako tuluyang makapunta sa harap.

With a deep sigh, I stood up and went in front of the class. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba.

I cleared my throat and our mentor nodded at me signalling me to start singing.

So I did.

I closed my eyes to block the image of other people watching me.


♫ I can almost see it - that dream I'm dreaming. But there's a voice inside my head saying, "You'll never reach it." Every step I'm taking, every move I make feels lost with no direction. My faith is shaking. ♫


This won't do. I can't keep doing this forever. Kaya nilakasan ko ang loob ko at binuksan ang mga mata ko. I first looked at Ingrid who, even when not smiling, is encouraging me to just sing. And then I looked at Jarvis who gave me a small smile and a nod.


♫But I, I gotta keep trying, gotta keep my head held high. ♫


Parang ayun lang ang kinailangan ko. Ang makita ang mga taong naniniwala sa akin. So I smiled. And I just continue singing.


♫ There's always gonna be another mountain. I'm always gonna wanna make it move. Always gonna be an uphill battle. Sometimes I'm gonna have to lose. Ain't about how fast I get there. Ain't about what's waiting on the other side. It's the climb. ♫


Nang matapos, OA man pakinggan, pakiramdam ko ang invincible ko. Hindi dahil sa bilib na bilib ako sa sarili ko pero dahil alam ko na ginawa ko ang makakaya ko at nag-enjoy ako. Sabi nga nila, 'no regrets.'

Pero nagulat ako nang biglang magpalakpakan ang mga kaklase ko at nginitian ako ng mentor namin. Habang pabalik sa upuan ay pinupuri rin ako ng mga nadaraanan ko. And to be very honest, this feeling is nice.

"I told you you'll do great," salubong sa akin ni Jarvis pagbalik ko sa pwesto ko.

Tinapik naman ako ni Ingrid sa balikat at alam ko na, ramdam ko na, kung ano ang gusto niyang sabihin.

Buong oras ng klase tuloy ay ang ganda ng mood ko. Sana palagi na lang ganito.

Though I can't say the same for Dex. Dahil mukhang badtrip siya pati ang performance niya ay naapektuhan na. Napagsabihan tuloy siya ng mentor to do better next time at she expected more from him.

"Tambay tayo sa student's park?" aya ko kay Jarvis at Ingrid.

Sadly, Ingrid shook her head. Wala raw siya sa mood lumabas. Gusto ko man ayain si Dex, hindi ko magawa dahil kasama ko si Jarvis. Isa pa, mukhang kahit ayain ay tatanggi siya. Bakit kayo wala sa mood ang dalawang 'to?

"May ipapabili ka ba para madaanan ko mamaya bago bumalik ng dorm?" tanong ko kay Ingrid.

"Pass. Una na ko."

And They Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon