Track 23: People Pleaser

3K 258 126
                                    


Ingrid's Point of View


"Is this place taken?"

Mula sa kinakain kong chips ay nalipat ang atensyon ko sa nagtanong. Si Aiden. Nakaturo siya sa inuupuan ko.

I'm currently sitting on the bench in the campus glasshouse to kill some time - just eating without a care in my surroundings. It's a good thing, too, that students rarely go here. And it's already around 5 pm, that's why it's not that hot anymore. Perfect place, I think.

"That's a very stupid question," irap ko sa kanya.

That made him chuckle. He finds it amusing apparently.

Umupo siya sa tabi ko kaya tiningnan ko lang siya. Halatang nagtataka siya kung bakit, kaya nagsalita na ako.

"Wala ka bang pwedeng ibang mauupuan? Bakit ka tumatabi sa akin?"

"That's a very stupid question," he mimicked my answer earlier.

Tiningnan ko ang paligid. Bukod sa bench na 'to, ang ibang bench ay marumi, may nakapatong na halaman o may ibang taong nakaupo. Ito nga lang ang space na pwede pang upuan.

Unless gumitna siya sa babae't lalaking nakaupo sa isa pang bench na medyo may kalayuan sa pwesto ko.

"It's not like there's no other seat outside the glasshouse," I whispered.

"How are you?" he asked as if hindi niya narinig ang binulong ko.

"Aside from the fact that I'm currently being disturbed by some guy, I'm good."

"Oh. Sorry, should I go?"

Akala ko noong una ay nagbibiro lang siya at nagpapakasarkastiko. Kaya lang nang tingnan ko siya ay mukha naman siyang seryoso at parang handa na ngang umalis oras na sabihin ko na umalis siya.

What do people call this type of guy? A nice guy? A people pleaser? He's giving me that vibe. People pleasers are annoying.

"It's up to you," I shrugged.

Nasa pagkain na naman ang atensyon ko pero nakikita ko sa gilid ng mata ko na nag-iisip siya kung aalis ba siya o hindi. Sa bandang huli, hindi siya umalis.

Sumandal siya at nagsalita na naman. "Has it been solved?"

"Yeah. Melody and I are back to normal."

"'Yung isa pa."

Ah. 'Yung naikwento o nairant ko sa kanya noon sa cafe.

"Hindi."

"It's about Kelsey and Dex, right?" Mahina niyang tanong.

Napatingin ako sa kanya. At nang tingnan din niya ako ay nagkibit-balikat siya. Hindi ko alam na alam pala niya.

At dahil alam naman na niya, hindi ko na kailangan magmaang-maangan pa.

"Yes. Sinabi ba ni Kelsey sa 'yo?"

He shook his head. "Nahalata ko lang kapag nagtatanong siya sa 'yo ng tungkol sa kanya. At kapag nakakasalubong namin sila. If people actually observe and pay attention, they'll know, too. They weren't exactly subtle, especially Kelsey."

"And yet she's the one who wants to hide their relationship."

"She has her reasons and fears."

I know for sure na hindi rin nakwento ni Kelsey 'yon sa kanya. Kaya sa pagsabi niya no'n, malamang na nahalata lang din niya.

And They Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon