38 (my prince)

88.1K 909 173
                                    

A/n mag basa ng a/n.

KREY'S

Mag kahawak kami ng kamay ni jiro habang naglalakad sa dalampasigan

Palubog na ang araw pero patuloy parin kami sa paglalakad papunta sa kung saan.

Mabilis kumalat ang balita tungkol sa relasyon namin ni jiro, maski ako

hindi ako makapaniwala.

Naaalala ko pa noong gabing yon, noong pagkakataon na hinalikan ko si jiro sa harap nila.. Sa harap ni chace, noong una masakit sa pakiramdam pero noong lumaon ay naramdaman ko ang totoong ibig sabihin ng pagmamahal.

Napakabanayad ng labi ni jiro.. Tila isang piraso ng bulak na malumanay na dumapi sa aking labi..

Pumikit ako para maramdaman ko kung anong sinasabi ng puso ko.. Sa unang pagkakataon mula ng ibenta ko ang dangal ko.. Nakaramdam ako ng respeto, sa kabila ng nakaraan ko.

Isang halik na nagparamdam sakin ng tunay na pagmamahal, pagmamahal na kagaya ng sakin, pagmamahal na mas inuuna ang pagmamahal sa iba bago ang sarile.

Noong nalaman ko na mahal nya ko hindi na ko nag isip kung totoo ba yon o hindi, matagal ko ng napapansin na iba ang paraan ng pakikitungo nya sakin, pero dahil kay chace mas pinili kong tignan sya bilang isang kaibigan.

Kaibigan na sinasabihan ko ng problema, kaibigan na hingahan ko ng sama ng loob at galit sa mundo. Pero kahit ganoon nanatili sya sa tabi ko sa kabila ng katotohanan na mas nasasaktan sya dahil nasasaktan ako dahil sa iba. Feeling ko ginamit ko si jiro noong mga pagkakataon na parang hindi ko na kaya.

Naging selfish ako nahabang sya ang nasa tabi ko at naipaparamdam nya sakin ang pagmamahal nya iba ang tinitibok ng puso ko.. Pero anong magagawa ko nagmamahal ako.

Sa unang pagkakataon pagkatapos ng ilang buwan na di naming pagkikita ni chace akala ko ok na. Na masakit pero hindi na ganon kasakit pero wala na palang papantay pag nakita mo sya kasama ng iba.

Bago pa sa konprotasyon at sa rebelasyon ng pagmamahal ni jiro sakin ramdam ko na yon.. Sa paraan ng pag tatanggol nya sakin kahit na alam nyang mahal ko si chace.

Tinanong ko ang sarile ko kung ganoo ko kahalaga?

At dahil sa pinakita ni jiro. Oo nga mahalaga ako..

Hambog ako kung di ko aaminin na masarap sa pakiramdam pero sinungaling ako kung sasabihin ko rin na mahal ko si jiro agad.

Ang alam ko lang ngayon handa na ko ulit. Susubukan ko na ulit magmahal. Hahayaan ko na ulit na maging masaya ako. Hahayaan ko na ulit na maramdaman ko na mahalaga ako at pwede pa kong mahalin sakabila ng nakaraan ko.

At alam kong sa tabi ni jiro magagawa ko yon.

Siguro iisipin ng marami na ginagamit ko sya para makaalimot. Pero alam ko ginagawa ko to para rin kay jiro dahil gaya ko dpat syang maging masaya.

Sa piling ng isa't-isa makukuha namin yon.

"jiro." tumigil ako sa harap nya at niyakap sya nagulat sya pero niyakap nya rin ako..

Nakapatong ang baba nya sa ulo ko at nasa tapat ng puso nya tenga ko rinig ko ang bawat tibok nito.

Pumikit ako.

Pero muling dumilat ng maramdaman ko ang pagtulo ng luha nya sa ulo ko..

"jiro..." pinilit kong kumawala sa yakap nya para makita sya pero pinigil nya ko

"ganyan lang wag mo ko tignan, ayaw kong makita mo ko sa panahong mahina ako ang gusto ko lang anjan ka."

"bat kaba ganyan" mahinang tanong ko

My Naive LoverWhere stories live. Discover now