12 ( bitter to better)

168K 991 24
                                    

KREY'S

napaka init sa palengke..

" ale magkano sa patatas? " tanong ko .. paglulutuan ko sana si chace may utang pa ko na dinner dun tas yung pag aalaga nya pa sakin..

ang maganda kay chace.. never syang nagtanong kung bakit ganun yung nangyare maganda narin yun para di na masira yung magandang relasyon na nabubuo namin mas maganda... mas madali ang trabaho.

" 70 ang kilo ilan... " tanong nya sasagot na sana ako ng may bumunggo sa likod ko kaya dahilan para lumingon ako sa likod.

"sor-..." napatigil sya sa pag sasalita..

"royce" bulong ko pagkakataon nga naman.. tinitigan nya lang ako..

"babe ano nakabile kana ng gulay?" may dumating na babae at umabresyete sa braso nya.. nakatingin parin sakin si royce tas ako palipat lipat ng tingin sa kanila

may bago na sya? ang bilis naman...

ouch...

" ui ano na babe ? " tanong ulit nung babae tas hinihila hila pa si royce

" eto na kaso nabangga ko kasi sya kaya nagsorry ako " sabi ni royce

SYA? ... hindi naba ko si mahal nya? o kahit na may pangalan ako ah.. tumalikod nalang ako at humarap ulit sa gulayan di naman ako masokista para titigan sila ..

" nakakatama ka buti di nagalit sayo yung babae ang clumsy mo di ka naman ganyan dati ah" litanya nung babae habang namimili sya ng kalamansi..

DATI?  mag kakilala na sila dati? bat di ko alam? bat di ko sya kilala? BAT DI NYA KO KILALA.. napalingon tuloy ako sa babae..

sakto naman lumingon din sya sa direksyon ko " sorry talaga miss ha itong boyfriend ko kasi nag iingat e"

"boyfriend?" bulong ko ulit di ko naman alam na maririnig nya ko..

"yes.. boyfriend ko . bat akala mo ba asawa ko na sya? hindi pa no.. pero sana malapit na? right babe ?" nakangiting tanong nya kay royce kaya napatingin ako sakanya dahil iniintay ko sagot nya gano naba sila katagal mag kakilala bat kasal agad?

"oo naman" pero habang sumasagot sya nakatingin sya sakin

OO NAMAN

OO NAMAN

OO NAMAN......

paulit ulit sya sa tenga ko any moment iiyak na ko kaya inabot ko na yung nadampot ko sa tindera.. saka ko binayaran at nag mamadaling umuwe..

pag dating ko sa bahay pinatong ko yung binili ko sa lamesa pagkatapos ay dumiretso ako sa kwarto ko..

pagkapasok ko kinuha ko yung mga bagay na nakakapag paalala kay royce... habang iniipon ko yung mga gamit sa plastik di ko maiwasang umiyak.. oo masakit pero wala akong magagawa pero bat ganun naman kabilis kasal agad?

sino ba yung babaeng yun?

pagkatapos kong ipunin yun ay nilagay ko sa tambakan tas pumunta ako sa lamesa kinuha ko yung binili ko tas pumunta nako sa condo ni chace..

CHACE'S

" yes maam kaso po busy sya.." naririnig kong paliwanag ni bettina ayoko paistorbo mainit ang ulo ko pati personal phone ko nakapatay..

" gustuhin ko man syang tanungin maam kaso baka magalit"  bettina

"sana nga po kaso mainit ang ulo maam "

"bettina!! sino ba yan nakakaistorbo ang usapan nyo  bilisan mo dyan at asikasuhin mo yung inuutos ko" malakas ang boses ko kasi nga galit ako

"sorry po sir si miss krey po kasi nasa linya" natatakot na sagot nya pag kasi mainit ang ulo ko lahat sila takot..

My Naive Loverحيث تعيش القصص. اكتشف الآن