06: trouble

118 9 0
                                    

Kabanata 6

“Dana... please.. Give me a chance.” sabi nya habang mas lumalapit pa sakin. I know this will happen. Shit.

“N-no... Saniel... I can't alright.” sabi ko at mas nag-iba ang expresyon nang kaniyang mukha. Parang hindi ko na sya kilala...
“No, you're going to be mine Dana. I want you all mine.”

Nang wala na akong ma-atrasan ay lumapit sya sakin at sinandal ang kaniyang kanan na kamay para ma-corner ako. Kinakabahan at hindi ko alam kung anong gagawin ko... Si Justin...

“Saniel. Please, let's talk calmly about this. Not here, I-i'm scared.” sabi ko at hindi nabago ang posisyon nya tumahimik sya saglit at inalis ang kaniyang kamay na naka-sandal. Makakahinga na sana ako nang malalim nang hinawakan nya ang magkabilang balikat ko.

“Saniel... What do you think you are doing..?”

“Dana, If you want Justin to live peacefully you better leave him and be with me.”

Na-windang ako sa sinabi nya. Ano?

Bago pa ako sumagot ay sinunggaban nya ako bigla nang halik. Pilit ko sya tinutulak pero masyado syang malakas. Pilit nya ring halikan ako sa leeg at nag-pumiglas ako pero ang lakas nya at sa tuwing dumadampi ang labi nya sa katawan ko ay parang nawawalan ako nang hininga. Sinira ang pang-itaas na uniform ko, natanggal ang mga butones at malapit nang makita ang aking dibdib. Muntik nya na rin itong mahawakan. Naramdaman ko nalang na bumuhos ang luha ko.

“Saniel! Bitawan mo na ako!”

“Just be mine, Dana. Just one day! One fucking day!”

“Stop...please!”

“Ne--.”

Nabigla naman ako nang naka-bulagta na sya sa sahig at nakita ko si Justin na nag-aapoy sa galit ang mukha. Naka-igting ang kaniyang panga habang naka-tingin sakin. Naramdaman kong galit sya. Umiyak ako pagkakita ko sakanya, tinignan nya ang nangyari saking damit at napailing, hinubad nya ang kaniyang tshirt at isinuot sakin. Hinila nya ako at niyakap habang umiiyak parin ako.

“I will seriously kill that guy later.” mariin na sabi nya at hindi ako nakapag-salita. Naubusan ako nang sasabihin. Parang natatakot na ako. Hindi ko na alam kung anong iisipin.

Nakita kong pumasok ang dalawang staff nang school at inangat si Saniel na walang malay sa sahig. You're a great friend, Saniel how could you do this to me...

“Nasaan ba ang cellphone mo?” tanong nya at parang wala sya sa mood ngayon. Damn.  Binunot ko ang cellphone ko at pinatingin sakanya na patay ang baterya. “Nabasa mo ba na hindi kita pinayagan na sumama sakanya?” sabi nya at medyo nagulat ako. Umiling naman ako at yumuko.

“H-hindi ko naman alam na m-mangyayari ito, eh... I'm sorry...” sabi ko at yumakap ulit.

“Kasalanan ko 'to, eh. Ano-ano yung sinabi nya sayo?” seryosong sabi nya at yumuko lang ako sa dibdib nya. Hindi ko pa sya masagot dahil masyadong blanko ang pag-iisip ko ni hindi ko nga ako magka-salita nang maayos. “Tangina...” mahinang mura nya at ginulo ang kaniyang buhok.

“Mag-uusap tayo mamaya sa bahay. Naiintindihan mo?” sabi nya at tumango lang ako bilang sagot. Inilalayan nya ako sa palabas nang old building na 'yon. Nakahubad sya at pinagti-tinginan pa sya nang mga babae sa dinadaanan namin. Ba't pa kase nag-hubad?! Mas niyakap ko ang kaniyang dibdib at tiyang upang matabunan ang kaniyang katawan.

“Malapit kanang ma-disgrasya inaalala mo pa ang mga babae'ng nakatitig sakin.” sabi nya at inangat ko ang tingin ko sakanya. Hindi ako sumagot. Nakita kong sa Dean's office kami patungo. Pagkarating namin doon ay nandoon ang parents ni Saniel at parang galing pa sa trabaho. Pagpasok namin ay nakita ko ang alala sa kanilang mukha. Lalapitan sana ako nang mama ni Saniel pero inilayo ako ni Justin. Napatingin naman kami sakanya.

SUPERHERO (Short Story Series #1)Where stories live. Discover now