💕 NOBODY'S BETTER 33 💕

Start from the beginning
                                        

"Nakalimutan mo na ba Keisha? Debut mo na next week at pumunta tayo rito dahil inutusan kami ni tita na samahan kang pumili sa idadamit mo and the same time iyong mga idadamit namin." napa nga nga naman ako. Ngayon lang nagsink in sa utak ko na magdedebut na pala ako next week. Bakit hindi ko man lang namamalayannnn!

Narinig ko naman ang mahinang tawa rin ni Diana. Huhuhu! Hindi ko talaga alam! ㅠㅠ

Tamang tamang lumabas sila Momo at Cela sa may private room at agad akong dinala roon. Aawatin ko sana sila kaya lang nakakatakot 'yong tingin ni Momo sa akin kaya no choice sumama na rin ako.

Pagdating ko don, mas maraming mga magagandang mga gown at dresses ang nasa loob. Nandito rin ang parents ko at mga kapatid ko pero ang kinagulat ko ay ang presensya ng lola't lolo ko. Omo! Kailan pa sila dumating?

"Apooooo! Ang laki mo na at mas lalo kang gumanda ah! Manang mana ka talaga sa lola mo." wika ni lola Nina ko pagkatapos niya kong yakapin. Siya talaga kasi 'yong unang nagreact nong nagkita kami at hindi ako.

"Hahaha! Opo lola mana po ko sa'yo." natatawang wika ko lang. "Teka lang po. Kailan po kayo dumating ni lolo?" tanong ko nang umupo kami sa isang coach. Nasa tabi ko si lolo Lito ko habang ang mga iba pang tao dito sa loob ay busy sa pagsusukat ng mga damit.

"Ay kahapon lang apo! Suprise talaga ang pag uwi namin dahil gusto naming makasama ka sa debut mo at siyempre makilala ang nagpatibok ng puso mo." namula naman ako sa sinabi ni lola. Sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si Kelso na super ganda ng awra ngayon.

"Magandang umaga po." bati niya sa kanila pagkatapos ay nag mano kina mama't papa maging kina lolo't lola. "At magandang umaga sa napakagandang binibini na nasa aking harapan." wika nito sabay ngiti sa akin. Nakarinig lamang ako ng malakas na hiyawan sa aking paligid.

"So ikaw pala ang manliligaw ng apo namin." wika ni Lola ng makita niya si Kelso. Tahimik naman sila lolo at mga parents ko since kilala naman na nila ito (pwera na nga lang kina lolo't lola.)

"Ako nga po."

"Talaga bang mahal mo ang aking apo?" tanong ni lola kay Kelso. Tumango naman ito at ngumiti ng matamis.

"Paano mo mapapatunayan na mahal mo siya?" tanong ulit ni lola kay Kelso. This time kinabahan ako. Oo, alam kong sinabi na ni Kelso 'yong dahilan kung bakit niya ko mahal pero iba pa rin kung sasabihin niya 'to sa ibang tao mas lalo na sa harap ng parents at grandparents ko.

Tumingin saglit si Kelso sa akin bago sumagot. "Ang totoo po niyan, wala po kong gusto sa apo niyo noong una. May gusto po kong iba at masyado po kong manhid para makita ang kahalagahan ng apo niyo."

"Naiirita po talaga ako nong una nang nalaman kong may nagkakagusto sa akin. Ayaw ko po kasi 'yong ganoon eh. Ayaw ko pong makasakit ng ibang damdamin dahil hindi ko po sila kayang magustuhan pabalik pero iba po 'yong apo niyo eh. Masyado siyang persistent. Lagi ko siyang nakikitang nakamasid sa akin at kung ano ano pa hanggang sa dumating sa point na nadisappoint ako ng nawala na sa akin 'yong atensyon niya. Doon ko lang nalaman at napagtanto na siya na pala 'yong tinitibok ng puso ko at wala ng iba."

"Gusto ko ako palagi 'yong dahilan ng ngiti niya. Iyong dahilan kung bakit siya tumatawa sa maliliit na bagay. Gusto ko ako lang ang may kakayanan nong gawin sa kanya pero ang binigay ko lang naman sa kanya ay puro sakit at hapdi to the point na mag give up na siya."

"Halos isang taon din niyang tiniis 'yon. Isang taon na puro pasakit lang 'yong binibigay ko sa kanya at hindi saya pero nabuhayan ako ulit ng pag asa ng dumating ang grade 12. Sabi ko sa sarili ko na itatama ko na lahat ng mali ko. Nagagawin ko na 'yong dapat kong gawin at aamin na sa nararamdaman ko kaya heto po ako, willing na maghintay sa matamis niyang oo."

"Kahit alam ko sa sarili ko na di ko deserve ang second chance, nagpapasalamat pa rin ako dahil tinanggap niya ko ng buong buo. Mahal ko po siya at gagawin ko ang lahat para maging masaya siya."

Natahimik ang lahat sa sinabi niya. Maging ako ay natememe lang dito sa isang tabi. Oo, alam ko na lahat ng 'yon at kahit parang sirang plaka ito na paulit ulit na nagpliplay sa utak ko ay feeling ko fresh pa rin lahat ng 'yon at tila ngayon ko lang narinig.

"Well," panimula ni lola dahilan para mapalunok ako ng wala sa oras. Siyempre ako 'yong pinag uusapan dito no. Tinignan ko naman si Kelso at nakitang kinakabahan siya sa maaaring sabihin ni lola pero alam ko naman na matatanggap siya nito.

"Dahil sa narinig ko at sa pinakita mong sinseridad mo sa unang apo ko ay binibigay ko na ang blessings ko sa inyong dalawa. Sana huwag mong babaliwalain 'to at sasaktan ang apo ko kundi malalagot ka sa akin." wika ni lola na ikinaiyak ko. Tinignan ko naman si Kelso at nakitang umiiyak ito sa tuwa. Tumalon talon pa siya habang patuloy na nagpapasalamat sa lola ko maging sa mga parents ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. I am overwhelmed right now kasi tanggap na nila si Kelso para sa akin at wala na kong hinihiling pa.

Tumingin naman sa akin si Kelso pagkatapos ay ngumiti. Ngumiti din ako pabalik. Isang ngiting nagpapasalamat dahil finally, tanggap na kami at ang aming magiging relasyon.

Sana lang maging maayos ang lahat mas lalo na sa darating na kaarawan ko at alam kong ito na ang pinakamasaya at hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.

❌❌❌

NOBODY'S BETTERWhere stories live. Discover now