Tinapunan kolang ulit siya ng masamang tingin.

Umupo na ko sa malapit na table at iniwan siya sa counter. Alam niya nanaman gusto ko bat kailangan pa tanungin ulit duh!

So stupid!

"Argh. Criszette naman eh di ako manghuhula okay ano nga gusto mong bilhin." nagulat ako sa biglang pagsulpot niya akala ko kasi alam na niya. Kingina talaga naririndi na ko sakanya, bakit ba pinagtitiyagaan ko to?

"Barbeque." tipid na sagot ko tsaka isinalpak ang earphone sa tenga at nagplay ng music. Napansin ko namang umalis na siya at pumunta na sa counter.

After 5 minutes...

Tagal naman nun. Jusq baka naman natabunan na ng barbeque yun dahil naiinip nako tumayo nako at pumunta sa counter as what I'm expected.

Nakikipag-away nanaman!

"Gabriella wag na wag mokong kinakalaban." matapang na sigaw ni Stacey kaya napairap nalang ako. Hindi pa rin ba siya tapos, parang katatapos lang niya makipag-away kanina malapit sa gate eh. Ang basag ulo naman neto.

"Sino tinakot mo bitch? Sariling multo mo!" maarteng sagot ni Gabriella. Makapag-inarte to kala mo kung sinong maganda - well maganda naman siya talaga pero di kasi bagay sakanya mag-inarte kasi para siyang tanga.

 "Oh naniniwala ka pa pala sa multo Gabriella, oh how pathetic you are. Ghost really? Masyado ng pambata yang banat mo." sagot naman ni Stacey.

Mga ayaw magpatalo. Kanya-kanyang debate eh.

Nasa kalagitnaan na sila ng pagsasagutan ang dalawa ng maramdaman ko ang kumakalam ko na tiyan. At wala akong plano pa panoorin pa sila ng matagal, dahil baka sila masaktan sakin pag hindi ako nakakain.

"Stacey dipa ba kayo tapos? Nagugutom nako." halos mapatigil ang lahat at napalingon sakin.

Problema ng mga to?

"Malapit na tatapusin ko na to antayin monalang ako sa table." sagot ni Stacey na di inaalis ang tingin  kay Gabriella.

Pero dahil sa gutom na talaga ako. Lumapit ako at dinampot ang juice na malapit sa kinatatayuan ko. At dahan-dahang ibinuhos kay Gabriella. Na nagtitili after ko buhusan ng juice.

"Ayoko sa lahat ng nalalate ang pagkain ko dahil sa mga sabagal na tulad mo." napasinghap ang lahat dahil sa sinabi ko maging si Gabriella halata mo ang gulat sa mukha.

Bumaling ako kay Stacey.

"Bumili kana Stacey tinapos ko na." sabi ko tsaka tumalikod at bumalik sa table. Tsk nagugutom na talaga ko, masyado silang pa eksena eh.


 STACEY

Naiwan kaming nakanganga sa ginawa ni Criszette halos magtitili si Gabriella sa inis.

Dapat lang sayo yan bitch!

Pagkaalis niya halos mangatog ang tuhod ng mga nakakita.

Weird!

Eh ganun naman talaga yun si Criszette eh. Pag gutom siya gutom siya. Kaya paggutom siya wag mo ng tangkaing galitin siya dahil di mo gugustuhin ang kahihinatnan mo sa totoo lang.

"Limang barbeque po please." sabi ko ng nasa harap ko ng mismong counter.

 Agad namang inabot ng tindera sakin ang barbeque tsaka ako nagbayad at umalis.

Pagdating ko sa table naabutan ko nakapikit ang mata ni Criszette at mukhang tulog pero di siya nakatungo o nakaub-ob man lang kasi nakapangalumbaba siya habang natutulog.

Napakaweirdo talaga nito.

"Hey Unique kakain na eto na barbeque mo." sabi ko tsaka nilapag ang tray sa lamesa.

Nag-angat siya at tsaka sinamaan ako ng tingin. Nagpeace sign ako. Oo nga pala ayaw yang tinatawag na Unique ewan ko ba diyan sa bruha na yan kala mo kung saan pinaglihi ang sobrang cold. Yung as in di mo siya mararamdaman ganun.

Parang ang bigat lagi ng atmosphere. Dagdag mo pa ang walang emosyon yang mukha. Ni hindi ko pa nga nakitang tumawa yan.

Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang mag-ring ang phone ko kaya dali-dali ko itong kinuha sa bulsa at tiningnan.

 1 message received

Sino naman kaya ito?

0_0
   
Halos manlaki ang mata ko sa text na nareceived ko.

From: Ursula
If kasama mo si Criszette please tell her to go home and also you Stacey sumama ka din may importante kaming sasabihin sa inyo gets. Go home now wag muna kayo pumasok ngayon.

Bakit naman kaya pinapauwi kami nito at bakit damay ako.

"Sino yan?" wala pa ding emosyong tanong ni Criszette sakin tsaka kinagatan ang barbeque.

"Si Kuya Ursula."sagot ko tsaka ipinagpatuloy ang pagkain. Uubusin ko muna to bago umuwi aba sayang ibinayad ko.

"Oh bakit daw?" nakataas na kilay na sabi niya at halata mo sa kanya na tamad na tamad. Bat ba palaging kala mo pagod to?

Bago ako sumagot sinimot ko ang pagkain ko. Aba baka pagsinabi ko eh diko na maubos to sayang pinangbili ko dito.

"Ano ba? Stacey mamaya kana kumain ano bang sabi ni Kuya." singhal niya tsaka hinila ang pagkain kong halos unti nalang ubos na.

"Teka lang naman ubusin ko muna yung pagkain. Balik mo sakin yan Criszette." sabi ko tsaka ngumuso sa pagkain.

My dear food mababawi ko din kayo.

"Eto na nga  *cough* pinapauwi n-na tayo kasi may importante daw silang sasabihin satin." sabi ko tsaka hinila agad ang pagkain at mabilis na sinimot ang pagkain. Nakangiti akong pinagpagan ang kamay ko.

Ayan walang nasayang!

"So stupid. Psh!" rinig kong bulong niya.

Wala na talagang ibang lumabas sa bunganga nito kundi Stupid. Langya yun lang ba alam niyang salita, wala na bang iba? Matanong nga sina Tita Shami.

"Stupid ka diyan inubos kolang kasi sayang yung perang ginastos ko diyan." sabi ko tsaka tiningnan ang plato niya.

Wtf? Naubos niya yung limang barbeque ng ganun kabilis?

"Paano mo naubos yun agad?" nagtatakang sabi ko sakanya. Binigyan lang niya ko ng nagtatakang tingin at tsaka binanatan ako ng irap.

"Gutom ako eh. Ang tagal ko pang naghintay kaya nagutom ako." ayun na ata ang pinakamahabang sinabi niya tsaka yung sa counter kanina.

Tumayo na siya tsaka naunang maglakad palabas ng Cafeteria.

"Intayin mo naman ako Criszette." sabi ko tsaka dali-daling tumayo at hinabol siya.

Jusq balak pa ata akong iwan, what a friend?

I hate you Criszette!

      

               

The Cold Princess of Ainabridge Academyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن