You
Gusto mo ba? Puwede naman. I won't mind.

Luv
😤

You
HAHAHAHAHA!

Luv
Pero seryoso, bakit may ibibigay ka sa akin? Birthday ko ba? Nakalimutan kong birthday ko?!

Oh, nakalimutan na niya ata. Pero okay lang, mahal ko pa rin naman siya. I pout as I type.

You
Crazy, haha.

You
Luv, today's Valentine's Day.

Luv
Fudge?!

Luv
Oo nga pala! Nakalimutan ko!

Luv
OMG.

Luv
Sorry :(((

Luv
I don't have anything to give you. Nakakainis! Papasok ako nang maaga sa school ngayon para mag-report sa Principal!

Luv
I'm so sorry, luv. I will make it up to you, babawi ako. Promise.

You
Okay lang. Kiss mo na lang ako mamaya. :>

Matapos kong ma-isend iyon ay nagpagulong gulong ako sa kama habang tumatawa nang malakas.

Luv
Sasapakin talaga kita mamaya.

Luv
Btw, luv. Mag-ready na ako sa school, ha?

Luv
See you later, I love you!

You
Ingat! I love you!

Nag-offline na agad siya nang masend na ang huling reply. Ngiting ngiti akong naghanda ng gamit at mabilis na ring pumasok sa CR para maligo.

Maaga nga pala siya laging pumapasok sa school. Kailangan ko na rin bang agahan ang pasok para makasama ko siya nang mas matagal pa?

I smile as I pull my shirt over my head. Yes, I should.

***

Pagtapat ng lunch break ay dumiretso na agad ako sa storage room kung saan kami magkikita ni Agatha. Maingat kong binibitbit ang bag ko upang hindi masira ang regalo ko sa kanya.

I decided to meet her here because our relationship is a secret. Tutol kasi sa akin ang Dad niya dahil kilala ako noon. Well, kilala ako ng halos lahat bilang playboy sa lugar namin kaya't olats na agad ako sa Dad niya.

Makalipas ang sampung minuto ay wala pa rin siya. Marahil ay niyaya siya nina Cath na kumain. Siguro, hindi siya nakatanggi kasi mapilit ang kaibigan niyang 'yon.

Naghintay pa ako ng ilang saglit. Matapos ang kalahating oras ay dumating na nga siya.

"Hey," I smile as I pull her hand.

Mabilis kong ni-lock ang pinto nang makapasok na siya. I hold her hand as I continued smiling sweetly at her. .

"Close your eyes." I command her.

She pouted and glared at me, "Baka kiss 'yan, ah!" I chuckle and shake my head. Pero hindi niya pa rin ako pinaniwalaan. She covered her mouth with her hand as she closed her eyes.

Natawa na lang ako. Kinuha ko na ang aking bag at inilabas ang bouquet ng origami flowers na pinagpuyatan kong gawin nang kalahating buwan.

"Happy Valentine's Day, luv." I mumbled as I flash the bouquet of flowers infront of her face.

Who Killed Agatha? (Published Under PSICOM Publishing Inc.)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin