Chapter 07

496K 18.3K 12.1K
                                    

#ILWTG07 Chapter 07

Yago was showing me thumbs up habang nagrereview ako. I figured that he already learned that I didn't like being bothered habang nasa classroom ako kaya never na ulit siyang nag-attempt na tabihan ako. Si Jax talaga iyong seatmate niya sa room. Si Cha naman iyong laging katabi ko. I wish na maging close kami ni Cha, but she's too studious! Laging may binabasa—para siyang girl version ni Jax.

When Atty. Santillan arrived, palakas nang palakas ang tibok ng puso ko.

'You got this,' Yago mouthed as Atty. Santillan prepared the index cards. Feeling ko talaga bigla na lang akong magkaka-asthma! Makita ko pa lang iyang mga index cards na 'yan, nakaka-ramdam na agad ako ng takot sa buong pagkatao ko! It's horrendous!

"Yuchengco," Atty. Santillan called. Shit. "Case of Bagong Alyansang Makabayan v Zamora."

I watched in awe as Jax flawlessly recalled every fact pertinent to the case, plus he was also able to smoothly recall the movement of the case. Narinig ko na siya kanina na kinu-kwento kay Yago iyong case kasi 'di raw nagbasa si Yago. Tss. Nabasa niya na kaya iyong case! Minsan, goal niya lang daw talaga na pagsalitain si Jax kaya kung anu-ano ang tinatanong niya. Dati, sobrang random ng tanong niya pero hindi siya pinapansin. Na-realize niya na kapag related lang sa acads siya sinasagot nang matino ni Jax kaya puro about doon na ang tanong niya.

Atty. Santillan didn't have follow up question—most of our professors, walang follow-up question kay Jax kasi sinasabi niya na lahat ng important facts pati doctrine involved. Kay Yago lang maraming tanong kasi minsan kagaguhan na lang sinasabi niya, e.

A few more names were called. Kailan ba ako matatawag?!

Yago was laughing after the class got dismissed. "It's your lucky night," he said, tousling my hair.

I glared at him. "Kainis na kaya! Ako talaga iyong last?!" naiinis na sabi ko kasi kitang-kita naman na isang index card na lang iyong natitira tapos hindi pa ako tinawag ni Atty. Santillan! Ako na lang 'di pa nakakapagrecit sa buong class!

"I guess, save the best for last?"

"Baka save the worst for last."

Pinisil niya iyong ilong ko. "Negative Nelly," he said. "Wala tayong pasok bukas."

Nanlaki ang mga mata ko. "Sa Crim?!"

He nodded. "Minsan kasi, magcheck ka rin ng groupchat."

I tried to look for my phone in my bag, but it seemed like nalimutan ko iyon sa unit ko. Sobrang kaba ko lang siguro talaga!

"Here," he said, handing over his phone. "Gusto mo mabasa?"

"Nah. Later ko na lang babasahin," I said. Ayoko naman na tignan iyong phone niya. That's his privacy. At saka kasi feeling ko mas close na kami ni Yago, still, may mga limits. Kagaya ngayon, since sinabi niya before na ang weird sa feeling niya kapag pinag-uusapan namin iyong mga kalandian niya, I try my best not to be curious about that...

"Do you drink?" he asked.

"Bakit?"

He shrugged. "Since no class bukas, let's relax."

"Sino'ng kasama?"

He looked around, but most of our classmates were already on their way home or wherever. Dahil nga nasa star section kami, sobrang competitive talaga ng mga tao. As in legit competitive! Kaya nga hindi ako bumibisita sa groupchat, e. Para naman kasing ghost town iyon. As in announcement lang ang mababasa mo. Which was sad... kasi nakita ko iyong ibang blocs, sobrang close nila...

In Love With The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon