PALABAS na kami nang gate nang mapansin ko ang kotse ni Jjong na nakaparada.

Kinabahan ako...hinihintay ba nya ko?

Biglang bumukas ang pinto nang kotse. At lumabas na nga si Jjong.

"Omo Chin ikaw ba hinihintay nyan?" at siniko ako ni Miki.

Hindi parin kasi alam ni Miki na kami na ni Jjong.

"Mmm....guys mauna na kayo ha."

"Hindi ka sasabay samin Chin.?" tanong ni Tom sakin.

"Hindi na...sige bye." paalam ko sa kanila at lumapit nako kay Jjong.

"Sila kasabay mong pauwi?" kunot noong tanong ni Jjong nang makalapit nako sa kanya.

"Oo...mag-aaudition kasi kami ni Miki sa idance...tara na."

"Wait lang...pati yung mga new friends nyo sasali din?" pigil nito sakin.

"Ah oo...si Miki kasi crush yung isa...si Josh."

"...that guy named Tom...I'm sure sasali sya kasi andun ka." at pinagbuksan ako nang pinto ni Jjong.

"Hindi naman...kaw talaga...tamang hinala." sagot ko nang nasa kotse na kaming dalawa.

"Kung makatingin sya sayo...ay ewan."

"Parang sira to...mabait naman si Tom eh."

"Gusto mong bumaba?"

Ang sungit na naman nito. Baka meron na naman.!

"Sige hinto mo bababa ako.!" sagot ko.

Pero hindi naman nya inihinto.

"Problema mo?" tanong ko sa kanya. La na sira na gabi ko.

"Kasi naman kung hindi kita hinintay malamang kasabay mong umuwi ang Tom na yun."

"Eh ano naman ang masama dun? Andun din naman si Miki."

"Kahit na...alam  ba nya?"

"Alam ang ano?" tinanong ko sya kahit alam ko kung ano ang tinutukoy nya.

"Ewan ko sayo Chin..." pagsusungit nito.

Nang makarating na kami sa bahay namin ay wala parin kaming imikan.

"Thanks!" sabi ko at binuksan ko na ang pinto nang kotse.

"Good night..." mahinang sagot nito.

Nang makapasok nako sa kwarto ko eh padabog kong binagsak ang bag ko sa kama ko.

"Kainis ka Jjong." sambit ko. Pero napangiti ako...nagseselos ito...nakakatuwa naman.

THURSDAY morning.

"Chin!" tawag ni Tom sakin at lumapit na nga ito.

"Morning..." bati ko sa kanya.

"Nga pala Chin...sabay tayo maglunch mamaya..." yaya nito sakin.

"Sorry Tom...may kasabay ako eh.."

"Sino?..edi sasabay nalang ako."

"Boyfriend ko..."

Natigilan ito... "Boyfriend?..yun ba yung guy na sumundo sayo last night?"

"Oo..sya nga..."

"Pero sabi ni Miki...hindi naman daw kayo...?"

"Actually hindi pa alam nina Miki eh..." paliwanag ko.

"Ganun ba...Sige I'll see you around nalang.." at umalis na ito.

Nakakakonsensya naman. Mabait at cute si Tom...kung matino lang akong pumili tiyak magiging crush ko ito. Kaso baliw ako eh. Hay ~

Naglalakad nako nang magring ang cellphone ko.

Si Jjong.

"Oh bakit?" tanong ko.

"Papasok ka na?"

"Oo...ikaw?"

"Andito na sa may gate..."

"Sige na papasok nako.."

"Wait lang Chin!...andito nako sa likod mo." nagulat ako nang marinig yun. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Oh Hi..." bati ko sa kanya.

"Hatid na kita sa classroom mo." at sumabay na nga ito sakin.

"Kahit wag na...alam ko naman papunta don eh." pilosopong sagot ko.

"Ano ka ba?."

"Oh bakit?"

"Tara na.!" at hinila nito ang kamay ko. Yes boom panes! Magkaholding hands na kami.

Napangiti nalang ako habang hawak-hawak nya ang kamay ko. Bigla tuloy kaming pinagtinginan nang ibang mga estudyante na nadadaanan namin.

Yung iba kinilig at karamihan sa kanila eh tumaas ang kilay. Sapakin ko mga face nang mga to eh.!

Nang makarating na kami sa classroom ko eh humarap ako sa kanya at kumiwalas na.

"Ge na...ang sakit nang kamay ko oh." pagkukunwari ko.

"May practice kayo mamaya?."

"Malamang...si Miki kasi eh..."

"I'll wait for you then..."

"Di nga?...kahit wag na...papahatid nalang ako kina Tom." mang-asar ba.?

At kumunot nga ang noo nito.

"Joke lang!!!..." bawi ko agad.

"Subukan mo lang..." mahinang sambit nito.

"Sige na umalis kana...halikan kita dyan eh..." biro ko pa dito.

"Bakit nakainom ka na naman?" ganting biro nito, pero seryoso parin ang mukha.

Nang makaalis na si Jjong eh...mukha ni Rafa at Tine at bumalandra sakin.

"What the hell was that?...holding hands while walking?.." taas kilay na sabi ni Rafa.

"Okay let me explain..." sabi ko.

"Detalyado ha...!" singhal ni Tine.

"Sure...pero mamaya na...after class." at hinila ko na sila papasok sa classroom.

Wala nang nagawa sina Tine at Rafa dahil nasa loob narin ang Prof. namin.

Nang makaupo nako sa upuan ko biglang nagvibrate ang cp ko. Sinilip ko ito baka ang baliw na si Jjong ang nagtext. Pero si Tom ang nagtext...pano kaya nito nalaman ang # ko. Hay ~

Nagulat ako sa tinext nito.

"Chin I really like you.... Tom."

Because I'm Your Girl 1 | Completed - Under RevisionWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu