Banquet Night (ONE SHOT)

29 1 2
                                    

        Inaayos ko yung mga gamit sa ko dito sa kama ko sa dorm. Andito ako sa 5 day camp sa Tagaytay and this is our second day. 

        "Oh Cathy, how's your experience sa camp?" sabi ni Ate Joy. Siya yung cell group leader ko. "Ok naman po. Masaya, madaming new friends." nakangiti kong sabi sa kanya habang patuloy na inaayos yung mga gamit ko sa bag ko. Nireready ko lang yung mga susunod ko pang susuotin pati yung mga iba pang gamit. "Ah, eh partner for banquet night meron naba?"

        Banquet night? What's that?

        Nalaman ko na yung banquet night pala eh nagaganap every thursday ng camp. Monday to Friday yung camp and every 4th night, may banquet night na tinatawag. Boys will have to have a partner for that event and yun yung magiging date nila. Sila yung manlilibre for drinks(softdrinks lang naman) Syempre yayayain nila yung girl. Yung girls, mag-iintay nalang kung sino yung magyayaya sa kanila. 

        Hindi ko masyadong inisip yung banquet night na yon. I just make sure na mag-eenjoy ako sa camp na toh. Not until I saw this oh-so-handsome guy nung lunchtime namin nung tuesday. I really can feel na antagal kong nakatitig sa kanya habang kasalubong ko siya sa paglalakad. Parang nagslow motion yung buong paligid and siya lang yung nakita ko. Ohmyyyy. Can girls just make the move para yayain yung guy na gusto niyang maka-date for banquet night??? :") Kasi yayayain ko na siya ngayon at ngayon din!

        Dinner, breakfast, and pati sa chapel hour di ko siya nakita. Di ko alam kung asan siya. After ko kasi siya makita nung morning, di na. Ilang oras ko na siya hindi nakikita. Medyo malaki din naman tong camp site and magkalayo yung dorm ng boys and girls. 

      Wednesday, Tapos na kami kumaing ng lunch. Tumayo na ko para ayusin yung mga pinagkainan namin ng mga ka-churchmates ko. "Ate Cathy, nakita mo na yung crush mo?" sabi nung bata naming kasama. Mga 14 years old na siya. Pilyo din kaya magaling mang-asar. Matured na din mag-isip kahit ganun. Ay nako mga bata nga naman. "Hindi pa Lemuel. Nakita mo ba siya?" sabi ko naman sa kanya na parang nakikibata din. "Oo Ate. Ka-grupo ko nga siya eh. Ayiiiiiii. Kaso di ko alam yung pangalan niya. Antahimik lang kasi." sabi niya habang pinopoint yung tagiliran ko. Umiiwas naman ko.

        "Eh tigilan mo ko Lemuel ah. Baka gusto mong ikaw magligpit ng mga toh." di ko siya pinansin atsaka ko inabot yung mga plato dun sa malayo.

        "Ay ate, ayun pala siya eh. Gusto mo tawagin ko?" napatingin naman ako sa sinasabi niya and nakita ko nga siya. Buti nalang nakatingin siya sa ibang dereksyon kaya hindi niya nakitang tumingin ako sa kanya. Tumingin ako ng masama kay Lemuel na kasalukuyang napakaganda ng ngiti sakin! 

        Naglakad siya dun sa kung saan nakatayo yung crush ko na hindi ko alam ang pangalan. Agad naman akong tumalikod at mabilis na inayos yung mga plato. Maya-maya may kumalabit na sakin. "Ate cathy, Ate cathy." Paglingon ko, andun na si Lemuel na tinuturo gamit yung kanang kamay niya sa katabi niyang lalaking gwapo na oh-myyyy-grabbeeee sa gwapo! Di ko alam gagawin ko kaya nag "Hi" nalang ako with my oh-so-joyful na mata habang winave yung kamay ko. Nag'hi' din naman siya at ngumiti.

        Bigla nalang akong napatalikod at naramdaman kong namula ang pisngi ko. Lokong Lemuel na toh! Di ko nga alam itsura ko dun! 

~

        Chapel hour na. Pinilit ko yung mga ka-churchmate ko na sa may bandang gitna umupo. Para naman makasilay ako dun sa guy na nalaman kong sa likod nakaupo. May inannounce lang saglit yung leader sa harap then nag praise and worship na and message na. Syempre focus muna. Mamaya ko na ulit sisilayan yung guy. Andun lang siya. Alam ko naman kung saan siya nakapwesto eh.

        After nung service, may konting announcements ulit about sa instructions sa cell group and para sa obstacle games bukas. Yung mga mud mud mud. Huhu bawal daw hindi maki-join. Wala ako sa mood makinig kaya this is the time para sumilay ulit. :)

Banquet Night (ONE SHOT)Where stories live. Discover now