Track 14: Obviously Jealous

Magsimula sa umpisa
                                    

"I see," seryosong sagot ni Kelsey.

Not jealous, my ass. She's so obvious. She could've just told the truth.


***


"Masarap kaya 'to?" tanong ni Melody habang tinitingnan ang hawak na cookies.

Hinila niya ako sa supermarket para mamili ng pagkain kasi naubos ko na ang nasa room. Ayaw naman namin umasa lang sa pagkain provided by the dorm. Mas ayos na ang may nakatabi palagi sa kwarto.

"Oh, right. Lahat naman masarap sa 'yo. Huwag ka na sumagot," dagdag pa niya at inilagay ang pagkain sa basket.

Nag-ikot-ikot pa kami. Kuha lang nang kuha si Melody palibhasa alam niyang ako ang magbabayad.

Nasa kalagitnaan kami ng pagtatalo kung bibili pa kami ng ice cream o hindi na. Pinipilit kong bumili ng isang gallon pero sabi niya masasayang lang daw kasi mabilis malusaw at 'yung maliit lang ang ibinibigay sa akin. Hay nako. But at least this is better than nothing.

Tatanggapin ko na sana ang ice cream nang may biglang humablot noon at umakbay sa akin.

"Ooh. Kasya na 'to sa 'yo ngayon?" tukso ni Dex nang makita kung gaano kaliit ang inaabot sa akin ni Melody.

"I gave her that," proud na sabi naman ni Melody.

"And I told her this isn't enough. This is way too small."

"Oo nga. Masyadong maliit para sa kaniya 'to," panig sa akin ni Dex. Minsan talaga may pakinabang din ang lalaking 'to.

"Gusto niya isang gallon! Masasayang lang."

"Kakainin naman," sabay na sagot namin ni Dex.

"Malulusaw," sabay na sagot naman ni Melody at Chord.

O, nandito pala si Chord. Hindi kapansin pansin.

"As if mapanindigan ng mini ref sa room namin i-maintain ang pagiging frozen niya. Pwede pa naman siya bumili ulit kapag naubos na. Hindi dahil may pera kayo, bibili lang nang bibili ng kung ano ang gusto niyo."

"Right," tango ni Chord sa sinabi niya.

Wala na rin kaming nasabi ni Dex kasi dinaan na kami sa pangaral sa buhay. Sige na. Itong maliit na lang muna sa ngayon. Next time ko na lang ipipilit kung ano ang gusto ko.

"Why are you here anyway?" Kung saan saan sumusulpot ang dalawang 'to. Nakakairita na rin makita ang pagmumukha nila.

"Hindi mo pag-aari ang supermarket. Huwag kang masungit." Paggulo na naman ni Dex ng buhok ko.

Apparently, bibili lang pala sila ng alcoholic beverages. Mag-iinuman daw sila ng banda nila. Kung paano nila ipapasok sa academy or sa dorm 'yan, wala na akong pakialam. Mukha namang easy na sa kanila 'to. For sure gawain na nila.

Matapos mamili ay nag-aya pa silang tumambay muna sa convenience store. Mamaya pa naman daw kasi sila mag-iinuman. May isang oras pa naman bago ang curfew kaya pumayag na kami ni Melody.



Nakatambay kami sa labas ng store habang kumakain ng snacks nang mabanggit ko na nagtratrabaho si Melody.

"Bakit? May financial problem kayo?" tanong ni Chord.

Umiling si Melody habang iniinom 'yung chocolate drink niya. "Sila wala. Ako lang," biro niya. Hindi naintindihan ni Chord ang sinabi niya kaya nagpaliwanag na siya. "Hindi sila sang-ayon sa pagpasok ko dito. They want me to take up a 'real' course that will give me a 'real' job. But they paid for this semester naman. After nga lang, it's all on me. Kaya I'm working. But it's fine. At least hinayaan na nila ako to pursue my dream. And that's enough for me."

And They Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon