Track 13: Finding Solace in Music

Magsimula sa umpisa
                                    

Pupunta lang talaga ako sa C.R. pero bakit hanggang dito sinusundan ako ng mga ganito? Gusto ko lang talaga mag-C.R. nang matiwasay pero habang nasa cubicle ako, may mga pumasok na pinagkwekwentuhan ang resulta ng ranking kahapon.

Ang tingin nila ay binayaran lang ng magulang ko ang ibang etsudyante para iboto ako at maisama sa list. Hindi ko naman masabi na masuportahan nga lang sa pinili kong career hindi nila magawa, paano pa kaya ang magbayad ng ibang tao para sa list na hindi naman nila alam kung ano.

Nang marinig kong nagbukas sara ang pinto at nawalan na ng mga nagkwekwentuhan ay lumabas na ako. Kaya lang dahil maswerte akong nilalang, wrong move pala ang ginawa ko.

Nagtama ang mata namin ni Ysabella sa salamin. Napahinto ako ng ilang segundo at nagpatuloy sa sink kung saan nandoon siya at nag-aapply ng lipstick. Umiwas ako sa awkward situation kanina pero mas awkward pa pala 'tong matatapatan ko. Sobrang malas ko talaga.

But at least she's not talking to me. Every time she gives me her attention, puro hindi lang maganda ang lumalabas sa bibig niya. I'm still lucky, I guess.

"So you entered the ranking, huh?"

Or not.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya umiwas ako ng tingin.

"I don't see anything special with you. You're too..." Para akong nangliit nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa. Isinara niya ang lipstick at ngumiti. "Common would be the nice word."

"And you look like a superstar," I said before I could even stop myself. Itinikom ko agad ang bibig ko nang marealize ko ang sinabi ko.

Ano ba 'yan, Melody?! Parang minamaliit ka na nga pero pinuri mo pa. Lalo lang ako magmumukhang kaapi-api nito.

Nginisian niya ako at inirapan. I took it as a cue na tapos na ang usapan at dapat na akong umalis bago pa siya may sabihing hindi maganda at bago pa ako may masabing katawa tawa.

I was drying my hand when she talked again. "Celebrate now before you get kicked out of the chart next time. We can't always count on people's vote, can we? Once the hype dies down and you're no longer being linked to any of the members of those bands, people will stop caring about you. I would advise you to focus on your talent instead to gain people's attention but it would be too hard for you. Beginner's level nga lang hindi mo malagpasan." Inayos niya pa ng huling beses ang buhok niya at saka humarap sa akin. "Congratulations on making it to the list by the way," she smiled and went out.

My hands are shaking for some reason. My heart is beating so fast. Everything she said is the truth. I feel like crying but when I looked at my reflection in the mirror, I realized that I'm already crying.

I wiped my tears and washed my face. I'm stronger than this. Hindi ako dapat umiiyak. Ginusto ko 'to. Pinasok ko 'to. Para sa pangarap ko.

"You can do this," bulong ko sa sarili ko. Kahit mahirap. Kahit nakakatakot.


***


"Congrats! Kelsey told me you entered the ranking." I stopped playing the piano, looked up and saw Jarvis walking towards me.

After my encounter with Ysabella, nagpunta ako sa piano room near the fire exit sa Music Department's building to be alone and to calm myself. And for the second time that I've been here, nagkita na naman kami ni Jarvis.

"Is this your hiding place?"

Umusad ako para makaupo siya sa tabi ko. "Not really a hiding place. I just go here whenever I want to be alone."

And They Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon