CHAPTER 1

95.9K 1.8K 153
                                    

✨You can read the edited and revised version of this story on Libri and GoodNovel. Thank you so much❤️

DISCLAIMER:
This book is a work of fiction. A product of my imagination.
Any resemblance to an actual events or locales, persons, living or dead, are purely coincidental.

WARNING
Please do not copy, cite or distribute without author's permission.
⚠️ PLAGIARISM IS A CRIME.

© All Rights Reserved. Zinnriee.2019

⚠️Grammatical error and typographical errors ahead. This is under MAJOR EDITING. (Naloka ako, super jeje kingina)










(ZAYNAH POV)

[ANNOUNCEMENT: So marami akong nababasa na comment na '16 years old palang nabuntis na daw HAHAHA Okay so, first of all, umuusad po 'yong story kaya malamang umuusad din 'yong time. Kaya nga may 'Makalipas ang blah blah buwan' diba? Maraming beses na lumipas ang buwan. Beh, hindi 'to nangyari sa loob lang ng isang araw😭 Akala ko maintindihan niyo 'yon chariz HAHAHA. And I'm sorry, as I've said, under major editing to mga beh kaya marami talagang mali tapos sinulat ko 'to bata pa talaga ako, 16 years old hehe. Then that time, uso talaga sa mga main character ang 16 na age kaya gano'n. So thank you sa mga nagbasa kahit hindi pa okay♥️ ]


******

Ipinarada ang kotse ng medyo may kalayuan sa eskwelahang pinapasukan ko. School of Elite na nakabase sa Tagaytay. Bumaba na ako at nagpaalam sa driver. Saka ko nilakad ang distansya patungo sa paaralan. Pagkapasok ko ng gate ay agad na tumambad sa akin ang mga estudyante na tila hinihintay 9 na palagi nilang pinapansin. Ni hindi ko nga nilalaanan ng oras ang mukha ko pero sila ay halos minu-minutong pinupuna nila. Akmang lalagpasan ko na sila nang bigla nalang nitong hablutin ang buhok ko. And again, hindi na iyon bago sa akin. Mas lalo akong napabuntong-hininga dahil alam ko na ang susunod na linya. Sa paulit-ulit ba naman, ewan ko nalang kung hindi ko pa makabisado

"I'm not done, you ugly creature! So don't you dare turn your back on me. Huwag kang bastos!" Galit na turan nito sa akin. Napaupo ako ng bigla nila akong tinulak. Akmang tatayo na ako may sinabi siyang hindi ko nagustuhan.

"I wonder if your mother is ugly too? " Panunuya niya habang nakangisi.

That's it. Ginising nila ang hindi dapat magising. Kinuyom ko ang kamao ko habang unti-unti akong kinakain ng dilim. Hanggang sa naramdaman ko na parang may gustong kumawala sa akin.

"Common sense. Yes, it is. Her mother is ug- "

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla nalang akong may ginawa na hindi ko akalaing magagawa ko at nang hindi ko nalalaman. Basta ang alam ko lang ay kusang gumagalaw ang mga katawan ko na parang may sarili itong buhay at nagkaroon ako ng ibang pagkatao. Lahat nahihintakutang napatingin kay Jessica ng bigla nalang itong bumagsak at duguan.

"You know nothing " malamig na saad ko habang nakatingin sa babaeng nakahandusay sa semento. Nakarinig ako ng mga sigawan at mga yabag na tila patakbong lumalayo. Ngunit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin at dahan-dahan akong napatingin sa isang taong hindi makagalaw at umiiyak lang na nakatingin sa babaeng nasa tapat ko. Sa kabila ng mga sigawan ay rinig na rinig ko pa rin ang iyak niya na ikinatuwa ko.

Napaatras ito nang humakbang ako palapit sa kanya. Itinagilid ko ang ulo at sinuri ko siya saka ako napangisi at tinitigan siya sa mata na sinalubong niya, at iyon ang malaking pagkakamali niya.

"DIE"

DALAWANG araw na ang nakalipas simula ng pumutok ang balita tungkol sa dalawang estudyante na parehong nasa ospital ngayon at malubha ang kalagayan sa hindi mawaring dahilan. Wala bang nakakita sa nangyari? Nagtataka din ako kung bakit tila may nakalimutan ako. Hindi ko matandaan kung ano ang sunod na nangyari pagkatapos nila akong tinulak tapos mababalitaan ko nalang na nasa ospital na sila. Nang nagtanong naman ang mga pulis ay walang may nakakalaalam kung ano talaga ang totoong nangyari sa dalawa.

MAGICZARD ACADEMY : THE HEARTLESS PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon