Chapter 16

7.8K 177 1
                                    

NAKATANGGAP si Gladys ng text message mula sa kapatid ni Zephyr na si Zia. Nakikipagtagpo ito sa kanya sa Aki's Bookshelves na pinaunlakan naman niya.

They had grown closer to each other in the last few weeks. Marami itong ikinuwento sa kanya tungkol sa kuya nito. Sinabi nito sa kanya ang mga paboritong bagay ni Zephyr. Ayon kasi kay Zia ay siya ang nais nitong maging sister-in-law. Parang may maliliit na kampana na nagtunugan sa isip niya nang sabihin nito iyon.

"Ang cute talaga ng bookstore na ito," puri ni Zia sa bookstore ni Zephyr.

Tumango siya bago nagtanong. "Ahm. Bakit mo nga pala ako pinapunta rito?"

"Birthday kasi ni Kuya Zephyr sa Linggo," pabulong na sagot nito. "Nagbabalak kasi kami ng surprise party para sa kanya. Ano? Join ka?"

"Oo naman," excited na sabi niya. "Tamang-tama, may spare key ako ng bahay niya."

"Very good ka talaga, girl. Dapat maaga ka sa Sunday, ha? Hihintayin kita sa bahay."

Bumili pa si Zia ng ilang libro sa bookstore bago ito nagpaalam. Siya naman ay nanatili roon para hintayin si Zephyr. Tutal ay naroon na siya, bakit hindi pa siya sisilay?

Hindi nagtagal ay dumating na si Zephyr. "Hey, sexy," nakangiting bati nito sa kanya. "Good morning." He kissed her on the lips. "Mabuti na lang at hindi muna ako dumaan sa boardinghouse. Ang aga mo yata. Bakit nandito ka?"

"Bibili kasi ako ng libro. Nakalimutan kong dumaan dito kagabi," pagsisinungaling niya. "Nag-almusal ka na?"

"Nakita na kita kaya busog na ako," sabi nito, saka ngumiti.

Mabilis pa sa kidlat na nagsirko ang puso niya. If everyday were like this, she would not ask for anything more. "Ang aga naman nating magbolahan," sabi niya rito.

Ngumiti lang ito, saka muli siyang hinalikan sa mga labi.

"Hoy, dahan-dahan sa paghalik sa akin. Nasa public place tayo," saway niya rito kahit ang totoo ay sobrang ligaya ng puso niya.

"Eh, ano naman ngayon? Hindi naman tayo artista. Hindi nila tayo pakikialaman."

"Kahit na. Paano kung may batang pumasok dito? Nakakahiya," natatawang sagot niya.

Akmang magsasalita si Zephyr nang biglang sumulpot sa likuran nito ang isang babae at tinakpan ang mga mata nito.

Nakamaang si Gladys habang nakatitig sa babae. She was tall and very pretty. Bagay na bagay rito ang pagiging morena nito. In fact, she looked more gorgeous given her skin tone. And she seemed familiar. Pilit niyang hinalukay sa isip kung sino ang babaeng nasa likuran ni Zephyr.

"Hey, who's this?" tanong ni Zephyr.

Nakangiting tinanggal ng babae ang mga kamay nito sa mga mata ni Zephyr.

Agad na humarap sa babae si Zephyr. "Candice..."

Dahil nakatalikod sa kanya si Zephyr ay hindi niya alam kung ano ang naging reaksiyon ng binata. Gayunman, nahimigan niya ang pagkagulat sa boses nito.

Ilang segundo ang lumipas bago nag-sink in sa isip niya ang pangalan na binangggit nito. Candice. Kung ganoon ay ito ang best friend ni Zephyr. Ang babae sa photo album na minahal nito nang lihim ngunit nagpakasal sa isang American citizen. Bigla ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Ngayong bumalik na si Candice sa Pilipinas, may magbabago ba sa sitwasyon nila ni Zephyr?

"I've missed you, Zeph!" bulalas ni Candice mayamaya, saka yumakap kay Zephyr.

Para siyang tinarakan ng patalim sa dibdib. Dumating na ba ang araw na kinatatakutan niya?

"I've missed you too," sagot ni Zephyr na tila nakalimutan na ang presensiya niya.

Kung hindi pa dumako ang tingin sa kanya ni Candice ay mukhang hindi pa siya ipakikilala rito ni Zephyr.

"Siya nga pala si Gladys," ani Zephyr. "Gladys, siya naman si Candice. Best friend ko."

Tumango siya. "Hi, it's nice to meet you." She tried to smile. Nahiling niya na sana ay magmukhang sinsero ang ngiti niya.

"It's nice to meet you, too," sagot ni Candice. She was as pleasant she looked. Mukhang hindi ito mahirap pakisamahan. "I like your hair, Gladys. Ilang beses na akong nagpa-perm ng hair pero kinabukasan lang ay tumutuwid na naman ang buhok ko." Mahihimigan sa boses nito na namalagi ito sa ibang bansa.

"Nagsasawa na nga ako rito sa buhok ko, eh. Parang lagi lang silang patay," biro niya.

Candice laughed. Habang si Zephyr ay nakatitig lang dito. Tila hindi pa rin ma-absorb ng binata na nasa harap nito ang babae. And given the look on his face, it was as if he was still in love with Candice.

Kahit hindi siya marunong magmura ay parang gusto niyang magmura nang mga sandaling iyon. Pakiramdam kasi niya ay isa siyang excess baggage sa mundo ng mga ito. Daig pa niya ang multo sa harap ni Zephyr. Naroon siya ngunit tila hindi siya nito nakikita.

Pinigil niyang mapaiyak. Hindi siya maaaring umiyak sa harap ng mga ito. Maybe she was hurting right at this very moment but she wouldn't let anyone see it. Hindi niya isasangkalan pati ang pride niya. "Ah, Zephyr. Aalis muna ako. Maiwan ko na kayo ni Candice. Ang mabuti pa ay ipasyal mo muna siya. Mukhang matagal kayong hindi nagkita. Ako naman, haharapin ko muna ang manuscript ko," paalam niya sa mga ito.

"Ihahatid na kita," alok nito.

Ang plastic mo! Alam mo 'yon? gusto sana niyang sabihin dito. "No. Hindi na. Kaya ko na." Bumaling siya kay Candice. "Have a nice day," nakangiting sabi niya. Tinanguan niya ang mga ito bago nagmartsa palabas ng Aki's Bookshelves.

Kailangan niyang pahupain ang nararamdaman niya dahil hindi niya mahaharap ang manuscript niya kapag nasa ganoon siyang kondisyon.

Pagdating sa boardinghouse ay nagtimpla siya ng kape at nagtungo sa veranda. Umupo siya sa nangangalawang na garden chair at ipinatong ang tasa ng kape sa nangangalawang na rin na mesa. Itinaas niya ang mga paa sa upuan, saka niyakap ang mga tuhod niya.

Mayamaya ay nangalay ang likod niya. Sumandal siya sa upuan. Wala siyang pakialam kung mamantsahan man ng kalawang ang puti niyang T-shirt. As if naman may lalala pa sa nangyari sa kanya kanina sa Aki's Bookshelves.

"Problemado, ah."

Nalingunan niya si Anne. Mukhang nag-resign ito sa trabaho dahil ilang araw na itong hindi umaalis ng boardinghouse.

"Slight," matipid na sagot niya, saka humigop ng kape.

"Slight pa lang 'yan? Eh, paano na lang 'pag grabe na?" Umupo sito sa katapat na upuan niya.

"Bumalik na ang best friend ni Zephyr," sabi niya. Nakapako ang tingin niya sa tasa ng kape na para bang iyon ang magre-react sa sinabi niya.

"O, ngayon? Ano ang mayroon sa best friend niya?"

"He was in love with her. He was secretly in love with her," sagot niya na sa kape pa rin nakatingin.

"Eh, kayo?" tanong nito.

"Wala namang kami, eh. Kahit kailan walang kami. Maybe he thought that he had fallen out of love with his best friend. Pero ngayon, bumalik na si Candice, wala na. Itsa-puwera na ako."

"So, ano ang tawag sa inyo? Dalawang taong naglalandian lang? Come on, sigurado akong may nararamdaman si Zephyr para sa 'yo. Ano? Ganyan na lang? Mag-e-emo ka na lang? Hindi mo ipaglalaban?"

"Wala naman kaming relasyon na dapat ipaglaban," sagot niya.

"May relasyon o wala, kapag mahal mo, ipaglaban mo. Aba! Hindi 'yon gano'n-gano'n na lang. Ipakita mo sa kanya na dapat ay ikaw ang piliin niya. Kung magmumukmok ka lang dito at hahayaan mo sila na laging magkasama, parang ipinagtulakan mo na rin si Zephyr na mahalin uli ang best friend niya. Saka sabi mo naman 'minahal,' 'di ba? Ang ibig sabihin, past tense. Past tense na si best friend. Ipakita mo sa kanya na pang-present at future tense ka."

Napangiti si Gladys sa sinabi ni Anne. May point ito. Hindi dapat niya hayaan si Zephyr na mahalin uli si Candice, lalo na at lumipas na ang nararamdaman nito sa babae. Isa pa, kasal na si Candice sa ibang lalaki. Ano pa ba ang pinag-iinarte niya?

In Love With A Love Guru by Andie HizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon