"Pag hindi kayo tumahimik na tatlo ako mismo ang tatahi sa mga bunganga niyo. Hay naku! Nadagdagan na naman ang sakit ko sa ulo!" sabi ni raven kaya napatahimik sila. Napatingin ako kay raven na naka poker face habang sinasabi iyon kaya hindi ko tuloy malaman kung naiinis ba siya o masaya ng sinabi niya iyon.

"Raven thank you" sabi ko kaya napatingin siya sakin na nakakunot ang noo

"Why are you thanking me? Pinatahimik ko lang naman sila. It's not like it's a big deal" sabi ni raven kaya umiling ako

"Thank you for coming to our lives" sabi ko saka ngumiti

Napanganga siya sa sinabi ko at nakita kong napangiti naman sila chloe.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Nababaliw kana ata. Tsk" sabi niya saka tumalikod at nagsimulang maglakad palayo kaya napangiti na lang ako. Hay naku. Nauna na naman siya. Pero hinayaan na namin siya baka kasi sobrang napagod siya sa mga nangyari. Hahayaan muna namin siyang magpahinga mula sa kakultian namin kahit ngayong araw lang.

Pinagmasdan ko siya habang naglalakad siya palayo. Hindi ako naniniwala na mapapahamak kami kapag nanatili kami sa tabi niya dahil hindi iyon ang nararamdaman namin kapag kasama namin siya. Pakiramdam namin sa tabi ni raven kami pinakaligtas. Ang akala ng lahat simula ng dumating sa buhay namin si raven naging magulo na ang buhay namin. Pero hindi iyon totoo. Ilang beses niya na kaming niligtas sa kapahamakan maski sa kamatayan. Inayos niya din ang mga gulo sa buhay namin. Ang mga takot at hinanakit namin sa buhay siya ang nag-alis. Kaya para samin si Raven ang pinaka kahanga-hanga na taong nakilala namin. Hindi niya naman kasalanan na lapitin siya ng gulo kaya madalas kaming mapasubok sa gulo. Si raven, siya ang nagbigay ng kulay sa buhay namin.Binigyan kami ni raven ng isang bagay na kailanman hindi matutumbasan ng kahit anong yaman at kapangyarihan, yun ay ang totoong pagkakaibigan. Simula ng dumating siya sa buhay namin mas marami kaming nakilala at naging kaibigan, kasama na doon sila Mira, Klein, Zyrene at Grave. Naniniwala akong may liwanag pa kahit kaunti sa puso ni raven masyado lang itong natabunan ng kadiliman. Pero alam kung meroon. Nandoon lang iyon sa pinakailalim at kasuluk-sulukan ng puso niya.

"Oo nga pala. Kaya namin kayo inabangan dito dahil pinapatawag kayo ni headmistress. Kailangan niyo daw ireport ang lahat ng nangyari sa misyon niyo. Pasensya na. Alam naming pagod kayo dahil kararating niyo pa lang sa misyon pero wala kaming magagawa iyon ang utos ni headmistress" sabi ni zyrene at saka alanganing ngumit

"Don't worry we understand. We're already used on Headmistress being like that" sabi ko sabay ngiti sa kanya kaya nakita kong napangiti na din siya

Naglakad na kami papunta sa HM office. Nang makarating kami sa tapat ng HM office ay kumatok agad kami.

"Come in"

Binuksan na namin ang pinto pagkasabi nun ni headmistress at nakita namin ang sandamakmak na mga papeles sa ibabaw ng table niya. Hays. Hardworking headmistress as ever.

Napaangat naman siya ng tingin at napangiti siya ng malaki ng makita kami kasama si grave.

"You may take a seat"

Kaya naman umupo na kami sa mahabang sofa. Pinagsaklop niya ang dalawa niyang kamay at pinatong doon ang baba niy.

"As I expected. You really did a good job, royalties" sabi ni headmistress

"It's not us. It's Raven. Siya nga lang ata ang pinaka may maraming natulong sa misyon na ito" sabi ko saka umismid

"I know. Sa totoo lang kaya nga niyang mapagtagumpayan na gawin ang misyon ng mag-isa lang siya" sabi ni headmistress

Magisch Academy: The Heartless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon