Chapter 8 - Flashback: Gotcha

7.9K 51 7
                                    

CHAPTER 8

Tama ba'ng magpaalipin na lang siya sa kahungkagang ito? Tama ba'ng magpakalunod na lang siya sa sitwasyong nakabitin? Eto siya naghihintay sa walang kasiguruhan. Parang nakabitin sa alanganin. Kailangan nilang mag-usap ng asawa niya. Pero paano niya kakausapin ang isang taong di niya alam kung saang lupalop nagtatampisaw ngayon?

"This is not me! Hindi ako sanay magkulong sa sarili para lang magtago ng nararamdaman! I must find him! We must talk..Hindi pwedeng ganito.. ano, iiwasan na naman niya ako? Para ano pa't pumayag siyang magpakasal sa akin kung ganito rin lang?" She pressed the power button of her CP once more while wiping her cheeks with her wrist. Ayaw niyang magsayang ng luha. Baka sa susunod wala na siyang mailuha.

Nang mag-appear na ang wallpaper sa CP niya tanda ng naka-ON na ito, she couldn't help but stare on the picture appeared on the screen. Stolen shot of the man she loved since time immemorial. Kuha ito ni Bernard nung pasimple niyang kinuhanan nung nasa library ito na nagbabasa at pasimple niyang sinundan upang picturan.

Isa lang ito sa mga stolen shots na kuha niya na tila naging hobby na niya at halos kada linggo niya pinapalitan. Puro mukha ni Bernard, ganun siya ka-obsessed? No, she won't call it obsession. It's deeply in-love! Ika nga sa bisayang classmate niya sa Design, "Ga-uros uros nga gugma" which means nag-uumapaw na pag-ibig. Gusto niyang mapangiti sa naisip. She even have all the compilation of his stolen pictures folderized in her files saved in her phone. Napabuntong hininga siya while staring on it. Tracing the screen as if tracing his face. Wala pa ring sign ni Bernard even text. She decided to stand up, leaving her phone on the bed.

Then out of her bed, she proceeded to the bathroom para maghilamos. She stared at the mirror. Water dripping from her face. Her eyes with pained expression were a bit swolen. Her cheeks and nose were a little red. Her  lips was a little bit pale. She looked so depressed! Even her hair na hindi pa naman gaanong natutuyo mula sa pagkapaligo kanina ay ang gulo-gulo naman. She's a total mess! 

Naghilamos uli siya. Then she composed herself. Naglagay ng face powder then liptint na kulay pink. She just brushed her hair at hinayaang nakalugay lang. As she once again stared at her reflection on the mirror, she was a bit surprised. Parang bumalik lang yung hitsura niya nung highschool siya.

Though her eyes were still a little swolen pero hindi na kasing mugto kanina. She's a perfect beauty gaya ng palaging sinasabi ng mga kaibigan at kaklase. Is she too perfect for Bernard at takot itong suklian ang pag-ibig niya? Or he couldn't love her enough that he chose not to love her back?

She sighed. Tumatakbo na naman ang isip niya tungo sa mga nakakaiyak na gunita. Isang hakbang pa uli ng kaisipan at bubulwak na naman ng luha ang mga mata niya. Ayaw na niyang umiyak. Sa ngayon.... at sana bukas... Sana magkaayos na sila ni Bernard.

Maybe Bernard needed a little time right now para mag-isip din kaya umalis. Pero sana sinabi niya...maiintindihan ko naman... mapag-uusapan naman namin... hindi yung ganito.... sana hindi na lang kami pumunta pa rito kung ganitong iiwan din lang naman pala niya akong mag-isa sa silid na to.

So much for the thought. She glance at her wristwatch where the time strikes at 9:30 PM. Pagkatapos ay lumabas na ng banyo at humugot ng maisusuot sa mini-maleta. Maging ang pagdala ng mga pamalit na kasuotan ay napagdiskitahan pala ng ama at Nanay Trini nang di niya namalayan. Akala niya ay kakain lang sila sa labas then babalik na uli sa vIlla na parang back to normal lang. Pero heto at pinaghanda pa ng baong maisusuot. Tumambad sa paningin niya ang damit nilang dalawa ni Bernard. Siguro'y good for 1 week yata na mga damit.. malamang dahil naka-book sila ng one week sa hotel/resort for their so called honeymoon!

"Tsk!" She smiled bitterly habang humugot ng black skinny jeans at black sexy blouse. Again. she smiled sa napiling isuot. Puro black... para lang nagluluksa? Eh kung tutuusin bagong kasal nga eh... well, magsuot man siya ng colorful na damit ganun pa rin... para pa rin siyang nagluluksa sa nararamdaman niya ngayon.

"Di ako puwedeng magmukmok dito. Gutom na ako. Tuliro pa ang utak ko. Mababaliw ako pag nanatili pa ako sa silid na ito nang ilang minuto..." At lumabas na siya ng silid sabay pihit ng pintuan pasara.

Tinungo niya ang isang resto grill na kanugnog ng hotel/resort. Habang papasok sa entrada ng resto hindi siya aware sa atensyong hinahatak niya sa mga nasa paligid. Mga matang humahanga at ang iba'y di maitagong pagnanasa mula sa mga kalalakihan at imbi naman ang mababanaag sa mga kababaihan. Why, she's too beautiful even without her make-up on. And she's too pre-occupied to notice it.

She chose a spot sa medyo sulok. A waiter immediately came and she ordered a light dinner. Habang naghihintay ng inorder pasimple niyang iginala ang paningin sa paligid. Umaasang baka nasa loob ng resto na iyun ang asawa. Lihim pa siyang nagtaka sa mga kalalakihang naroroon na ang mga mata ay humahangang nakatingin sa kanya. Yung iba ay panakaw na sumusulyap habang yung iba naman ay lantaran. Well, she's used to this kind of attention even sa University ngunit hindi niya binibigyang pansin dahil sa iisang tao lang naka-focus ang mundo niya.

Again she smiled bitterly with the thought. Kasabay ay niyuko niya ang mga daliri partikular sa palasingsingan niya. Ayaw na muna niyang mag-emote at gutom na siya. Saka na lang niya haharapin ang kasalukuyang sitwasyon pag may laman na ang sikmura niya. Mayamaya pa dumating na ang waiter bitbit ang inorder niya saka tahimik na siyang kumain.

Pagkatapos kumain naisipan niyang maglibut-libot at mag explore sa leisure area ng hotel. Ayaw niya munang bumalik sa silid na iyun na alam niyang wala naman siyang madadatnan. She have learned from the hotel staff that there's a music bar at the base of the lighthouse tower na kadikit ng hotel kung saan kita ang buong Subic Bay. Dinala siya ng mga paa roon. Hoping against hope na sana matagpuan doon ang asawa.

At mukhang di siya mabibigo. Dahil malayo pa lang aninag na niya ang bulto ng pamilyar na tindig nito na nakaupo sa bar counter. Ngunit sa malas.... may kasama ito.

Si Vernice!

******************************************************

A/N: Awwwwtsss! You tink it herts??? Ahihihi.... smile naman kayo dyan... huwag masyadong seryus..... peace!!!!

CARESSWhere stories live. Discover now