Chapter 20 Tensyon

8.2K 70 5
                                    

CHAPTER 20

Napalapit agad siya sa ama na tumayo mula sa kinauupuan at sinalubong siya ng yakap nang buong higpit. Napatayo naman ang lalaking kausap nito na ngayon ay blangko na ang ekspresyon ngunit nakatitig pa rin nang mataman.

"How was your trip, honey? I've missed you so much, anak.." Kulang na lang iikot siya ng ama sa hapag kainan kung di lang awkward dahil sa mga nakaharang na upuang gawa sa narra. Ahh, she's a Papa's girl noon pa man... and a spoiled one to be exact. Nag-init ang sulok ng mga mata niya na ginantihan ito nang mahigpit na yakap sabay halik sa pisngi.

"I've missed you too, Papa..... What time ka nakauwi? N-nakatulog ako sa pagod sa byahe... I- I guess it's the jetlag..." She hugged him tightly while controlling her emotion sa harap ng dalawang lalaking tahimik na nakatingin lang. Na-miss niya ang ganitong pagmamahal ng ama, na-miss niya nang sobra na gusto niyang mapaluha.

Ang tagal ding tinikis niya ang ama nang dahil sa lalaking nakatayo di kalayuan sa kinatatayuan nila na ramdam niyang matamang nakatitig sa kanya magpahanggang ngayon. Nanunuot sa balat na tila siya tinatalupan.

Nagkita na rin ang ama at si Steven kanina nang dumating ito kaya di na nagulat ang ama sa presensya nito. Isa pa'y naipakilala na rin niya ito sa ama niya nung unang magbakasyon ito sa US noon, that was her 19th birthday na inakala niyang ise-celebrate niya na wala ito. But to her surprise ay dumating nga ang ama sa gabi mismo ng kaarawan niya. Sa di mawari, tila umasam pa siya noon na may kasama itong iba nang gabing iyon. Ngunit lihim siyang nadismaya dahil mag-isa lang ang ama. 

"Nasa kasagsagan siya ng review ngayon anak for the board exam, though he really wanted to go with me pero pinigilan ko na lamang dahil sayang ang panahon." Ang sabi ng ama nung magkaroon sila ng pagkakataong makapag-usap nang sarililinan. Napahugot siya ng hininga. Ganun ba siya ka-transparent sa ama at nakita agad nito ang pag-asam sa mukha niya? Pilit niyang itinago ang naramdamang lungkot upang magkaila.

"P-Papa, hindi ko siya ini-expect na magpakita pa rito... bago ako umalis ng Pilipinas, tinapos ko na ang lahat sa amin... And the annulment papers, pi-pinirmahan na ba niya?"

"Iha, do you think there is really a need of filing that? Huwag muna magpadalus-dalos ng desisyon... pag-usapan niyo nang maayos..."

"Let's not talk about this matter anymore, Papa... It's my birthday remember, ayoko ng mga nakakalungkot na moment." Pinili niya ang umiwas sa topic para huwag na siyang kulitin ng ama dahil bumabalik lang ang malulungkot na alaala.

Napabalik siya sa kasalukuyan. Tila nagulat pa siya nang imuwestra siya ng ama na maupo na at nang makakain na sila. Kasalukuyang nilalagay ni Nanay Trini ang isa pang putahe na maaliwalas na ngumiti pagkakita sa kanya. Nginitian niya rin ito na ang balak ay hihila na ng mauupuan.

Ngunit sabay pang humila ng upuan si Bernard at Steven para sa kanya sa magkatapat na puwesto.

A tension filled in the air.

Saglit siyang napatigil dahil tila nalito siya kung saan mauupo.

Ngunit sa di malamang dahilan pinili niya ang upuan sa tabi ni Steven nang hindi tumitingin sa kaharap na lalong nawalan ng kibo.  Well, siguro dahil iyon ang mas malapit na upuan sa kinatatayuan niya? Or sadyang hindi siya kumportable kung iyung kabila ang tatabihan niya?

Maging si Nanay Trini ay nakaramdam ng pagkailang nang ito na mismo ang akayin ng anak na maupo doon sa hinila nitong upuan. Napatikhim ang ama niya na tila gustong buwagin ang tensyon na biglang bumalot sa paligid.

"Ok, shall we start... hmm, mukhang masarap itong dinner natin ngayon ah... puro favorite mo, anak..." Ang masayang sabi ng ama na nilingon naman niya nang alanganing ngiti sabay tango. Sa ginawa niyang iyon, nagtama ang paningin nila ng kaharap.

What he saw in his eyes make her stiffen. Tumatahip ang dibdib niya sa mga titig nitong tila may warning na siya lang ang nakakaalam. Ano, makuha ba siya sa tingin? Hah! The nerve! Agad niyang iniwas ang paningin at nagsimula nang kumain.

Gusto niyang kagatin ang labi dahil alam niyang mali ang napili niyang puwestong inupuan. Kaya naman tuloy halos di niya malunok ang kinakain kahit pa ba paborito niya ang mga nakahain. 

"Ah, Steven... mabuti naman at napapayag ka ring umuwi dito sa Pilipinas. Mukhang pinilit ka pa yata ni Samantha, hindi naman?" Ang panimulang topic ng ama dahil masyadong tahimik at tanging kalansing lang ng mga kubyertos ang maririnig dahil wala yatang balak magsalita ni isa sa kanila ng asawang kaharap. Lalo naman si Nanay Trini na tahimik lang ding kumakain at nakikiramdam kapag may kulang or kelangan sa mesa, maya't maya tumatayo para mag-refil kasama ang isa pang katulong.

"No, Tito... It was actually my intention to come with her para tanggapin yung proyektong inaalok ninyo sa kompanya." Ang magalang naman na sagot nito na may simpatikong ngiti sa mga labi. Napangiti naman siyang nilingon ang katabing binata. When she glanced at the man in front of her, gusto niyang mapaismid sa reaksyon nito. Coz what she saw in his eyes is an expression of total boredom. Kulang na lang maghikab.

"Ah, yes, yes... I'm glad that you accepted the offer without hesitation.... this could be a perfect team. Lubos akong nasisiyahan at sa wakas nakauwi na rin ng Pilipinas si Samantha.... and I wish this will be for good na, right, anak?" Nalito siya sa kung ano ang isasagot. Hindi pa niya napaghandaan ang ganitong katanungan. She bit her lip at alanganing tumango.

"Let's hope and see, Papa..... kung maganda ang kinalabasan ng project, maybe.... I guess...." Ewan pero napasulyap siyang muli sa kaharap at kita niyang napatiim bagang ito at umiwas ng tingin na tila hindi nagustuhan ang isinagot niya.

So what? Pakialam ba niya?

****************************************************************

CARESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon